Nang gabing iyon ay nahirapan akong dalawin ng antok dahil sa engkwentro kay Rome. Ngayon pa lang ay takot na ako sa anuman ang pwede nitong gawin laban sa akin. “MAM, PAKIHINTAY na lang po si Chef Vince.” Magalang na sabi ng isang waiter sa akin at iginiya ako sa isang bakanteng table. Napabuntong hininga ako ng iwanan ako ng waiter sa upuan. Napahawak naman ako sa sentido ko nang nakaramdam ng sakit ng ulo dulot ng matinding puyat ko. Kahapon pa dapat ako nagpunta dito sa restaurant ni Chef Vince pero dahil sa nangyaring gulo sa bahay ko dahil kay Rome ay hindi ako nakapunta. Labis lang na pag-aalala ang dinulot sa akin ni Rome. Kapag may kumakatok ng bahay ay bigla akong kinakabahan na baka pulis iyon o baka naman abogado na kukunin si Romira sa akin. Alam kong makapangyarihan si R

