Zyra POV...
Back to my normal days again. Well not so normal day sya actually. Wala kasi akong natanggap na text kay Allen at wala ring sumundo sa akin ngayon sa bahay. Kaya ang ending nagpamasahe na lang ako.
Nakarating ako sa school, kung dati masaya ako sa tuwing nag-lalakadlakad ako sa Campus tuwing papasok ngayon hindi.
Naramdaman ko na may umakbay sa akin dahilan para magulat ako at malaglag ang libro na dala ko.
"Sheezzz... sorry Zy! Nagulat ba kita? Good morning!" masayang sabi ni Chase. Si Chase lang pala, wengya talaga, Nagulat pa ako.
Nang makabawi ako sa pagkagulat ay agad akong yumuko.
"Sorry pala di kita na-invite. Nakalimutan ko eh." hinging paumanhin ko pero ngumiti lang sya. Naks, kinareer nya na talaga ang mag-smile all the time.
"Okay lang. Tara, sabay na tayong pumasok, baka late na tayo."
"Aish! Oo nga!"
Takbo lang kami, hindi literal na takbo basta makapunta lang kami sa Room bg maaga. Lagot kasi kami kay Mrs. Roswell kapag nalate kami. Isang araw na naman ako sa Detention Room kung nagkataon. Napamura ako sa isipin na yun.
Hingal na hingal kami ng binuksan ang pinto.
"Tsss... On time lang kayo, mas mabuti siguro kung pumasok na kayo, lumalabas na ang aircon."
Napatango na lang kami at sabay na umupo nagkatinginan pa kami at kinindatan nya pa ako bago inilabas ang laptop namin sa kanya-kanyang bag.
"So gaya ng announcement ko before ng sem break nyo, may project kayo sa akin ngayon right?"
Tumango kaming lahat kay Mrs. Roswell. At umiling nalang na ibinalik ang laptop mula sa bag ko.
"So pwede nyo nang i-pass sa akin yun by email. I know nakalagay na yun sa mga notebook na bigay sa inyo nung first day nyo pa lang. Hanggang 3:00 p.m lang ako ng hapon tatanggap ng nga project nyo, kaya sa mga hindi pa nakagawa, pwede nyo munang gawin sa time ko ngayon yung mga projects nyo."
Nagbulungan ang lahat at syempre alam kong nagdidiwang ang mga yan. Walang lecture na magaganap eh.
"So I may leave you all now." dali daling umalis si Mrs. Roswell.
Tumayo ako at umalis na lang din ng classroom ng may tumawag sa pangalan ko.
"Zy! Sabay na ako sayo." umiling na lang ako kay Chase. Ang kulit nya kasi.
"Sige, tapos mo na rin ba yung project?"
"Yep." sabi nya.
"Saan tayo ngayon?" tanong nya sa akin.
"Sa Mini Forest sa tambayan ko." maikling sabi ko sa kanya.
Pagdating namin dun ay agad akong umupo sa may malaking ugat ng puno. Matanda na to'ng puno na ito kaya malalaki ang ugat nya.
"Nakaka-relax pala dito noh? Ang galing mo'ng pumili ng tambayan."
Napangiti na lang ako, tambayan namin to ni Allen actually sya ang unang naka-discover nito. Nagustuhan ko lang kaya ako bumabalik-balik dito, dito kasi kami sabay kumakain, sabay na gumagawa ng homeworks tuwing vacant dito rin kami nagbo-bonding minsan. Kainis lang dahil matagal na nung huli kaming nagsama dito sa Little Forest.
"Saan ba ang tambayan nyo?" tanong ko sa kanya na nagpakamot ng ulo nya.
"Sa Bar. hehehe, sinasama ko dun lagi si Zohar para lang mambabae, pero minsan yung kapatid nyang babae si Kiah."
"May babae pala syang kapatid?" napasimangot ako, di man lang nagkwento si Zohar sa akin tungkol sa family nya... kaibigan nya naman ako diba? Tsss... kaibigan daw.
"Ahhh oo, actually tatlo silang magkakapatid super close yung nga yun. Si Kiah ang pinaka-close ni Zohar, dahil parehas sila ng ugali. Parang girl version nga ni Zohar si kiah eh."
"Talaga? Gusto ko'ng ma-meet si Kiah." masayang sabi ko.
"Tsss... ubod ng sungit yung batang yun. Yung pagka-b*tch ng batang yun ang di ko nakaya."
"Di mo nakaya? Tsaka ilang taon na ba yun?"
"Tsss... ewan ko, pero matanda na yun kung mag-isip, tantya ko nga Grade 10 na sya ngayon."
"Haist. Bakit pala wala si Zohar ngayon?" tanong ko.
"Tsss... uminom kasi kagabi kaya ang ending sabi ni tita may hang-over daw. Kakaiba pa man din yung pag may hang-over." iling na sabi nya.
"Ikaw? Bakit hindi mo kasama yung Allen na boyfriend mo?"
Napaiwas ako ng tingin sa kanya.
"Ewan."
Nakita nya ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ko kaya naman nagulat ako nang yakapin nya ako.
"Stay strong."
Bigla na lang akong napaluha sa sinabi nya. Bakit ba parang feeling ko... tsk! No! Hindi mangyayari yung inisip ko.
"Thank you. Sige mauna na ako, medyo di na maganda ang hangin dito." sabi ko at dali-daling kinuha ang gamit ko at naglakad-palayo.
Napatigil ako ng may humatak sa akin. Nanggigigil ito kaya hindi ko maiwasang masaktan.
Huminto kami at humarap sya sa akin.
"What the f*ck!"
Inis kong tinignan ng masama si Allen.
"What the f*ck mo mukha mo! Minumura mo na ako ngayon?!" pinaka-ayaw ko pa man din ang minumura ako.
"The Hell Zy!! Nung isang araw si Zohar ang kayakap mo! The next day si Lance! At ngayon naman si Chase?!"
Marahas kong binawi ang kamay ki.
"Bakit ka ba nagkakaganyan?!"
"Hindi mo ba ako naiintindihan Zy?! ANG LANDI MO, MAY BOYFRIEND KA NA PERO KANI-KANINO KA LANG YUMAYAKAP! GANYAN KA NA BA KA-UHAW SA PAGMAMAHAL? KAILANAN MARAMI KA---"
*PAKKK*
Kasabay ng pagsampal ko sa kanya ang pagtulo ng luha sa mata ko. B-Bakit ba kami nagkakaganito? Gumising na lang ako nag-aaway na kami.
"H-Hindi ako uhaw sa p-pagmamahal *hik* Dahil i-ikaw, I-Ikaw lang s-sapat na."
Naramdaman ko na napatigil sya nagbago rin ang kaninang nanlilisik na mata nya.
"P-Pero m-masakit rin A-Allen, m-masakit dahil s-sila andyan para sa akin... at i-ikaw, wala."
Hindi pa rin tumitigil ang pag-agos ng luha sa mata ko.
"Then it's my fault again." sabi nya at tumawa ng mapakla.
"Ako naman ang lagibg mali sa atin diba Zy? Ikaw lang naman ang tama."
"---pero ayos lang, sanay na ako. Nakakapagod na rin Zy." mahinang sabi nya.
Sa bawat pagbigkas nga ng pangakan ko nasasaktan ako. Nasanay na ako na Love ang tawag nya sa akin. Pero napapagod na daw sya? This time ako naman ang tumawa ng mapakla.
"Napapagod ka na?" nang-uuyam na tanong ko sa kanya.
"--- pwes ako, pagod na rin Allen. Pero lumalaban ako, lumalaban ako sa relasyong pinahahalagahan ko. Pero wag kang mag-alala."
"----malapit na akong bumitaw."
Tumakbo ako at hindi na tinignan anf reaksyon nya.
No, mali ang sinabi ko sa kanya.
Dahil hindi ako bibitaw, hanggang may kinakapitan pa ako.
*****
Author's Note:
Abangan nyo pa ang mga susunod na mangyayari Crushers. Hold on, o let go? Sino bang pinapanigan nyo si Zy o si Allen? Lol. Love them both:3
Survey nga tayo?
Sinong Zyllen pa rin dito?
O baka Zyhar na sya ngayon? hahaha
O baka Zyla pa rin sya?
Vote. Comment. Share.