Nainis ako sa sarili ko sa nararamdaman ko. Dapat siguro ay matuwa na lang ako na magagalit na sa akin si Rome at hindi na ako nito guluhin pa ang puso ko. Sa gayon ay hindi na rin kami magkasala pareho. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko. Ang hirap pala na kumawala kapag nahulog ka na sa isang tao. Isa lang ang nasa isip ko. Nagselos si Rome sa nakita. Dagdag assurance sa akin ang bagay na iyon para isipin na tunay ang ipinapakita sa akin ni Rome. Na hindi lang basta katawan ang habol nito sa akin. Kinagabihan ay tinawag ako ni Nanay Delia para kumain na. Nagpahuli ako dahil ayokong makita pa si Rome. Hindi na talaga ito nag-reply sa text ko. Mabuti na lang at nang makakain ako ay tapos na rin daw mag-dinner ang mag-anak. Nang bumalik ako ng kwarto ay hindi pa rin maalis ang lungk

