Tuwang-tuwa na sinalubong si Marro ng Mama niya pagkarating niya sa kanilang tahanan. He’s been away for four days now at alam niyang hindi sanay ang ina na hindi siya nito nakikita. Siya man ay ganoon din dahil nalalayo lang naman siya dito sa tuwing may mga out of town shows siya or out of the country but other than that ay hindi siya naglalagi sa labas ng bahay nila. He even considers himself a mama’s boy.
Niyakap niya ang ina. He doesn’t know that an embrace from his mother could be this comforting and it seems to ease all of his worries away.
“Kumain ka na ba?” tanong nito habang maigi siyang sinisipat. Sign of relief will be seen from his mother’s face.
“Hindi pa, ‘Ma.”
Napakunot ang noo nito sabay bulalas. “Ginutom ka ng pinsan mo?”
“Ma.” Saway niya dito. “I’m here to talk about something.”
Ikinumpas nito ang kamay bilang saway sa kanya. “Mamaya na. Halika muna sa komedor. Kumain ka.” Nagpatianod siya dito ng hilahin nito ang braso niya.
“Wala si Papa?” tanong niya pagkaupo sa upuan habang iginagala ang paningin.
“Nasa library.” Tukoy nito sa pinaka-opisina ng ama sa tuwing nasa Maynila ito at tuwing nasa silid na iyon ang ama ay hinding-hindi nila ito maaaring istorbohin anuman ang kailangan nila.
Muli niyang iginala ang paningin sa kabuuan ng kanilang dining room. He was just away for few days pero na-miss niya ang bahay nila, ang kusina kung saan laging nagluluto ang kanyang ina at ang upuan niya. He rocked his chair playfully habang hinihintay ang pagkaing ihinahanda ng mama niya.
“Tumigil ka nga diyan.” Saway nito paglapit sa kanya. May bitbit itong isang bandehado ng kanin at inilapag sa harapan niya.
“Parang may buong barangay na kakain Ma a." Biro niya rito. "Anong ulam?”
“Wait. Kukunin ko lang.”
Kumuha siya ng dalawang pinggan at mga kubyertos at iniayos iyon saka siya umupo ulit at hinintay ang ina. Nang makalapit ito ay sinigang na lapu-lapu ang nakalagay sa mangkok na dala at isa sa pinakapaborito niyang ulam.
Umupo din ang ina sa katapat niyang upuan. “Kain ka na.” Anito at nilagyan siya ng kanin at ulam sa kanyang pinggan.
“Ma, kain din kayo.” Alok niya rito.
"Actually kakatapos ko lang e pero dahil kasalo kita kakain ako ulit." Paglalambing nito. Kumuha ito ng pagkain at sumabay sa kanya. Magana nilang naubos ang pagkaing hinanda nito.
Pagkatapos nilang kumain ay inaya ni Marro ang ina sa kanilang salas at sinabi dito ang mga salitang halos ayaw ng lumabas sa bibig niya. "Pumapayag na ako." Mulagat na napatingin ito sa kanya ng marinig nito ang sinabi niya.
Pahigang sumandal siya sa mahabang sofa habang matamang nakatingin sa ina. Mula sa pagkakaupo sa pang-isahang sofa ay bakas sa mukha nito ang pagkagulat at disbelief. He himself doesn’t believe that he really said those words to her mother dahil iyon ang pinakaunang naging dahilan kung bakit ilang araw siyang lumayo sa mga ito, and now he’s back and saying those unbelievable words.
“How? Why?” Takang tanong nito.
“Paanong how at why ‘Ma, e hindi ba at iyon ang suhestiyon niyo noong nakaraan pa?” Hindi niya naikubli ang iritasyon sa boses niya.
Kita niyang napangiti ang ina pero pinigilan nito iyon. "I'm just confuse. Paano ka nag come up sa desisyon mo na iyan?"
"Tsss. Ayaw niyo ba?" Umayos siya ng higa.
“Of course gusto ko. I’m glad you came up with that decision." Tuluyan na nitong pinakawalan ang ngiting kanina pa pinipigilan hanggang sa napatawa na ito ng malakas. "Sasabihin ko sa Papa mo maya-maya. Pero sa ngayon ay ihanda mo ang sarili mo. Your father might just decide kung kailan tayo mamamanhikan.” Kita sa mukha ng ina ang galak habang sinasabi iyon na muntikan ng magpaduwal sa kanya at nagpabalikwas ng bangon niya.
He already made it clear to his mother na kasal lang para sa ikasasalba ng parehong pamilya ang magagawa niya. No more and no less.
“Ma. I told you, the marriage should be only bound on paper. I will only do that para maiwasang madamay yung hotel namin ni Sam. No attachment and no other feelings involved kaya bakit kailangan pang mamanhikan?”
“Alam ko. Hindi mo kailangang ipaalala sa akin." Bumalik sa pagka-istrikto ang boses nito. "But, as your old fashion mother, I prefer that we still follow the Filipino tradition. Mamanhikan tayo dahil anak ng kaibigan ko iyong pakakasalan mo.”
Napailing siya sa sinabi ng ina. He knew it. Sasaklawan talaga ng ina ang mga gagawin niya. Baka sa halip na gumaan ang dalahin niya ay mas lalo pa siyang magkabagahe sa kasal na i-prinopose niya.
“Should I change my mind as early as now?” Seryoso niyang kausap sa sarili.
Inundayan siya ng ina ng palad nito. “Subukan mo lang. I’ll make sure na nasa Ilocos ka na bukas.”
Kinunutan niya ng noo ang ina. “Umamin nga kayo ‘Ma. Bakit gustong-gusto niyo na akong mawala sa landas niyo?” Ang hampas ng palad nito ang sunod niyang naramdaman.
“Nagrereklamo ka samantalang kagagawan mo rin naman kung bakit kita gustong mapakasal na lang. Kung hindi ka sana nabaliw-baliw sa Isabel na iyon ay hindi sana nangyari na nadamay pati si Martina.” Gigil na wika ng ina.
"Bakit naman nasama si Isabel sa usapan natin ngayon Ma?"
Bukas na usapin sa pagitan nilang mag-ina ang naging relasyon niya sa dating kasintahan. Hindi niya nilihim dito na si Isabel ang gusto niyang mapakasalan pagdating ng panahon na tinutulan naman nito una pa lang bagaman at nirespeto naman ng ina ang naging desisyon niyang ipagpatuloy ang relasyon nilang iyon ng aktres na umabot din ng tatlong taon.
"Anong bakit? Akala mo ba hindi ko alam kung bakit ka nagpakalasing noong gabing iyon? Anniversary niyo yung araw na iyon di'ba? Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit humantong ka sa kwarto ni Martina? Sinundan mo ba si Martina papunta sa kwarto niya dahil akala mo ay si Isabel siya?" Nanliliit ang mata ng mama niya habang nagtatanong sa kanya na nagpatuwid ng kanyang pag-upo.
"Ano bang sinasabi niyo?"
Alam ng mama niya na ilang araw at ilang linggo siyang uminom ng alak para lang makalimutan ang dalaga. Ilang araw siyang tumambay sa hotel sa pagbabakasakaling masilayan lang ulit ang mukha ni Isabel pero hindi nangyari ang inasam niya hanggang sa dumating nga ang gabing iyon.
Ipinilig niya ang ulo ng maalala ang nangyari ilang araw na ang nakakalipas. He really was a jerk katulad ng sabi ng mama niya.
“By the way, Who is Martina, Ma?” Tanong niya dahil kanina pa niya naririnig ang di-pamilyar na pangalan na iyon.
Tinaasan siya nito ng kilay. “Hindi mo kilala yung taong siniraan mo ng kinabukasan?”
Napakunot siya ng noo. Siniraan ng kinabukasan? Sino ba ang siniraan niya ng kinabukasan? May nabuntis ba siyang hindi niya alam?
“Sino?” tanong niya ng lumipas ang ilang minuto at walang maalala.
Isang palo sa ulo ang naramdaman niya. “Ma. Kanina niyo pa ako hinahampas at pinapalo a. May problem ba kayo sa akin?”
“Puro ka kasi kalokohan.” Pinandilatan siya nito. “Si Martina yung CEO ng Farm Living. Yung babaeng pinasok mo sa kwarto niya doon sa hotel at ngayon ay nati-tsismis ng dahil sa’yo. Naaalala mo na?”
Ibinaba niya ang tingin. “Sobra naman po yung pinasok. Am I some kind of a p*****t?”
Ilang sandaling tinitigan lang siya nito at pagkatapos ay hinawakan nito ang mga kamay niya. “No. You are my son at mabuti kang tao kaya pananagutan mo yung nangyari naiintindihan mo?”
He smiled half-heartedly at umiling-iling. Alam talaga ng ina kung paano siya nito mapapasunod. He may have resented his parents before pero naiintindihan niya kung bakit ipinipilit ng mga ito na manindigan siya. They believed that he is a responsible and a good person.
He sighed. Okay. He will try.
“But, how did you know her? Bakit first-name basis kayo?” Maya-maya ay tanong niya ulit.
“C’mon. Almost everyone knows her. I know her. Ikaw nalang yata ang hindi.”
“But how could you be so sure na papayag siya sa kasal para sa solusyon dito sa problema? As you’ve said, kagagawan ko 'to, kaya paano kung may demand pala silang iba para mapanagot ako? Halimbawa nalang, paano kung naghahanda lang sila ng asunto laban sa akin, o di kaya naman ay i-terminate nila yung contract ko sa kanila.”
“Do you remember my childhood friend in Quezon? Si Claire?” Tumango siya. Lagi niyang naririnig ang pangalan na iyon mula sa ina. Matamis na ngumiti ito. “She's Martinas's mother at nagkausap na kami.” Tumaas-taas ang kilay ng ina pagkatapos nitong magsalita.
Ayun naman pala. “So, you really are trapping me into this marriage?”
Isang hampas ulit sa braso niya ang iginawad ng ina. “Kung ano-ano ang naiisip mo. Don’t be silly. Dapat nga tayong magpasalamat na ikokonsidera ni Claire yung sinabi ko e. Kakausapin niya daw ulit si Martina.”
“Ang ibig sabihin ay ayaw din ng anak ng kaibigan niyo sa kasal?”
“Martina ang pangalan niya.” Pinandilatan ulit siya ng ina.
“Yeah. Martina. So, ayaw nga niyang makasal din?”
“Of course. Anong akala mo, magtatatalon siya dahil ikaw yung lalaking pakakasalan niya kung sakali? Neknek mo.”
“Then let’s settled. Huwag na nating ituloy.” Malapad niyang nginitian ang ina. “Ayaw naman naming dalawa pala e.”
Dumapo sa mukha niya ang unan na ihinampas ng inang noon ay nakatayo na. “Go away. Umalis ka sa harapan ko at mag-impake ka ng mga damit mo. Aalis tayo pa-Ilocos mamayang madaling araw.” Base sa boses ng ina at pananalita nito ay alam niyang seryoso na ito sa huling sinabi.
Tumayo siya at dumako sa likuran nito pagkuwa’y niyakap ito mula sa likod para aluin ito. “Just kidding, Ma."
Kampante na siya ngayon na may posibilidad na hindi siya habang-buhay na matatali kay Martina. Kung sakali ngang matuloy ang kasal na gusto ng ina niya ay kailangan niya nalang maipaalam sa babae ang plano niya upang hindi sila maburo kasama ang isat-isa sa napakahabang panahon.
Kanina pa manaka-nakang tinitingnan ni Martina ang cellphone na nakapatong sa kanyang lamesa. She's been agitated to hearing any news from the PR department regarding sa pinaplanong press release implicating the hotel and she's expecting calls since this morning pero inabot na ng hapon ay wala pa rin siyang naririnig mula sa PR department nila.
Hindi niya alam kung ano ang reaksyon ni Marro sa naging desisyon nila at bilang endorser ng kompanya niya ay ayaw din naman niyang magulat na lang ang aktor na kakasuhan nila ang hotel na kung saan ay part-owner ito kaya ipinaabot muna nila sa management ng hotel ang aksyon na gagawin nila pero wala siyang narinig mula sa mga ito which means handa ang mga ito na tanggapin ang kasong isasampa nila.
Tumayo siya mula sa kanyang silya at lumabas ng opisina. Tinungo niya ang lamesa ni Marky na noon ay abala sa pagtipa sa keyboard nito.
"Yes, madam? What can I do for you?" Nag-angat ito ng tingin sa kanya.
"Have you heard anything from Mechelle?" Tukoy niya sa PR manager.
"Wala po."
Tumango siya. "Ano yang ginagawa mo?"
"Reply po tungkol doon sa inquiry ng isang producer. They're inviting you since last week doon sa talk show e ayaw niyo naman di'ba?" He informed her already about the talk show last week which she respectfully turned down pero di niya akalain na hanggang ngayon pala ay sige pa rin sa pagkausap kay Marky ang producer niyon.
"What did they say?"
"The staff is asking kung pwede ka daw makausap nang producer. Sinabi ko na kanina na nag-no ka na last week pa but she's insisting kung pwede ka daw personal na makausap ng producer mismo."
"Tell them no need. Pakisabi na rin na maglalabas na tayo ng press release kaya kung may gusto silang klaruhin doon nalang kamo sila mag-rely.
"Noted ma'am. But..." Putol nito sa sinabi na parang nag-aalinlangan.
"What is it?" Duda niyang tanong dito.
Tumikhim muna ito bago sumagot. "I already gave your number to the producer. Makulit kasi ma'am. Sinabi ko naman na busy ka pero nagpumilit kasi tapos pupuntahan ka daw nila dito ng personal kung hindi ka nila makakausap kahit sa telepono lang."
Pinaningkitan niya ito ng mata. "Kailan daw sila tatawag?"
"Today daw po."
"It's okay." Nagliwanag ang mukha nito sa sagot niya. "I'll be just in my office. Antayin ko nalang ang tawag nila doon."
Iginala ni Martina ang paningin sa buong dressing room sa tabi ng studio ng TV show na Night Talk. Isa iyong reality show na tumatalakay sa mga current issues. Mapa-showbiz man, business, and politics. Depende sa kung sino ang kanilang guest ay doon din nakabase ang mapag-uusapan sa buong segment.
Ilang araw din siyang umiwas sa producer ng show na iyon, pero sa huli ay napapayag din siya lalo na noong sinabi nito na pagkakataon niya iyon para malinis ang pangalan niya.
Martina is not that comfortable when it comes to facing a lot of people at mas lalo pa siyang nini-nerbiyos dahil alam niyang sa telebisyon ipapalabas ang segment. Kung may pampalubag man sa loob niya ay iyon ay ang kaalamang hindi live ang show na kabibilangan niya.
Tiningnan niya ang pambisig na orasan. Fifteen minutes before the show and she is getting more and more nervous. Isang malallim na buntunghininga ang pinakawalan niya ng maalala ang mga magulang niya. They talked earlier this day and they just confirmed na nakausap na ng mga ito ang mga magulang ni Marro Dominguez. It was not surprising na yung kilala niyang tita Barbie noong bata pa siya ay siyang ina ng lalaki. What surprised her was the fact na tumawag ang ina ni Marro para i-discuss ang kasal sa pagitan nila ng anak nito.
She still remembers her being their frequent guest on their humble home in Quezon Province na natigil lang noong pumanaw na ang mga magulang nito na siya nitong dinadalaw roon sa probinsya nila. Napakatagal na rin nang huling nakita niya ang ginang and she never expected na sa ganitong pagkakataon pa sila uli magkakaroon ng ugnayan.
Early today, her mother was also very careful on mentioning anything about marriage pero sa naging takbo ng kanilang usapan ay alam niyang iyon ang tinutumbok ng mama niya. She sighed again with that thought. Pakiramdam niya ay wala na siyang mapupuntahan pa. Napatingin sa kanya ang make-up artist na nasa kanyang likuran at ganoon din si Marky na nasa may tagiliran niya lang.
“Ang lalim naman.” Biro nito bagama't alam nito ang dahilan ng pagbuntunghininga niya. Marky has been her secretary for three years and all this time he has been a very good friend of hers also. Maliban kay Carolyn ay ito lang ang masasabing pinaka malapit sa kanya na naaasahan niya hindi lamang sa mga usapin sa trabaho kung hindi pati na rin sa personal niyang buhay.
She disregards him pero tinapunan niya ito ng matipid na ngiti. Pinakli niya ang ilang pahina ng bond paper sa harapan niya. Mga tanong iyon na maaaring ibato sa kanya ng host but she knows na may iba pang mga tanong na maaaring ibato ang mga ito sa kanya lalo at involved din ang audience sa show na iyon which is the harder part.
Isang mahinang katok ang narinig nila at ng bumukas iyon ay sumilip mula doon ang isang babae.
“Ms. Rivera, ready na daw po.”
Tumayo siya at simpleng sinenyasan si Marky na sumunod sa kanya. “Sige. Salamat.” Baling niya sa babae pagkalabas ng pinto.
“This way po.” Iginiya sila nito sa isang malaking pasilyo hanggang sa pumasok sila sa isang malaking pintuan. Naabutan niya ang sikat na host na si Ms. Donna na nakaupo sa host chair habang may kausap na isang staff. Isa ito sa pinaka-respetadong T.V. host sa Pilipinas na dati ring actress. She was on her mid-fifties pero kita pa rin sa mukha nito ang taglay nitong kagandahan.
Paglingon niya sa paligid ay nakita niyang nasa set na din ang nasa limampung audience ng show na ang iba ay may mga hawak pang electronic plackard.
Agad na lumapit ang host pagkakita sa kanya at kinamayan siya. “Thank you for guesting on our show. It is our honor on having you.”
Mabining ngiti ang pinakawalan niya. “Salamat din po sa pagkakataon.”
Nilapitan sila ng isang staff at kasabay ni Ms. Donna ay naupo siya sa tabi nito na nakalaan para sa guest. Itinuro ng staff ang mga gagawin niya sa buong segment habang nakamata lang sa kanila ang host.
Habang nakikinig sa staff ay hindi niya maiwasang mapatingin sa audience seat. Kinabahan na naman siya ng makitang puno iyon pero ng makita si Marky na pumuwesto sa harapang upuan ay medyo napanatag siya. She has at least one person on the audience seat that will cheer for her and that eases her mind.
“Huwag kang kakabahan. Treat this like a talk between friends.” Mahinang bulong ni Ms. Donna sa kanya na bahagya niyang ginantihan ng ngiti. Her friendly voice soothes her.
Isa pang staff ang lumapit sa kanila at sinabihan silang magsisimula na daw ang show.
“Roll camera.” Sunod niyang narinig. It amazed her that people in this industry, no matter how many they are, a certain word could make them act as a whole. After that, she heard the Director say ‘Action’.
Ms. Donna started to introduce Martina in her opening statement.
“How are you?” Panimulang tanong ng host sa kanya. Ngumiti siya sa tanong na iyon. She is not okay with all the issues and negative reviews that are circulating about their new product and the company as a whole but for now, she cannot let herself down so she put on her best smile.
“I’m good. Thank you for asking.”
“You are quite young to be the CEO of your family company. Very impressive.” She heard the sincerity in the host's voice.
“Thank you.” Lihim niyang pinagsalikop ang dalawang palad. Nagsisimula palang sila pero dumadagundong na ang dibdib niya.
“These past few weeks, news circulated about your involvement with the actor Marro Rodriguez and as other news portal outlet claimed, there are photos of you together. What can you say about this? Are you the reason why Marro and Isabel parted their ways?”
Ito na ‘yun, naisip niya. One way or another, she really has to answer this question sooner or later on national television to clear things out at ito na ang pagkakataong iyon.
“I have already cleared this before and we are even issuing a press release regarding this matter. I don’t have any involvement whatsoever in the break-up of Mr. Marro Dominguez and Miss Isabel Santos.”
“Who is Marro Dominguez to you?” Pagka-klaro ng host na diretsa rin naman niyang sinagot.
“He is an endorser of our product.”
“When did he start working with your company?”
Saglit siyang nag-isip. Alam niyang bigating actor ang artistang pinag-uusapan nila pero pagdating sa marketing strategy nila, Marketing department ang pinapahawak niya sa mga iyon. “Roughly two months already starting the signing of his contract with us up to right now.”
“How many times have you two already met?”
She thinks again. Isasama niya ba yung mga pagkikita nila dati noong kolehiyo siya? “Within these two months? Twice.”
“About this photo, what can you say about this?” lumabas sa screen sa harapan nila ang litrato ni Marro habang palabas ng kwartong inukopa niya sa Guevarra's hotel habang nakabalot ng comforter.
“I don’t know what to say since I don’t think I have anything with regards to that.”
Tumango si Ms.Donna. “How about this?”
Itinutok niya ulit ang paningin sa screen at ganoon nalang ang panlalaki ng mata niya ng makita ang larawang naroon. Kuha nilang dalawa ni Marro iyon habang nakahiga at natutulog sa kama sa loob ng hotel room at kitang-kita roon ang mukha nilang dalawa ng lalaki.
Napakunot siya ng noo. Never did she saw that photo before. Saan galing iyon at sino ang naglabas ng larawan na iyon? At the distance, nakita niyang napatayo rin si Marky na hindi alam kung ano ang gagawin.
Pakiramdam niya ay sa kanya tumutok ang lahat ng mga mata ng mga taong naroon na ultimo paglunok niya ng laway ay tila naging napakahirap sa kanya.
“I-I haven’t seen this-“ She started mumbling pero nawala ang atensyon ng mga tao sa kanya nang pumasok sa set ang sentro ng kanilang usapan na naging dahilan ng paghihiyawan ng lahat. Dumiritso ito sa kanila at pagkatapos nitong kamayan si Ms. Donna ay tumabi ito sa upuan niya.
“I’m sorry, I’m late.” Anito. Mula sa pagkakatulala ay napakurap siya ng ilang beses sa pagkakatingin sa lalaki. Hindi niya alam kung siya ba ang pinatutungkulan nito ng paghingi ng paumanhin pero sa kanya ito tumingin na sinundan ng pinong ngiti na nagpasikdo sa dibdib niya.
“Welcome Marro. We are glad na napaunlakan mo kami dito sa programang ito.” Anang host sabay tingin sa mga audience na noon ay hindi pa rin natatapos sa hiyawan. Sinenyasan ang mga ito ng host na dagli namang nagsitahimik.
“Yeah. I’m glad I’m here too. It’s been a long time. Kumusta po kayong lahat?” Bati nito sa mga tao.
“We are all fine, Marro.” Sagot ni Ms. Donna.
Siya na hindi na alam ang sasabihin ay itinikom nalang ang bibig at medyo itinungo nalang ang ulo niya.
“Woaahh.” Gulat na sabi ni Marro ng mapansin nito ang larawan na nasa screen sa harap nila.
“It was the photo that I am showing to Ms. Martina a while ago bago ka pa dumating." Maagap na sabi ng host. "Can you tell us what is the story behind this photo, Marro?”
Lumingon muna sa kanya ang lalaki bago sumagot. “I don’t see anything wrong with this photo. We are both mature and besides what is wrong with a couple being together in one room? Whoever did this has invaded our privacy already.” He coolly said.
Ms. Donna cleared her throat at tumaas din ang dalawang kilay sa narinig. “You are right about that. But, when you say, 'couple', what do you mean by that?”
“To clear things up, my break-up with Isabel Santos was a mutual agreement. There was no third party involved. We both have decided to part ways three months ago. Walang kasalanan si Martina doon and regarding our relationship, Martina and I are already engaged.”
Napasinghap siya. Tila siya nabingi sa narinig mula sa lalaki samantalang para dito ay casual lamang ang binitawan nitong mga salita. Ang mga taong kani-kanina lang ay pawang nananahimik sa kanilang mga upuan ngayon ay nagbubulungan na.
Mula sa pagkakatungo ay dahan-dahan niyang inilinga ang ulo papunta rito. Hinawakan nito ang kamay niya pero hindi nito masalubong ang kanyang tingin.
Masarap sa pakiramdam ang makulong ang nanlalamig niyang kamay sa mainit na palad ng lalaki pero sa sinabi nito ay hindi niya maiwasang bumalik sa realidad. Kung bakit kailangan nitong magsabi ng mga ganoong kasinungalingan.
“Engaged na kayong dalawa?” Paglilinaw ni Ms. Donna.
“Yes.” Madiing sagot ni Marro.
“Which means matagal na kayo? But according to Ms. Martina, you just met twice.”
“I don’t think there is a need para patagalin pa namin ang kasal namin. Twice lang kami nagkita sa trabaho niya, but outside, of course, we see each other. Just like normal couples, we have our dates also.”
Unti-unti niyang hinila ang kamay na noon ay mahigpit na hawak ng lalaki pero hindi nito iyon pinakawalan. Noon naman lumingon sa kanya si Ms. Donna.
“Is this true, Ms. Martina?” Ngani-nganing sabihin niyang 'hindi' pero sinalubong ni Marro ang tingin niya at nginitian siya ng pilit.
“Here’s the proof.” Biglang sabi ni Marro. Itinaas nito ang isa niyang kamay at pagkatapos ay ipinakita sa lahat ang suot niyang singsing. “Here’s the ring that I’ve given her. Our engagement ring.”
Nanlaki ang mata niya. Is this man crazy? Pinasuot lang sa kanya ng mama niya ang singsing na iyon ng makausap niya ito kaninang umaga tapos ngayon ay sasabihin nitong engagement ring nila iyon? O pinagplanuhan ba ang mga iyon ng magulang nila?
Hindi pinayagan ng lalaki na mabawi niya ang kamay mula dito. Nanatili iyong nakakulong sa isa nitong palad. Kung sa ibang pagkakataon nagkasalikop ang palad nila ay siguradong malulunod siya sa kilig pero sa pagkakataong iyon ay gusto niyang malunod sa kahihiyan.
Marro is obviously lying at hindi niya alam kung nahahalata ba iyon ng host. Paano kapag nalaman ng mga tao ang kasinungalingan nila?
“Wow. We are surprised that the famous Marro Dominguez is really and finally marrying." Ani Ms. Donna na halata ang tuwa sa narinig bagaman at may naririnig siyang pag-aalangan sa boses nito. "Congratulations!”
“Thank you. Thank you.” Sagot ni Marro sabay pakita ng ngiti nitong labas ang dimple sa kaliwang pisngi. She was drawn into it hanggang sa makita niyang nakatingin na din sa kanya si Marro.
Gosh this is humiliating. Marro announced that they are about to get married pero alam naman niyang walang kasalang magaganap.
“So, when is the date? Have you set it already?” Muling tanong ng host.
Tumawa ng mahina si Marro na nagpangiwi naman sa kanya. “Our parents are the ones talking about that. You know, they are superstitious and old-fashioned and they want to consider some things, like moon."
Another lie.
“Really?” Di makapaniwalang tawa ni Ms. Donna. “Sabagay iba talaga ang mga paniniwala ng matatanda noon and mind you, tumatagal ang mga mag-asawang old-fashion ika nga.”
Tumango-tango lang si lang si Marro habang tumatawa. “Yeah. And that's what every married couple likes. Ang magtagal.”
And another lie again.
She believes that she is a good judge of character pero sa pagkakataong iyon ay hindi niya talaga mabasa si Marro at kung ano ang iniisip nito. Diretso ito tumingin sa host at sa mga tao na akala mo ay nagsasabi ng totoo at base sa pagkakahawak nito sa kamay niya ay hindi rin ito nanlalamig na katulad niya. He is in fact calm.
“And now, what can you say to your fans? And now that you are to be married, paano na yung mga projects mo?”
“Well, gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng inyong suporta simula pa noong nagsisimula pa lamang ako magpa-hanggang ngayon. Malayo na po ang nararating ko at iyon po ay dahil sa suporta niyo and this time, I hope you still support me with my new journey with this lady beside me.” He said those words in an endearing way as if they were true. "At tungkol sa mga projects, I believe kaya ko naman na ipagpatuloy ang mga sinimulan ko kaya sana ay magtuloy-tuloy pa po ang inyong tiwala at suporta."
After saying those words, he turned to looked at her at pagkatapos ay hinalikan nito ang likod ng palad niyang tangan nito na naging dahilan para maghiyawan ang mga tao sa loob ng studio.
Marro just knew what to do to make her heart flutter erratically.
Hindi niya alam kung ngingitian niya ba ang audience o kung anong reaksiyon ang gagawin niya. Pasimple niyang hinila ang kamay mula kay Marro na sa huli ay bumitaw din naman pero hindi naman siya hiniwalayan ng tingin na nagpainit ng pakiramdam niya.
He was really looking at her intently na napakunot ng noo niya dito. Pagbabanta ba ang tingin na ibinibigay nito sa kanya? Napukaw lang muli ang tingin niya mula sa lalaki ng magpalakpakan muli ang mga tao sa pangunguna ni Ms. Donna.
“It seems that love is really in the air. Tingnan niyo naman po ang tinginan nila." Panunukso nito. Muli ay hindi niya alam kung anong klaseng ngiti ang gagawin niya pero si Marro ay nakita niyang kumakaway-kaway pa sa audience habang nakangiti. "Once again, congratulations to both of you. I hope you visit us again after your marriage.”
“Of course. Please expect us.” Mabilis na sagot ni Marro.
Nang ideklara ni Ms. Donna na tapos na ang taping ng show na iyon ay nagmadali siyang humakbang palapit kay Marky na sumalubong din naman sa kanya matapos niyang magpasalamat sa host at sa mga staff. Ngunit nang makalapit siya dito ay isang kamay naman ang humawak sa braso niya mula sa likuran. Nang sinuhin niya iyon ay si Marro ang nakita niya.
“Sabay na tayo sa paglabas.” Anito.
“Sorry?” Tanong niya sa medyo malakas na boses dahil sa ingay ng set.
Luminga-linga ito sa mga audience na naroon at manaka-nakang kumaway. “Sabi ko ay sabay na tayo.”
Nakuha niya ang ibig sabihin nito. Dahil ang alam ng mga naroon ay engage sila, aasahan ng mga ito na magkasama silang aalis sa lugar na iyon.
Tiningnan niya ang brasong hawak nito. “Kakausapin ko lang si Marky.” Nang mainitindihan nito ang ibig niyang sabihin ay bumitaw din naman ito sa kanya.
Tinalikuran niya ito at hinarap si Marky. Pagkatapos niyang magbigay ng instruction dito at magpaalam ay nagpatiuna na siyang lumakad kay Marro.
“Let’s go.”