Chapter 11

1100 Words
Zyra POV... From:Zohar Suotin mo yung pinakamaganda mong dress...Ayoko sa pangit na kasama. Huhuhu...Ang sama!Sya na nga lang ang humingi sa akin ng favor para makipag-date sa kanya,sya pa tong kung makapag-utos ng mga bagay-bagay parang ang dali.Ang hirap kaya mag-ayos.*pout* Sino bang pwedeng makatulong sa akin?Mahilig sa damit pero di halata. *ting To:Maureen Goodmoring Mau!Super ganda mo today!^___^ Umupo ako at hinintay ang reply ni Mau.Tagal...... bzzztt.... From:Maureen Tsk.As if naman nakita mo na ako TODAY>___ Grabe.Ang.Sama. Naalala ko na naman tuloy si Allen.Tsk.As if matuturuan pa ako nun ngayon eh mas busy sya kay Mehunny keysa sa akin. To:Maureen Hindi algebra!Tulungan mo ako sa susuotin kong damit.Yung magandang Dress,baka may ipapa-arbor ka dyan:3 Sinend ko na yun at humiga ulit. Tumingin naman ako sa side table sa gilid ng kama ko. "Miss na kita Love ko,kailan mo ako susuyuin.I mean susuyuin ba kita?O hihintayin ko move mo?Mahal kita....kahit na nasasaktan mo na ako ngayon." Bumuntong hininga ako at kinuha yung picture na yun. "Selfish ka sa Grades mo diba?Selfish rin ako.Dahil sa akin KA lang.You're my property." Nawala naman ako sa page-emote ko ng mag-vibrate ang cellphone ko. *nokia ring tone* Pinindot ko na yung answer button. (Hello?)-me (HOY!Ikaw!Miss ka na namin di ka nagparamdam!Tapos ngayon,nagparamdam ka nga,MAY KAILANGAN KA NAMAN!!) Inilayo ko ng kaunti yung cellphone ko sa tenga ko.Goodness!!!Ang lakas ng boses ni Mau.Di ko ata keri. (Hinaan mo naman boses mo...)-me (Tsk.Susunduin na lang kita.Then aayusan kita.Wait mo na lang ako dyan sa bahay nyo.) (Eh?Talaga?) (Oo nga,ang kulit mo.) (Tsss....Sige.Mag-aayos na ak--) (Ano palang event to?) Bigla tuloy akong napatigil sa tanong ni Mau. (A special Date.)-me (Sus!Papaganda ka talaga kay Allen eh!Pero sige ayos lang.Bye na!") toot.toot.toot. Hala!Di naman to para kay Allen eh.Mali ata ang pagkakaintindi nya sa sinabi ko na 'Special Date' it means a Friendly Date lang naman.... Haist.Bahala na nga.Mamaya na lang ako mage-explain kay Maureen. ~•~ Pagkatapos kong mag-bihis ng simpleng pants at Blouse.Ay bumaba na agad ako. As usual nadatnan ko si Mau na nagkakape. "Magandang Tanghali Zyra!Jusko!Ang tagal mo."-naka-irap na sabi sa akin ni Maureen. "ETO NA YUNG JUICE!!!" Napalingon naman ako sa pamilyar na boses na yun. "ALYSSA?!" Ngumiti sya sa akin.At nag-pose. "Surprise!Ganda ko no?"-mayabang na sabi nya. "Tsk.As usual biglang humahangin sa tuwing nag-sasalita ka ng maganda ka."-biro ko sa kanya. "Tsss....Maganda naman talaga ako ah."-nakanguso nyang sabi sa amin. "Ba't may eyebags ka na unti Zy?Hindi ka ba pinapatulog ni Allen?" Umiwas na lang ako ng tingin kay Alyssa. "Wala to,ang dami kasi naming homework.Kaya puyat ako."-pagsi-sinungaling ko sa kanila.Ngayon na nga lang kami nagkita-kita tapos pag-aalalahanin ko pa sila?Wala namang ganun... "Ahhh...So kamusta si Sam?" "Ayos naman.Gusto mo isama natin sya ngayon?"-tanong ko lay Alyssa.Alanganin naman syang ngumiti sa akin. "Hehehe.Gusto ko sana,kaya lang...you know,Awkward kasi kami.Tapos wala rin akong number nya ngayon."-nahihiyang sabi ni Alyssa.Halata naman na gusto nya pa ring makasama si Sam.At naiintindihan ko naman sya. "Sige.Sandali lang...tatawagan ko si Sam." Kinuha ko yung cellphone ko at dinial yung number ni Sam sa phone ko.Ilang ring lang ay sumagot na agad sya. ("Sup?Bakit napatawag ka?") -Sam (Gusto mong sumama sa amin?) (Inyo?Sino naman yung kasama mo?Kapag si Zohar yan....wag na lang.) (Grabe ka...Syempre hindi.Sila Alyssa at Maureen yung kasama ko.Bonding sana natin.) (Tsk.Sige,mag-aayos lang ako.) (Bye.Bait ah.) Toot.toot.toot. Bastos!Pinatayan ako ng Cellphone?Ako yung tumawag tapos ako yung pinatayan ng phone? "Uy!Nakabusangot ka?Di ba pumayag si Sam?"-tanong ni Alyssa. "Pumayag sya.Kaya lang nauna syang nagbaba ng phone.Ako ang tumawag dapat ako ang magpapatay!" "Tsss..Yan yung mga pagong.Tagal mo kasi.Yan nga rin yung natutunan ko kay Sam nun." Inirapan ko na lang sya at umupo.Hihintayin pa kasi namin ang pa-VIP na bruha.Bakit ganun?Si sam bagay ang messy hair? Paano ba napunta kay Sam yung topic? "By the way,Date nyo to ni Allen?" Napatigil ako.Haist.White lie naman tong gagawin ko siguro noh? "Yes...Pero simple date lang."-napatakip ako ng mukha ko.Hindi ko talaga sila kayang tignan ng diretso! "Ahhh....So let's go!Susunod nalang si Sam.Nag-text sya sa akin." Kumunot naman yung noo ni Alyssa sa sinabi ni Mau. "May number ka pala ni Sam!Sinungaling talaga!Alam mo naman na ayaw ko sa sinungaling!hmp." Bigla akong napaiwas ulit ng tingin.Ano ba?Nanadya ba yung words ni Alyssa.Haist.Napra-praning na ako. "Tara na nga,bago pa topakin tong si Alyssa." ~•~ Pagdating namin sa Condo ni Mau ay agad naman nyang nilagay yung pin ng pintuan ng condo nya. Password?Araw kung kailan nya first na na-meet si JP.Ako nga di ko na alam kung kailan ang first meeting namin ni Allen.Diba kababata ko na sya? Sinundan namin sya hanggang sa Kwart nya.Black and White ang theme.Pati mga upuan nya ganun din,pati na rin yung Bed sheet nya. "Kailangan na nating ayusan si Zyra.Anong oras pala nung date nyo?" Napatitig naman ako sa orasan sa kwarto ni Mau. "3:00 nya ako susunduin.2 hrs nalang."-sabi ko sa kanila at umupo na sa may harap ng salamin. "Okay.Sandali lang,nasa labas na pala si Sam."-sabi nya at umalis muna.Kaya naiwan muna kaming dalawa dito ni Alyssa. "Haist.Namiss ko talaga si Sam.By the way,musta kayo ni Allen." Wag kang mauutal Zyra.... "Ayos naman..."-nakahinga ako ng maluwag ng hindi ako nautal sa harap ni alyssa.Knowing her,alam nya kung nagsisinungaling ako o hindi. "Guys!Eto na sya,with Baon Pack pa!" "Hello."-maikling sabi ni Sam at pumunta agad sa higaan ni Mau at humiga. "Tsss...Sleepyhead.Walang pinagbago."-mahinang sabi ni Alyssa. "I'm tired."-sabi ni Sam.Na mukhang narinig yung sinabi ni Alyssa. "Mabuti pa simulan na natin ang pag-aayos kay Zyra." Tumango naman si Alyssa at nilabas ang mga make-up sa drawer ng table.Tapos kumuha naman ng damit di Mau sa Closet nya. ~•~ "Aish.An kati naman ng make-up na to."-reklamo ko kay Alyssa. "Aysus ang arte.Ang sabihin mo...di ka sanay sa mamahaling make-up.Poorita ka kasi!" Napa-face palm nalang ako kay Alyssa. "Whatever." "Zy,ito na yung susuutin mo."          "Ano?Yan ang susuotin ko?Wala man lang blazer or what so ever,para magkaroon lang ng manggas?" Sumimangot naman si Mau sa akin. "Tsss..ano ka bata?Para mag-blazer?" Tumayo na lang ako at kinuha ang damit mula sa kanya at dumerestso sa C.R dito rin mismo sa kwarto ni Mau. Pagkatapos kong isara ay sinukat ko muna yung damit sa katawan ko. "Bagay ko naman..." Sinuot ko na to at lumabas ng CR. Paglabas ko... "PERFECT!!" Sabay na sabi ni Mau at Alyssa.Tumingin naman ako sa Bed at nakita ko ang humihilik pa na si Sam. "Ang ganda mo."-sabi ni Alyssa. Lumapit naman si Mau kay Sam at tinapik ito. "Gising ka na.Ihatid mo na si Zy.Pagod na kami ni Alyssa."-sabi ni Mau.Kinusot muna ni Sam yung mata nya at tumingin sa akin. "Tara na.Sorry kung nakatulog ako sa bonding time natin.Sige,halika na Zy." Tumango naman sila Mau sa kanya. "Ayos lang.Next time nalang ulit." Ngumiti lang si Sam sa kanila at inaya na ulit akong umuwi,kaya nagpaalam na rin ako kila Alyssa. "Salamat sa tulong mga best."-sabi ko at umalis na. ~•~ Bago ako umalis nang sasakyan ni Sam ay hinila nya muna ako pabalik. "Zy...sa akin lang sya.Kung gagamotin mo sya ngayon.Ipapahiram ko muna sya." Makahulugan nya akong tinignan.Atsaka naman umalis na ako sa sasakyan nya. "Naiintindihan ko..." "Good."-sabi nya at pinaharurot na ang kotse nya. ************ A/N:Pa comment naman ako Crushers oh:(Umounti na kasi yung mga Active Readers.)Don't forget to VOTE. "Ano kayang kalalabasan ng Date ng ZyHar?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD