Zyra POV...
Saturday ngayon, walang pasok kaya nagdecide si Mau na samahan ko daw sya magpa-check up ngayong araw. Mukhang masaya naman sya sa magiging anak nya. Paano ba naman, tinanggap nila Tita at Tito ang anak nya. At excited pa nga daw sila na lumabas na ang apo nila.
Inayos ko ang gamit ko, huli kong dinampot ang cellphone ko at tinawagan muna si Allen.
Nag-ring lang ito kaya inulit ko. Pero hindi pa rin nya sinasagot. I think busy na naman sya, poor Allen... wala man lang syang break sa stress nya sa school.
Nagring ang phone ko kaya sinagot ko na agad.
(Bes, Nasa labas na kami ni Manong Jay. Asan ka na?)
"Ahhh... susunod na ako. Himala di ka ata magdri-drive ngayon."
(Psh, over protective sila Mom at Dad. Baka daw mapano kami ni Baby.)
"Cute naman... sige sunod na ako."
(sige.)
Inilock ko ang pinto ng kwarto ko at bumaba.
"Ma, alis po muna ako!" sigaw ko kay Mama mula sa kusina.
Sumilip sya sa akin.
"Hindi ka pa kumakain."
"Ah. eh. ano po kasi, sa labas na po kami kakain ni Mau... libre daw po."
"Sya nga pala, asan na yung boyfriend mo? Madalang ko na syang makita dito."
Luh, napansin pa talaga yun ni Mama? Si Mama talaga.
"Ano po kasi, busy po sya. Pero bukas po siguro."
"Sige, sabihin mo sumama na sya sa atin bukas. Uuwi tayo ng probinsya... Family Reunion natin bukas."
Napatango ako. Last year hindi kasi sya nakasama. Tumawag kasi ang Tito sa kanya at pinaasikaso ang Kumpanya nila.
"O-Opo. Sige po, andyan na po si Mau sa labas."
~•~
Pagkalabas ko palang nakita ko na agad ang kumakaway na si Mau.
"Bes tara na!"
Sumakay ako sa likod para magkatabi kami.
"Kamusta ka?" tanong ko agad sa kanya habang nasa byahe kami.
"Ayos lang naman, nakakamove on na rin paunti-unti. Bawal daw kasi akong ma stress. Si Alyssa naman, walang ibang ginawa kundi stressin ako. Kaasar."
Napatawa na lang ako ng mahina. Knowing Alyssa, minsan nakaka-stress at masakit sa bangs ang kaartehan at kaechosan nung babaeng yun.
"By the way milky way, Si Carl pala! Nakakamiss, huhuhu 2 weeks na simula ng umalis sya."
"Oo nga noh, bilis ng panahon. Mamaya uuwi na yun."
"Sinabi mo pa Zy, at wait pala. Feel ko talaga hindi bakla yun eh. Dati kaai nakita ko syang may babaeng kahalikan. Well ewan ko kung sya yun."
Bahagya akong napangiwi sa isiping yun. ewww, si Carl may kahalikan noong bakla sya? Ngayon siguro maniniwala pa ako pero noon? No way!
"Kamusta sya dun?"
"Sus! May babae na yung si Bakla errr--- lalaki na pala sya. Ang fogi eh, kung dati ko syang nameet na hindi baklush... baka mas bet ko pa sya keysa kay JP."
Napalunok sya ng binanggit nya ang pangalan ni JP.
"Nandito na tayo Lady Reen."
"Pakihintay na lang po kami Manong Jay."
"Sige po."
Hinila ako ni Mau sa isang clinic. Binuksan nya ang isang pinto.
Dr. Chase Fendon
"Lalaki bes?"
"Oo eh. Pero mapagkakatiwalaan nila Mom and Dad yan. Anak daw kasi ng isa nilang kaibigan sa negosyo."
Pagpasok namin nakita naminang isang lalaki na nakaupo at nagbabasa ng kung ano sa desk nya. Nakasalamin ito, pero mahahalata mo pa rin na bagay nya yun mukha syang genius.
"Ohh, Hi Ms. Soliman!"
Napanganga ako sa isip ko. Shocks! Ang pogi kaaing doctor! Gosh, for sure naman magpapansin na ang mga pasyente nya. Kung magkakasakit nga rin ako parang gusto ko kasing gwapo nya rin. Errr, may Allen na at sapat na yun.
"Dr. Fendon, magpapa-check up lang po ako." namumulang sabi ni Mau.
"Ahhh... wait, okay lang ba kay Miss?"
"Zyra." patuloy ko.
"Kay Miss Zyra kung hihintayin ka na lang nya sa labas?"
"Naku okay lang po!" sabi ko at tuluyang umalis dun. Hindi binanggit nung doctor na kailangan nya palang solohin si Mau para lang sa chevk up na yun. Tssss....
Kinuha ko na lang ang cellphone ko at tinawagan si Allen.
Thanks naman at sumagot na rin sya.
(Hello love...)
"Ahh... Hi, Busy ka ba ngayon?" geez, nakakakaba pa rin talaga syang kausap.
(Uhmmn... hindi naman gaano. Bakit?)
"Kwan kasi... namimiss na kita atsaka nila Mama, sama ka sa amin bukas huh! Okay lang ba?"
(Saan ba yun?)
"Sa Probinsya namin. Family Reunion kasi."
(Ah, okay. Anong oras?)
Yes! Akala ko hihindian pa ako ni Allen.
"Sunduin mo na lang ako ng 7:00 bukas ng umaga. okay lang ba?"
(Of course, sige... I'll just call you again later okay? I love you.)
Sheez... Damn, namiss ko talaga ang sweetness nya.
"I love you too. Take care."
Pinatay ko na ang tawag at nakangiting ibinalik ito sa bag ko.
"Zy?"
Napalingon ako sa tumawag sa akin.
"Tapos na?" tanong ko kay Mau.
"Yes, ano pala... 8 months na lang lalabas na si Baby."
Natuwa naman ako sa kanya. Haist.
"Uy ikaw! Type ka ni ata ni Dok?" mahinang sabi ko sa kanya na namula naman sya.
"Tsss... ewan, ang pogi nya kaya lang suplado."
"Luh, suplado yun? Ang gwapo nga nya eh."
Napairap naman sya sa sinabi ko.
"Kababata ko yun, maloko yun dati ewan ko bigla na lang nagseryoso. 2 years ang tanda nya sa atin at matalino lang kaya nakatapos agad at ngayon doctor na."
Galing naman... samantalang ako hirap sa Algebra nung high school pa.
"Uwi na tayo, pero saglit muna tayo sa mall nagcra-crave ako sa Letuce bes."
"Ano pa nga ba?" naiiling na sabi ko.
~•~
Pagdating nain sa Mall, dumeretso na agad kami sa Grocery sa vegetable corner agad. I think pag-aari to ng mga De Leon, nila Alyssa. Paano ba naman, may Pic pa talaga dito si Alyssa. Nasabi ko na bang tinanggap nya last year lang ang alok ng Tita nya na mag-model sya?
"Letuce at Mayonaise. Tsss... Ketsup pa siguro tsaka ko hahaluan ng toyo."
Shocks, ano ba yun? May pagkain pa bang ganun? Nandidiri ako habang iniisip ko na kumakain ako ng ganun. Eww just ewww....
"Mau, pupunta lang ako sa may Chichirya ha!"
"Na ah! Hindi Healthy yun Zy!" pigil nya sa akin.
"Ano ka ba? Hindi naman ikaw ang kakain nun ah. Atsaka Lays yun bes."
"No, samahan mo na lang ako kumain ng Letuce mamaya."
Nanlaki ang mata ko at agad na umiling-iling.
"Ha, bibili na lang ako ng apple."
Nakita ko naman na medyo nagteary eyed sya sa sinabi ko.
"*sniff* ayaw mo lang sa food ko eh."
"N-no, I mean... mas gusto ko lang ng apple ngayon."
"No, kakain ka ng letuce ko! End of conversartion."
Napalunok ako sa sinabi nya. What the hell?!
~•~
"Here kain na tayo!" masaya nyang sabi at iniharap sa akin ang Letuce salad na ginawa nya.
Oh sh*t, bibitayin na ba ako?
Mehunny POV...
Si Mau at Zy nga yung nakita ko rin sa ospital kanina.
Sinong b-buntis sa kanila?
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang isang kaibigan ng family namin na investigator.
{Hello Lady Mehunny.}
"Mark, kailangan ko ng background sa kasalukuyan ni Maureen Soliman at Zyra Laurel. Gusto kong malaman kung may buntis sa kanila." ma-awtoridad na utos ko.
{Lady... sino na naman po ba ang kaaway nyo sa kanila? Panigurafong magagalit na naman si Boss kapag nalaman nya ito.}
Palihim akong napairap. Oh gosh, kahit kailan talaga... hadlang lagi sa Dad sa mga plano ko.
"Wala. They are my new friends, I just want to know kung ano ang tinatago nila sa akin." I lied.
{Tsss... As if Lady. Wala naman akong ibang alam na may kaibigan kayo maliban kay Cyrene at Hazel... Kamusta naman kayo ng mga kaibigan mo?}
Oh sh*t! Investigator nga pala sya at wala akong maitatago sa kanya. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko ng may narinig akong familiar na boses.
{How are you dear? Kamusta na naman ang bagong apo ko sa tiyan mo?}
Tuluyan na namang nalaglag ang luha sa mata ko at nanginig ang kamay ko.
"D-Dad..."
{Bullsh*t Mehunny!!! Who's the father?!}
Nanginginig kong pinatay ang cellphone ko. Dali dali akong pumunta ng kusina at uminom nang malamig na tubig.
bzzt.
From:+6317272865
Get the hell out of their lives b*tch! They love each other so much. And me, If I just can get that child of yours out of your mattress, I will do it. But no thanks, ayaw ko pang madungisan ang mga kamay ko, I mean namin.
Goodluck b*tch. I hope Karma slaps you before i do.
~H and D
WHO THE HELL IS H AND D???!!!!
Someone's POV...
"Hahaha!! I know baka na freak out na sya sa message natin." natatawang sabi ni Boss.
"Pero Lady... hindi ka ba naawa sa kanya?" bigla namang nagseryoso ang mukha nya.
"Of Course I do. Kaya nga tutulungan ko sya diba. I just want to make her realize na may nag-eexist na KARMA sa buhay ng tao."
Mabait si Lady but don't you dare to mess up with her, dahil kaya nya talagang isampal sayo ang Karma.
"Bestfriend ko sya at medyo naawa na ako sa kanya." malungkot na sabi ko.
"Hey, wag ka ngang maawa dun. Kaya nya yun. At ikaw kamusta na? Ginawa ko.kayong magkaibigan diba?"
"Opo Lady.. pero sa tingin ko kailangan nya lang ako kapag may kailangan sya."
Ngumiti sya sa akin.
"Sad story of yours... Hindi talaga sya marunong mag-appreciate sa ginagawa ng mga mabubuting tao sa kanya."
Tumahimik na lang ako. Alam kong mabait si Mehunny. Nararamdaman ko yun.
~Sa kabilang dako
I'll miss you all guys, sorry kung di na ako nakapagpaalam ng maayos. Pakisabi kay Zyra na nagpaparaya na ako... Balang araw kasi kakailanganin nya ang taong mahal ko na mahal naman sya. Sad to say Lagi na lang mahal ka ng taong gusto ko. Pero walang talkshit! Hindi ako galit sayo. Sa korea na ako pupunta guys, tinanggap ako ng isang entertainment, ah basta wait for my soon Mvs as a Kpop Idol.Lol. I love you at mamimiss ko kayo guys.
— CL/ Sam
Napapunas ng luha ang magkakaibigan. Kahit alam nilang joke lang iyong huling sinabi ni Sam.
×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×
A/N: Abangan ang mga susunod na pangyayari. Mehunny is a ________
BTW, May nxt year pa, bawi na lang tayo nxt year sa Wattys Crushers. Maasahan ko na ba kayo nxt year? Hahaha
Godbless!:)
~NADZ