Ang bagong Yugto
~5 years after
Zyra POV...
"Mama!!!"
Nakangiti ko syang sinalubong at niyakap. Hinalikan ko naman sa pisngi si Boo.
"Kamusta Boo? Napagod ka na naman ba sa pag-aalaga kay Baby Z natin?"
Tumingin sya at nagkibit balikat na nakatingin kay Zyllen.
"Mama, labas po sana tayo ngayon ni Appa Z... Please po!" naka-pout na sabi ni Zyllen.
"Matatanggihan ba namin ang nag-iisang baby namin?"
"Yehey!!!"
Ginulo ko ang buhok nya at kinurot ang pisngi nyang sobrang taba.
"Zy, hindi ba natin naiispoil ng sobra yung anak natin?"
Bumuntong hininga naman ako.
"Zohar... hayaan mo na. Anak naman na natin eh."
Yinakap nya ako at hinalikan sa noo ko.
"I love you Zy."
"I love you too." binigyan ko sya ng isang matamis na ngiti bago ko isinuot ang jacket ko.
Ber season na kasi dito sa America kaya naman malamig. Well kahit hindi naman Ber season malamig talaga.
Hinawakan naman magkabilaan ang kamay ni Zyllen.
"I love you po Mama at Appa!"
~•~
"Appa! Gusto ko po nun!" turo ni Zyllen dun sa isang barbie doll.
Nakita ko na lang na may nilabas si Zohar mula sa likod nya.
"Barbie Doll!!!" masayang sabi ni Zyllen at kinuha agad ang Doll sa likod ni Zohar.
"Ayaw palang iispoil ah." tinignan ko sya ng mapanlokong tingin.
"Tsss... I just love her, of course I love you too."
"Tsk. Corny mo po Boo."
Inakbayan nya ako at pumunta naman kami sa Grocery store. At ano pa bang aasahan mo kapag may kasama kang bata?
Turo here, Turo there... TURO EVERYWHERE.
At ang ending puno ang cart namin.
"Mauubos mo ba yan lahat Zy?" tanong ko kay Zyllen na sinisimulan ng lantakan ang binili nyang apple.
"*chomp* Yes Mama, It's better po bago tayo mag-sleep i-skype po muna natin si Mommy!"
Napatigil ako, haist. Bakit nga ba nakakalimutan ko lagi na hindi ko naman tunay na anak si Zyllen? Na anak-anakan ko lang sya. Sa sobrang hands-on namin ni Zohar sa kanya, feeling ko parang pamilya na kami.
"Ahuh, anong oras na ba boo." baling ko naman sa kanya na busy sa pagkalikot sa phone nyo.
"7:30 p.m palang, By the way... wala pala ako bukas, aasikasuhin ko lasi ang company. Alam mo naman na, kahit ako ang boss dun... kailangan ko paring alagaan ang company."
"Yep naman, ayos lang sa amin ni Zyllen. Don't stress yourself to much Boo."
"I know, magpapakasal pa tayo remember?"
Ngumiti ako at tumango sa kanya.
"Tara uwi na tayo. Zyllen Let's go!"
This is my dream family. A small but happy family.
~•~
Third Person's POV...
Nakakabinging katahimikan. Yan naman ata talaga ang laging nangyayari sa tuwing kumakain sa mansyon ng mga Garcia.
"Hunnyllen, how's your school?" seryosong tanong ni Mehunny sa kanyang anak.
Nakatitig lang naman si Hunnyllen sa kanyang pagkain, Hunnyllen is a silent type girl. Dahil na rin sa Mommy nya kaya sya ganun.
"I-It's fine Mom."
Ibinato ni Mehunny ang baso nya malapit kay Hunnyllen dahilan para umiyak ang bata sa gulat.
"Liar, kakasabi lang ng teacher mo na na-Zero ka sa isang quiz nyo kanina."
"But..."
"Study hard Hunnyllen! Nakakahiya ka! Stupid, Idiot! Walang Mendoza at Garcia na ganyan! Hunny---"
"Shut up!"
Malamig na sabi ni Allen kay Mehunny. Naririndi ito dahil wala na lang syang ginawang mas maayos kundi ang pagalitan ang anak nya.
Para nga sa kanya, hindi naging mabuting ina si Mehunny kay Hunnyllen.
"D-Dad..."
Tumingin si Allen kay Hunnyllen at tumayo palapit dito. Atsaka nya binalingan si Mehunny.
"Kung mainit ang ulo mo dahil sa trabaho, tama nang ibuhos mo sa mga empleyado natin keysa sa anak natin mo ibuhos ang init ng ulo mo. Enjoy your meal."
Pagkasabi nya nun ay kinuha nya ang kamay ni Hunnyllen at niyaya ito sa kwarto nya.
"D-Dad, mahal ba ako ni Mommy?" malungkot na tanong ni Hunnyllen sa kanyang ama.
"No, don't say that."
Tumalikod ang anak nya at humiga na sa kama.
"I need to rest Dad. G-Goodnight."
Naawa nyang pinagmasdan ang anak at lumapit dun para gawadan ng halik sa noo.
Oo nga't gawa ng kasalanan si Hunnyllen, pero wala syang kasalanan sa nangyari. Maaring maraming tao ang naghangad na patayin sya nung nasa sinapupunan pa lang sya pero wala syang kasalanan. Dahil sa tukso kaya nagawa ni Allen yun, pero wala syang pinagsisihan dun. Mahal nya si Hunnyllen.
Dahil si Hunnyllen ang lakas nya simula ng iwan sya ng taong minahal nya pero iniwan lang sya na hindi man lang napapaliwanag.
Kung binigyan lang sya ng pagkakataon nun na makapag-paliwanag, baka hindi sya ikinasal ngayon sa taong hindi nya mahal.
Pero nangyari na, at galit na galit sya kay Zyra because Zyra makes his life miserable.
Zyra makes his life a living hell.
~•~
=Flashback=
Zyra POV...
bzzt.
From: Ate Dara
Meet me at the park. I'm waiting. Yung sa malapit sa bahay nyo.
Jeezz, buti na lang pinawashing ko na yung mga damit namin nung isang araw kundi maglalaba ako ngayon.
Napangiti ako hababg sinisipat ang sarili ko sa salamin. Parang ime-meet ko lang si Allen noon. Nakakaasar lang di nya ako sinipot noon.
Paasa.
Pero akin naman na sya ngayon at wala na syang kawala.
_
Dumating ako sa Park at tulad ng inaasahan ko, andun na agad si ate Dara.
Sinenyasan nya ako na lumapit at umupo dun at yun nga ang ginawa ko.
"How are you ate Dara?" bati ko sa kanya, pero malungkot na ngiti lamang ang binigay nya sa akin. Siguro may problema sya.
Kinuha nya ang kamay ko at hinawakan yun.
"I'm sorry Ara."
Ara, ganyan sya kapag may problema o kaya naman naawa sya sa akin. Wait she just said sorry to me?
Bigla akong kinabahan dahil dun.
"Ate, may problema ba?" nag-aalalang tanong ko.
"Sa akin, wala. Sa inyo... meron, at malaki."
Pinisil nya ang kamay ko.
"Sorry Zy, kung hindi siguro kayo nagkatuluyan hindi kayo masasaktan. Kung hindi ko sana inilapit si Allen sayo hindi ka sana iiyak."
"Ate D-Dara, okay naman ang relationship namin. Walang ma--"
"He's cheating."
Napatigil ako at bumigat ang dibdib ko.
"Sorry, ngayon ko lang sinabi... nakonsensya kasi ako, pero maniwala ka Zy... nakita mismo ng dalawa kong mata na nagtaksil si allen sa--"
PAKK
Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ko para sampalin si ate Dara.
Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya.
"How dare you to say that Ate Dara?! Sinungaling ka! I trust Allen so much! At alam kong mahal nya ako!"
Bigla akong napatayo. Nagulat ako ng tumayo rin sya at binigyan ako ng mas malakas na sampal.
"Para magising ka sa katangahan mo Zyra! MEHUNNY IS PREGNANT! At si Allen ang ama! Now tell me, kaya mo bang makakita ng bata na walang ama?"
Nanghihina akong napaupo at inilagay ang mga palad ko sa mukha ko. Basang basa na ang mga ito dahil sa luha ko.
No... hindi yun magagawa sa akin ni Allen... NEVER.
Pero yung bata...
Tumulo na naman ang luha sa mata ko.
"I can't." yun lang ang nasabi ko, barag pa ang boses ko dahil sa umiiyak ako.
"Good. Now, I want you to meet your real happiness, find someone better. Take this."
Inabot nya sa akin ang dalawang ticket.
"Kasama si Zohar dyan, at ngayon na ang flight nang yan."
Bigla kong nabitiwan ang ticket kaya pinulot nya ulit.
"Hindi pa ako na---"
"Kung inaalala mo sila Tita at Tito, alam na nila."
Nahigit ko ang hininga ko dahil dun, kaya ba... parang naawa sa akin sila mama at papa nitong nakalipas na araw... Kaya ba kinukulit nila ako tungkol kay Allen, dahil dun?
Napahagulgul ako habang pinagdudugtong ang mga pangyayari.
Niyakap ako ni Ate Dara.
"I'm really sorry kung wala akong nagawa para isalba ang relationship nyo. Pero, Pero... Basta, be happy with Zohar."
Zohar? Paano ako magiging masaya kung wala na ang lalaking mahal ko at tanging nagpapasaya sa akin?
=End of flashback=
Yun ang nangyari bago ko iwan ang pilipinas.
Damn, Tadhana na ang humadlang sa amin. Siguro nga si Zohar talaga ang para sa akin.
**************
Author's Note:
Chapter 30: Ang pinaghandaan kong chapter.Lol. Mabagal po ang next chapter update natin dahil kasali ako sa cheerdance at halos buong araw ang practice, kaya DIET muna tayo sa UPDATE okay?
~Nadz
HAPPY ZYHAR DAY!!!!!