Gusto naman daw nilang umalis na simula pa nang naka-graduate si Clara dahil nahihiya na sila sa dami ng tulong ni Rome. Tutal naman daw ay binigyan ni Rome ng trabaho si Clara na makakatulong ng malaki. Pero nagpumilit naman daw si Rome na tulungan sila at huwag ng umalis sa apartment. “Ate, huwag kang mag-alala. Kung gusto mo na bumalik sa pag-aaral at maging chef makakatulong na ako dahil may trabaho na ako. Panahon na siguro para masuklian namin ang mga sakripisyo mo. Huwag kang mag-alala at kukuhanan natin si baby Mira ng yaya para hindi ka mapagod.” “Maraming salamat, Clara. Pero hindi niyo obligasyon ‘yun” Puno emosyon na sabi ko. “No. Ate Irah, salamat. Kami ang dapat magpasalamat sa unconditional love mo sa amin. Maraming salamat sa lahat ng sakripisyo mo sa amin. Hi

