Irah Marie’s POV “Wow, Ate Irah, can you please cook again that dish for me tomorrow?” sa itsura ni Rodney na nagpa-pacute sa akin ay nahihirapan akong tanggihan ang gwapong bata. Narito kami sa kusina at nanonood sa akin habang naghihiwa ng gulay para sa lulutuin ko na pansit canton. Kahapon ay ito rin ang niluto ko para sa merienda namin. Maraming nakain ang mag-aama. Lihim naman akong kinilig dahil nakarami ng kain si Rome kahapon sa niluto ko. Naka tatlong balik pa nga sa plato nito. “Hindi ka pa ba nagsasawa sa luto ni Ate?” malambing tanong ko naman kay Rodney. Umiling naman si Rodney kaya matamis akong ngumiti sa bata. “Sige, kapag nasa mansion na tayo bukas ay gagawan kita ng ibang merienda naman. Yung tinuro ng idol ko dati. I’m sure you will like it.” “Really, Ate Irah.

