bc

My Pick Up Girl

book_age4+
2.1K
FOLLOW
26.3K
READ
possessive
family
second chance
goodgirl
drama
comedy
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

"Nakalunok ka ba ng kwitis? Pag ngumiti ka kasi may spark.."

Babae lang ba ang kinikilig? E paano naman kaming mga lalaki? Wala ba kaming karapatan kiligin kapag bumanat na kayong mga babae? Para sa kaalaman nyo, kinikilig din kami at napapangiti ng lihim, lalo na kung yung bumabanat ay 'yong babaeng pinapangarap namin.

Wanna meet my pick up girl? Ang babaeng, labis na nagpapakilig at nagpapatibok ng mabilis sa mapaglaro kong puso, ang babaeng di nauubusan ng mga banat, ang babaeng punong puno ng raket sa buhay, ang babaeng walang kaalam alam na gustong gusto ko syang ikulong sa mga bisig ko at alagaan habang buhay.

Ako si Johhny Spencer, at ito ang aking----aming KWENTO.

chap-preview
Free preview
Prologue
MALAKAS ang buhos ng ulan, at kalat na ang dilim sa paligid. Wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon, walang paglagyan ang galit at poot na kumakain sa buong pagkatao ko. "Iniwan mo ako! Tapos ngayon babalik ka? Huli ka na, dahil may mahal na akong iba, pinagmukha mo akong tanga! Bakit ha...? Bakit mo pinili ma-engaged sa iba? Dahil ba mas gwapo sya? O baka naman dahil mas mayaman sya. Di ko akalain na ganyan ka pala kadesparada..." wala na akong pakialam kung ano na ang lumalabas sa bibig ko. Gusto kong maramdaman din nya ang sakit. Yung sakit na halos pumatay na sa'kin. Parehas na kaming basang basa ng ulan. Tiningnan nya ako deretso sa mata, nakita ko pa ang pagpatak ng luha nya o baka naman basa lang ng ulan. Sya iiyak? E sinaktan nga nya ako at ginago. Screwed this fvcking life of mine. She smiled. Pero di umabot sa mga mata nya. Damn! Niloko at iniwan ka nya, wag kang magpadala, umaarte lang yan. Sigaw ng isang bahagi ng utak ko. "Di ko akalain na ganyan pala kababa ang tingin mo sa'kin." she said, kasabay no'n ang sunod-sunod na pagpatak ng luha nya. I smiled bitterly. "Alam mo ba kung anong tumatakbo sa isip ko ngayon ha?" tanong ko sa kanya at tiningnan sya mula ulo hanggang paa. "Iniisip ko kung binigay mo na din ang sarili mo dahil sa pera at------PAKKKKKK" Napamulat ako dahil sa lakas ng sampal sa'kin. "Wengya, labas na yung litid ko kakasigaw sa labas ng kwarto mo at ubos na din ang isang basong tubig pero di ka pa din nagigising! Kala ko binangungot ka ng gago ka" iretableng sabi ni Young. "Gago! sakit ng sampal mo." reklamo ko at napahawak sa mukha. At ngayon ko lang napansin na basang basa pala ang mukha ko. Panaginip? Anong klaseng panaginip yun? At sino yung babae? "Ano? Ilang oras pa kayo tatanga? Mauunahan na naman tayo nina captain taena!" narinig kong sigaw ni Dela Cruz. "Ano bang meron?" tanong ko, at inumpisahan bumangon mula sa kama ko. Bakit ganun? Bakit parang totoo ang lahat? Ang bigat sa pakiramdam. Ngayon lang ako nanaginip ng ganun. "Tungunu mo! Spencer! enrollment day ngayon, college ka na gago! At may pustahan tayo nina captain wengya, napuyat ka na naman sa pagpapantasya mo sa'kin!" binato ko ng unan si Gibson, ang aga aga mang asar ng hayop na 'to. Napansin ko na bihis na bihis na sila. Nagkibit balikat na lang ako at pilit na kinalimutan yung panaginip ko. Mabilis akong nagtungo sa banyo at naligo. Pero kahit anong balewala ko sa panaginip ko, di pa rin mawala yung pakiramdam. May nabasa akong libro dati tungkol sa mga panaginip, sabi dun sa nabasa ko, na yung panaginip mo, mangyayari pagkatapos ng maraming taon. Ibig bang sabihin, na yung panaginip ko kanina, mangyayari din pagkatapos ng maraming taon? E di ba, sabi ng karamihan na ang panaginip daw ay kabaliktaran? "Sige lang Spencer tagalan mo pa taena ka, pag tayo natalo sa pustahan wengya ka ibabalik ka namin sa sinupupunan ng ina mo!" narinig kong sigaw na naman ni Young. Pero di ko sya pinansin. Paano ko malalaman na nangyari nga ang isa sa mga panaginip ko kung maraming taon pa ang kailangan para mapatunayan? Kalokohan, panaginip ay mananatiling panaginip na lang ng tao. At kung tatanungin nyo ako kung gusto ko bang mangyari yung panaginip ko kanina? Aba naman, gago lang? Nasasaktan kaya ako dun sa panaginip kong yun, bakit ko pa gugustuhin mangyari yun? Sa inyo na lang, isasali nyo pa ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Secret Agent's Mate

read
115.2K
bc

Marrying My Fiancee

read
460.9K
bc

Reckless Hearts

read
256.4K
bc

College Series 1 : Feisty Friday (R18 Tagalog)

read
186.6K
bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
609.5K
bc

POSSESIVE MINE

read
970.5K
bc

Wanted Ugly Secretary

read
2.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook