Lance POV...
"Achuu!" napatingin kami kay Zyra. Namumula ang ilong nya, tumagilid sya at ipinatong ang ulo nya sa bintana. Kahapon rin, nag malling ang barkada pero hindi sya sumama. Ang sabi nya may gagawin pa daw sya, pero sa sitwasyon ngayon mukhang nagsinungaling sya sa amin.
"Lance, ayos lang ba si Zyra? Tignan mo parang may sakit sya." nag-aalalang tanong ni Ishi.
"Ewan ko ba, kung bakit nagkakaganyan sya. Mula bata kami hindi nya ugali ang manahimik at magtago ng sikreto. Pero habang lumalaki kami nagiging ganyan na sya."
"Nag-away kaya sila ni Allen? Tignan mo hindi sila nagpapansinan mula pa kahapon."
Oo nga, kahapon pa ganyan ang dalawa. Si Zyra si Zohar ang laging kasama si Allen naman si Mehunny.
"Kakausapin ko sya mamaya."
"Mabuti nga." sabi nya naman at muling inilagay ang earphone nya sa tenga nya.
Zyra... I hope you're okay.
Zohar POV...
"Nainom mo na ba yung gamot na binigay ko?" tanong ko kay Zyra nanakasandal sa bintana.
"Oo." maikling sabi nya.
"Uhmmn... kamusta kayo?" alam kong naintindihan nya naman agad ang tanong ko.
"Ewan, ang gulo eh."
Naaawa ako sa kanya ngayon.
"Magiging maayos rin ang lahat Zyra."
"Sana nga..."
Napansin ko ang namumula nyang mata. Hindi lang yun sa sakit nya at alam ko yun.
"Zy... pwede kanamang sumandal sa akin eh."
Umiling lang sya at itinakip nya sa mukha nya ang jacket nya.
Napabuntong-hininga ako na lang ako at hinayaan syang makatulog.
Zyra POV...
Nagising ako at kinusot ang mata ko. Luh, nakatulog pala ako sa balikat ni Zohar. Pumantay ako sa kanya at tinitigan sya, haist. Hanggang sa pagtulog ba naman ang pogi ni Zohar. Siguro ang swerte nung babaeng mapapakasalan nya---errr, ano ba yung iniisip ko kasal na agad? Di pa pwedeng girlfriend muna?
Gumalaw sya ng kaunti kaya naman nagtulog-tulugan ako para di nya mahalata na tinitigan ko sya kanina. Sheyt, kahiya yun.
Naramdaman ko na inilagay nya ulit ang ulo ko sa tapat naman ng dibdib nya.
Dug. Dug. Dug. Dug.
B-Bakit kaya ang bilis ng heartbeat nya? Yung tipong ganyan rin ang bilis ng t***k ng puso ni Allen nun tuwing natutulog ako at nakaunan ako sa dibdib nya. Naamoy ko ang pabango ni Zohar, sus. Halatang mamahalin ang perfume nya, ang manly kasi ng amoy.
Hindi ako makahinga ng mabuti. Parang ang awkward kasi ng posisyon namin.
"Tsss... Do you think I didn't know that your not sleeping Boo?"
Iminulat ko ang mata ko at sumimangot sa kanya.
"Kaasar, akala ko papasa na ako bilang artista! Andun na yun eh." kunwaring tampo ko. Ginulo nya naman ang buhok ko at ngumiti.
"Af course, you're not a great artist. Because for me, you're a stunning model."
Namula ako sa sinabi nya. Aish.
"Ilan na ang nabola mo?"
"Ikaw lang."
Namula nanaman tuloy ako, pero hindi dahil sa kilig kundi sa Inis. Inis ko syang pinagsu-suntok.
"Walanghiya ka pala eh! Tsss... Akala ko pa nam---"
"Oh, kumain ka na."
Napatigil agad ako. Para akong nanigas sa kinauupuan ko. Agad akong napatingin kay Allen. Syempre kabisado ko na sya, pati ang boses nya. Ewan ko pero mukhang naiinis sya.
"Ano hindi mo pa ba kukunin itong pagkain o baka naman ayaw mo?" untag nya sa akin.
Umiling naman ako at agad na kinuha yun. Gosh, after 12345890752 years sa wakas naman kinausap na ako ni Allen.
Magtha-thank you palang sana ako kaya lang umalis na sya agad.
Tumungin naman ako kay Zohar na biglang nanahimik.
"I think mas maganda kung kumaim ka na Zy, may gamot ka pang iinumin remember.. may pasok pa tayo bukas."
Tumango naman ako, I hate this feeling. Yung feeling na awkward kayo.
"Pst!"
Tumingin naman agad ako kay Lance.
"Mag-usap nga tayo."
Nagtaka ako pero sumunod na lang din ako sa kanya.
"Asan sila?" tanong ko. Ilan lang kasi kami na naiwan sa Van.
"Nasa Isang Fastfood restaurant. Nagutom sila eh."
Umupo kami sa may isang upuan dito. Well ang ganda ng location nung restaurant na yun ah, malamig kasi dito tsaka little forest ang style nya kaya ang ganda talaga.
"Ano pala ang pag-uusapan natin?"
Hinawakan nya ang kamay ko, nagulat ako pero mas nagulat ako ng paluin nya ito. Inis ko tuloy syang pinalo.
"Walanghiya ka! Ang sakit nun ah!" asik ko sa kanya pero umiling lang sya.
"Nung pinalo kita lumayo ka sa akin diba? Ganun rin dapat sa tunay na buhay Zyra, pag-sinaktan ka dapat lumayo ka na rin sa taong nananakit sa'yo para di ka masaktan."
Natahimik ako pero sa di kalaunan napangiti ako.
"Nung pinalo mo ako lumayo ako, pero hindi naman ako umalis. Ibig kong sabihin, sinaktan mo lang naman ako ng isang beses eh, at natiis ko ang sakit kaya bumalik uli ako sa'yo. Parang sa tunay na buhay, sinaktan ka nila, pero dapat wag ka agad sumuko. Dahil baka hindi mo alam, may isa lang pala sa inyong nawawalan na ng pag-asa. Pero dahil mahal mo sya, ikaw mismo ang gagawa para maiparamdam mo sa kanila na may pag asa pa, na may pag-asa pa dahil mahal mo sya. Pero pag paulit-ulit na... magsasawa ka at iiwan mo sya."
"Tsk. Kung pwede nga lang agawin kita sa kanya eh."
Nanlaki naman ang mata ko sa ainabi nya.
"Pero may iba na akong mahal eh..." sabi nya at napabuntong-hininga.
"Naiintindihan kita bes, kaya ko naman ang sarili ko." sabi ko at napangiti na lang ng mapait.
"Syet, huli na talaga para sa atin eh." nakasimangot na sabi nya kaya binatukan ko sya.
"Walanghiya ka Bes! Hindi nga kasi tayo para sa isa't isa! Kayo labg ni Ishi ang bagay, okay?"
Napailing sya at ngumiti.
"Alam ko, alam ko na bagay kami at mahal namin ang isa't isa hindi nya lang maamin. Buti na lang hindi ako natuluyan sa'yo noh, ang pangit mo pala kasi."
Nagpantig ang tenga ko sa sinabi nya kaya automatic na sinabunutan ko sya.
"Walanghiya ka talaga!!! Buti na lang din di kita sinagot nun!!! I hate you!"
"Hahaha! Pikon ka talaga! Maganda ka na nga lang!"
Sumuko ako at sumimangot.
"Tsk. Napilitan ka lang."
Napangiti s'ya at inakbayan ako.
"Seryoso na ako Zy, maganda ka talaga. Joke ko lang yun." nakangising sabi nya kaya kinurot ko ang pisngi nya, wala lang bata pa lang kami hilig ko ng pisilin ang pisngi ni Lance.
"Talaga, honest ka talaga bes." sabi ko at sumandal sa balikat nya.
*sigh*
"Take care Zy, ayaw kitang makitang masaktan."
Then he plant a kiss in my head. God, thank you for giving me a handsome and oh so caring bestfriend. I love him so much.
*******
Author's Note: Labyu so much Crushers, namiss ko kayo. One week din akong wala sa kabihasnan (namasyal kami sa walang internet na lugar) pero nag-enjoy ako dun;)
Magbilang nga tayo, ilan pa ba ang ACTIVE CRUSHERS dito?
Vote. Comment. Share.