Zyra POV...
KANINA pa ako baba ng baba nang palda ko. Aba!Mahirap na masilipan ako.
'May masisilip ba?'
Syempre oo naman!
"Zyra,okay ka lang?"-ngumiti naman ako kay Zohar.
"A-Ayos lang.Parang ang ikli kasi nitong Dress ko."- paliwanag ko sa kanya.
Nagulat na lang hinubad nya yung nakasuot na Jacket sa likod nya.
"A-anong ginagawa mo?"
Tinignan nya naman ako ng 'Seriously?' look bago inabot sa akin yung jacket.
"Wear this,para ma-panatag ka." - seryosong sabi nya.
"T-Thank you.Saan pala tayo pupunta?"
"Sa impyerno sama ka?"
Umirap naman ako sa sinabi nya. Tsss...sabi ko na nga ba eh, maling ideya ang sumama kay Zohar sa Date na to!
"Tsss..."
"Tara dun." -nagulat na lang ako ng hilain nya ako papunta sa isang restaurant.
"A-anong gagawin natin dito?"
"Bakit ba ang dami mong tanong? Hindi ka pa ba nade-date ni Allen?"- umismid naman ako sa sinabi nya. Sa park lang naman kami ni Allen o kaya sa isang payapang lugar lang. Minsan sa Condo nya, nagmo-movie marathon kami. Ganun lang, simple diba? Pero nadala nya na rin ako sa isang restaurant, pagmamay-ari nung tito nya.
"Table for two sir?"-magalang na tanong nung waiter.
"Hindi.Table for three."
Tumingin sa paligid namin yung waiter.
"Wala naman po sir eh?"
"Tsss...Of course wala talaga.Kasi kami lang."- grabe ang sungit talaga nitong si Zohar.
"Sorry po sir."- hinging paumanhin naman nung kawawang waiter. Tsaka nya kami sinamahan papunta sa tablr namin.
"Sorry pala sa attitude nya ha."-tinaasan naman ako ng kilay ni Zohar.
"Ahhh...okay lang po ma'am.Boyfriend nyo po?"- napangiwi naman ako sa tanong nung waiter, tsaka ko binuksan yung phone ko. Andun yung picture namin ni Allen.
"Ay,sorry po ma'am."
"Okay lang."-nakangiting sabi ko.
"So what is your order ma'am and Sir?"
Tinignan ko nalang si Zohar. Aba,malay ko sa mga pagkain dito.
Habang sinasabi ni Zohar yung order nya sa waiter ay kinuha ko muna yung cellphone ko. Nag-vibrate kasi kanina.
1 message recieved
Eh?Sino naman kaya to.Binuksan ko ito at tumambad ang pangalan na LOVE sa screen ng phone ko. Binuksan ko ito agad.
From:Love
I miss you.Sorry pala kahapon. Sorry,nadala lang ako sa init nang ulo ko. Pwede ba kitang makausap? I really miss you now love, please talk to me. I love you.
Na-touch naman ako sa sinabi nya.Pero ughhh! Bahala sya!
"Ma'am this is your order."
Isa-Isang nilapag yung mga potahe sa harapan namin ni Zohar. Feeling ko masarap to. Bigla tuloy akong natakam dun sa desert na nilagay nila.
"Hey, don't eat to much Zyra.Mas lalo kang papangit kapag tumaba ka."
Napa-pout naman ako sa sinabi nya.
"Ang sama mo."
"Ngayon ka lang na-inform ni Chase?"
Ooopps...Speaking of that Devil!
"Kamusta na pala si Chase?"- tanong ko sa kanya.
"Tsss..he's fine.Kanina ka pa tanong nang tanong. It's my turn to ask, bakit masyado mo atang pinaghandaan tong Date natin. Friendly date lang to. Kakain lang ang balak kong gawin natin."
Namula naman ako sa pagkapahiya. Two purpose, para makasama sila Mau at hindi mahalata na iba yung kasama ko ngayon.
"Paki mo ba?Eh mas gusto kong mag-dress sa date natin eh."
"Tsss..Date natin? It was just a friendly Date.But I didn't expect that you will wear Dress."
Grabe,kanina pa ako napapahiya dito ah.Tsk.Sama.
"Tsss...Bahala ka nga."- inis na sabi ko sa kanya at kumuha dun sa mga pagkain. Teka,walang....
"Walang rice?"- tanong ko kay Zohar.
"Rice?Seriously?Walang rice dito." -bigla naman akong napasimangot dahil dun. Buti pa sa condo ni Allen, nilulutuan nya ako nang masasarap na ulam tapos UNLI RICE pa.
"Buti pa si Allen may rice sa kanila..."- mahinang bulong ko.
"WAITER!"
Dali-daling lumapit yung waiter kay Zohar.
"I need Rice."
Kumunot naman ang noo nung waiter.
"Sir wala po kaming rice dito."
Kumuha si Zohar nang one thausand sa wallet nya at ibinigay to sa waiter.
"Bumuli ka. As simple as that. Buy five orders.Keep the change." -malamig na sabi nya. Kumikinang naman ang mata nung waiter at patakbong umalis sa table namin.
"Pst.Bakit five? Ako lang naman ang kakain.Atsaka,nag-abala ka pa."
"Nagpaparinig ka na lang rin. Hindi mo pa sabihin nang diretso sa akin. I can give you all you want, just name it."
Napanganga ako sa sinabi nya.
"Totoo?OA ka!"
Ngumiti lang sya sa akin.Spell Gwapo?Edi sya na.
"Just for you boo..."
B-bakit ganun parang iba yung dating sa akin nun.Parang,AISH!Praning na naman ako ako.
"S-Sir ito na po yung o-order nyo!"- nagulat ako nang hinihingal na inabot nung waiter kanina yung Isang supot na may laman na limang rice.
"Hala.Ang bilis mo naman...."- bigla akong naawa sa kanya, parang ka-age lang namin sya eh. Pero ngumiti lang sya.
"Ayos lang ako ma'am.Trabaho eh." -sabi nya at tumalikod na sa amin.
"Tignan mo yung ginawa mo!"- inis na sabi ko sa kay Zohar.
"What?"
"Pinagod mo sya."- nakangusong sabi ko sa kanya.
"You heard him right? Ayos lang daw sya."
Pagkatapos nun ay tumuloy na sya ulit sa pagkain.Ako naman binuksan ko na yung isang Rice.
~•~
GRABE parang gusto kong dumighay sa sobrang dami nang kinain namin ni Zohar. Ang sarap nang mga pagkain. Lalo na yung Desert.Ice cream with leche flan sya. Ang sarap. Wala akong masabi kung kanino man tong restaurant na to.
"Ang sarap!"- nakangiting sabi ko kay Zohar.
Nagtaka ako nang kumunot ang noo ni Zohar at dahan-dahan na lumapit sa akin...parang nawawalan na ako nang hangin habang lumalapit sya sa akin. My gosh...hindi ako makahinga. I need oxygen.
Naramdaman ko ang paglapat nang kamay nya sa labi ko. Kasabay nang pag-init nang mukha ko.
Nagulat ako nang may biglang humila sa akin patayo at niyakap ako. Atsaka ko naamoy ang pamilyar nitong pabango....
"GAGO!"
*******************
A/N:Sinong humila kay Zy?hahaha.Don't forget to Vote and COMMENT Crushers:*
Wait for the part 2.