After 2 months Irah Marie’s POV “A-ate?” Nakita ko ang gulat sa mata ni Clara nang pinagbuksan ako nito ng gate sa apartment na tinutuluyan ng mga kapatid ko. “Clara.” mahinang sambit ko.Hindi ko alam kung paano magrereact. Ilang segundo bago makabawi si Clara sa pagkagulat ay bigla na lang itong umiyak. Alam ko ang nararamdaman nito at nangulila ito sa akin. At alam ko na hindi lang si Clara, pati na rin ang dalawa kong nakababata na kapatid. Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang sarili na mapaiyak. Pakiramdam ko tuloy ay sampung taon na ang lumipas na hindi ko nakita ang mga kapatid simula nang tumakas ako sa mansion ni Rome. “Ate!” Mabilis na lumapit si Clara sa akin. Ramdam ko na gusto ako nitong yakapin kung hindi lang dahil sa kalong ko na si Romira na mahimbing na natut

