“Hindi naman, Irah. Wala din kasi akong magawa kaya nagluluto ako. Napaparami din kasi ang luto ko. Sayang naman kung itatapon ko lang.” Hindi naman nagtagal si Melissa at umalis din ito. Nagkatinginan na lang kami ni Clara matapos nitong isara ang pinto at pinagsaluhan ang binigay na pagkain ni Melissa. Romnick’s POV “Charlie, I can’t contact Melissa!” galit na sabi ko sa kaibigan na Doctor. Narinig ko ang isang mapang-asar na tawa mula sa kabilang linya na lalong nagpa-inis sa akin. . “Relax ka lang Pareng Rome. Baka naman na-lowbat lang o kaya nanakawan ng cellphone.” “How can I relax? I didn’t receive any updates. Isang oras na ang nakakaraan! Make sure na hindi tuluyan na naging tomboy ‘yang yaya mo!” Inis na sabi ko dahil may pagka-boyish ang yaya ni Charlie. “Of course, hind

