NO WAY HOME
"Putangina! bilisan mo nga diyan Kath" tarantang mura ni Angel.
"Mukha ba akong nagpapasexy habang tumatakas?" galit na sagot ko sa kaibigan kung ulol na si Angel.
Hayst, buhay talaga parang life, ito kami nagtatakas tapos nagmumurahan pa habang nasa gitna nang hagdan.
Nilagay kasi ni Angel ang ladder sa bintana nang kwarto ko.
At isa-isa kaming may dalang bag at mga laman nito ay mga damit at mga mahahalagang bagay.
Ano ba naman kasi pumasok sa isip ko at niyaya ko pa talaga si Angel na lumayas sa bahay namin.
Dali-dali kaming tumakbo paalis sa gate nang bahay. Nakakabwesit naman mukha naman kaming tanga ang dilim ng kalsada.
"So what now?" hinihingal na tanong ni Angel sakin.
"Di ko rin alam, hahanap na lang tayo nang lugar kung saan walang may nakakakilala satin."
Sa totoo lang, natatakot ako sa magiging landas na tatahakin namin ni Angel. Yes, gumagala kami pero di ko alam kung saan kami makakarating.
Napatingin ako sa aking seiko watch, hatinggabi pa pala nakatakas na kami nang wala nakakita samin.
"Kath, tingnan mo tingin ko nasa malayo na tayo. " Napatingin ako sa tinuro ni Angel, ang gulo gulo nang lugar na ito.
Malayong malayo ang amoy nito sa bahay namin, parang maraming polusyon ang nakarating sa lugar na ito, subalit napakaraming tao.
Merong nagchichismisan, nag-iinuman at nagtatawanan.
Bigla akong nadapa dahil sa may nakabangga na matandang babae sakin.
"Ay pasensiya na, Apo. Bago lang ba kayo rito?" mahinang tanong nang matandang babae.
Unti-unti akong tumayo.
"Ah okay lang po Lola, ahm opo bago lang po kami rito, magtatanong lang po sana kami kung saan pwede mag rent nang bahay?" tanong ko nang mahinahon habang si Angel ay nakikinig.
"Apo, sana di kayo nagkamali nang pinuntahan, sa bahay ko na lang kayo tumira, mukhang malayo pa ang pinanggalingan niyo." sabi nang matanda habang nakangiti kay Angel.
Naramdaman kong lumapit sa tenga ko si Angel at bumulong siya na ang creepy daw nang lugar na ito.
Kung sabagay tama nga si Angel ang kalye kasi ay parang nakakatakot tingnan. Pero parang di naman.
Sinundan namin ang matandang babae papunta sa kaniyang bahay. Hanggang sa namangha kami sa nakita, malaking bahay na mukhang mansion.
"Mga hija, luma na itong bahay ko, pinundar pa ito nang gwapo kong asawa ngunit siya ay namatay na isang taon lang ang nakalipas."
"Lola Becca!" sigaw nang batang babae habang nagtatakbo.
"Apo, dahan-dahan naman mahiya ka sa aking bisita" sabi nang matandang babae.
"Hello po, ako nga pala si Marie and I'm only 7 years old at siya naman po si Lola Becca, kayo, sino po ba kayo?" pagpapakilala ng bata at direktang tanong.
Biglang sumagot ang kaibigan kong ulol.
"I'm Angel Montes and I'm only 18 yrs old" sabay ngiti ni Angel kay Marie.
At unti-unti naman tumingin sakin ang batang si Marie.
Aakma pa sana siya na magsasalita pero inunahan ko na.
"I'm Kathlyn Buenavista and I'm 17 years old" sinabayan ko ng maliit na ngiti para sabihan naman akong mabait ngayon.HAHA
Dinala kami ni Lola Becca sa kwarto kung saan tig-iisa sana kami ni Angel pero hays anong magagawa ko takot matulog ang ulol na to mag-isa.
Kaya napag desisyon na lang namin na mag stay sa parehong kwarto. Habang nag-aayos ako nang mga kagamitan.
Si Angel naman ay ayun may kinukuha galing sa drawer.
"Kath! Halika ka nga dito, tingnan mo to ang saya naman pala nitong mag asawa."
Lumapit ako kay Angel upang tingnan ang nasa kamay niya na parang album. Nakita kong medyo luma na ang larawang ito at sa nakikita ko parang ang saya nang mag-asawa.
Ang mga hardin sa likod nang mag-asawa sa nakikita ko ay parang kakalinis lang at kapapaganda lang nila ito.
Pinanood pa namin ni Angel ang ibang larawan, puro larawan lang nang mag- asawa ngunit may nakita kaming isang litrato na may bata silang kasama na kaparehong mukha ni Marie.
"Weird, parehas na parehas ang mukha nitong nasa litrato sa batang Marie?" sabi ni Angel
"Malay mo may anak sila tapos kopyang kopya niya lang mukha nyan. Bubu ka ba Angel??" sabi ko at nag lakad palayo.
Kinuha ko ang cellphone ko sa backpack ko para makahanap nang signal pang contact sa mga friends ko at yayain na dito na lang din sila.
Topher Phone Dialling
Ilang minuto pa bago ito sinagot nang kaibigan ko.
"Hello Kath? What's up?" Topher answered the call, pero dinig kong nasa bar na naman ito nag-iinuman kasama mga fvcking friends namin.
"Topher, lumayas kami" ikling sagot ko.
"What? You mean, tinuloy niyo talaga ang pagtakas mula kay Tito?" takang tanong niya.
" Ah basta lumayas kami ni Angel, we're safe naman, diba sabi ko sa inyo kapag nakahanap na ako nang magandang lugar sasamahan niyo muna kami pansamantala?" i said calmly.
"Saang lugar naman ba kayo napadpad? Just send me later the location, okay?"
"Okay, just don't tell someone about this." sabi ko.
"Sure, our parents won't know about this."
Then I suddenly ended the call.
Nag-isip ako kung anong location nga ba ang lugar na to, but then hinanap ko na lang muna si Lola Becca.
Muntik pa akong malaglag mula sa 2nd floor papuntang 1st floor, mabuti na lang talaga nandon si Marie at hinawakan nito ang dalawa kong kamay.
Ayoko pa mamatay dzuuu, lumayas lang ako samin pero ayokong matapos buhay ko sa lugar na to.
Author's Note:
Hello , Readers and Editor sana supportahan niyo ang story na ito, di ko alam kung bakit bumalik ako sa pagsusulat subalit ako'y tuwang tuwa na ipabahagi kung ano ang mga kaalaman na naroon sa aking isipan. Salamat po, Godbless.