Natapos na akong magbihis ng damit. Tinignan ko ang sarili sa salamin at mukha akong haggard. Hindi ko pa nababawi ang mga puyat ko sa panganganak ko. Tapos ay pinagbawalan pa ako ni Nanay Delia na maligo. Hindi ko alam kung kakayanin ko dahil nalalagkitan na ako sa pakiramdam ko. Mahimbing ang tulog ni Romira nang inilagay ko ito sa crib na nasa tabi lang din ng kama ko. Mabuti naman at hindi ito perwisyo at iyakin. Tapos ko na itong palitan ng diaper at binihisan. Ngumiti ako at marahan na hinaplos ang maamo nitong mukha. Gusto ko sana na katabi mismo sa kama ang baby ko pero sabi ni Nanay Delia ay mas safe raw na nasa crib ito. Hihiga na ako sa kama nang makarinig ng mahihinang katok. Lumapit ako sa pinto at nabungaran si Nanay Delia. “Irah,” mahinang sabi ng matanda at halatang inii

