Matapos magpadede ay inasikaso ko naman si Rome na papasok naman sa opisina nito. Ako na ang nagluto ng breakfast nito. Pati sila Rodney na papasok sa eskwela ay ako na rin ang nag-asikaso. “Ayiehhh... hands on wifey and mommy,” tukso nila Kristel sa akin habang nakaupo ito at kalong si Rowan. Narito ako ngayon sa kusina at naghahanda ng merienda para kay Rome na ipapadala ko sa driver. May lunch-out daw kasi ito nang tumawag ako sa telepono opisina nito kaya merienda na lang ang ipapadala ko. Mabuti nga at tumawag ako sa opisina nito. Dahil tumatawag ako sa cellphone nito ay hindi naman ako sinasagot. Kaya pala dahil busy. Namumula naman ako na tampulan ng tukso ng mga kasama sa bahay. Halos kumpleto kami dito sa kusina at nag-uusap tungkol na rin sa mga pinagdaanan ko bago mapunta d

