Nakaka-sampung buntong-hininga na ata si Toyang. Natatawa na lang sya kapag naaalala ang nangyari kani-kanina lamang. Halos kinse minutos rin ang itinagal nila sa pagtatalo kung paano ang kanilang sitting arrangement. Ayaw pumayag ni Trevor na silang dalawa ni Candy sa likod dahil magmumukha raw syang driver. So what? Di nya makita ang sense ng sinasabi ni Trevor, eh sya naman talaga ang driver. At ito namang pabebe nyang pinsan, ayaw tumabi kay Ex dahil awkward daw. Pero nang sya na yong akmang sasakay sa harapan ay pinigilan naman sya nito. Kaya ang ending, sya ang nagdra-drive at ang dalawa sa kanyang likod ay mapapanisan na ng laway. Kung hindi lang nasa coding ang plaka nya ay ginamit na sana nila ang sariling sasakyan imbes na ang kotse ni Trevor. “CEO ka di ba, Trevor?” basag ni To

