Chapter 44 part 1

1288 Words

Irah Marie’s POV “Jestoni!” Sigaw ko nang makita ko na duguan na ang gilid ng labi ng lalaki. Ang hawak nitong bouquet of roses ay tumilapon at nalaglag naman ang chocolate na nasa hugis puso na lalagyan. Kumalat ang mga piraso ng imported na chocolate sa sahig. Agad binundol ng labis na kaba ang puso ko sa kung ano ang pwedeng mangyari sa dalawa. “Tama na! Please!” “Diyos ko po! Lover boy!” narinig ko naman na hysterical na sabi ni Richel na agad pumunta sa gawi ko. Hindi ko naman inintindi pa si Richel dahil hindi ko alam kung paano sasawayin ang dalawang lalaki na nagpambuno. Bigla ko naman nakita na muling manununtok si Rome pero agad na nakabawi si Jestoni at naka-ilag sa kamao ni Rome. Nahawakan ni Jestoni ang kamay ni Rome at mabilis na sinuntok nang kabila nitong kamay ang tiya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD