Irah Marie’s POV “Ahhh!” napangiwi ako sa sakit nang maramdaman ang sakit ng katawan habang nakahiga. Hindi ako makagalaw dahil nararamdaman ko na nakatali ang mga kamay ko. At nasa sahig ako dahil ramdam ko ang lamig ng semento. Pati ang amoy kung nasaan man ako ay hindi ko nagugustuhan. Nakapikit pa ako. Bigla kong naalala ang pangyayari na dinukot ako at sapilitan na sinama ni Jestoni. Mabuti na lang at hindi nito sinaktan ang mga kasama ko sa bahay pati na rin si Rodney ay hindi nito isinama. Dumilat ako at madilim na paligid ang bumungad sa akin na hindi ko maaninag kung nasaan ako. Malamang ay gabi na. Hindi ko alam kung ilang oras na akong walang malay. Ang natatandaan ko lang ay habang nasa biyahe kami ni Jestoni ay magtatangka pa sana akong tumakas pero mabilis ang kilos ni Je

