Irah Marie’s POV “Rome? Anong ginagawa mo dito?” Halos kumawala na ang puso ko sa dibdib sa tindi ng kaba. Ilang sandali akong natigilan at nakaawang lang ang bibig na nakatitig sa gwapong mukha ni Rome. Wala akong nakuhang sagot mula sa lalaking kaharap ko ngayon. Hindi ko rin mahulaan ang emosyon nito. Mukha naman itong hindi galit. Blanko ang expression nito na nakatitig lang sa mata ko. Ilang sandali ay bumaba ang tingin nito sa mga labi ko. Napansin ko ang pagtaas baba ng adam’s apple nito. Hindi ko na namalayan na napigil ko na ang hininga ko habang inilibot ang tingin sa mukha ni Rome. Bumaba ang tingin ko sa labi nito na nakaawang din. Na-miss ko ang halik nito. Napakislot ako nang marinig ang biglang ring na hawak na cellphone ni Rome. Nabaling doon ang pansin ng lalaki. Sin

