Irah Marie’s POV “Ate Clara, may kailangan kasi na bilhin na libro. May pera ka pa ba d’yan?” Narinig kong tanong ni Janna kay Clara. Kakauwi lang ni Janna sa school habang si Clara naman ay kanina pa nakauwi mula sa pag-aapply nito sa kumpanya na sinabi daw ay tatawagan na lang siya. Kalong ni Clara si Romira. “Kailangan na ba agad, Janna?” bigla naman nakita ko ang pag-alala sa mukha ni Clara. Alam kong wala na itong pera tapos ay umalis pa ito kanina. Nasaid na rin kasi ang ipon nito. Alam ko ang nararamdaman ni Clara ngayon dahil parang siya naman ang breadwinner sa pamilya. “Ah, Janna. Magkano ba ang kailangan mo?” singit na tanong ko. “Bale four hundred pesos daw ang libro, Ate Irah. Pero kung wala naman naman ay mag-photocopy na lang muna ako sa classmate ko.” Halata na nahih

