Chapter 46 part 2

1250 Words

“Personal.” Tipid na sagot ko. Bumuntong hininga ang secretary. Mukhang namumukhaan nga ako nito. Pinaupo niya ako sa isang sofa para raw maghintay. Halos isang oras akong naghintay at nag-cellphone na lang para hindi maburyo. Ilang sandali pa ay narinig ko ang yabag ng paa at bigla akong kinabahan. Bigla akong nag-angat ang ulo at doon nagtama ang tingin namin ng lalaking matagal ko nang hindi nakikita. Tumigil ang mundo ko at tanging malakas na t***k lang ng puso ko ang naririnig ko. Pigil na pala ang paghinga ko habang nakaawang ang labi. Parang kaming dalawa lang ni Rome ang nasa palapag ng building na ito at hindi ko alam kung ilang segundo akong nakatingin sa nangungusap na mata ng lalaki na halatang nagulat na nakita ako. Bakit ang gwapo pa rin ni Rome kahit mukhang napabayaan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD