Rea's POV "Ibalik mo ako, dadating na si mylabs anumang oras!" bulyaw ko kay kuyang lampa na nagdadrive ngayon. Bakit ba kailangan pa nya akong isama eh mamamalengke lang naman pala sya. Palagay nya sa 'kin basket na lalagyan ng gulay at isda na dapat isama sa palengke? "Hahaha relax, kailangan ko lang ng taong kuripot pagdating sa pera" natatawang sagot nya. Tiningnan ko sya ng masama, wala kasi akong maintindihan sa sinasabi nya. "Lampa na nga feeling close pa," sabi ko pero tinawanan lang ulit nya ako. "Di pa naman huli ang lahat para maka close ko ang isang tulad mo, hindi ba? " sabi nya sabay kindat pa. "Di bagay sayo nagmumukha kang gago sa kanto," inismiran ko sya. "Hahahaha," binaling ko na lang ang tingin sa daan dahil tumawa na naman sya. Maya maya pa ay tumahimik na sya.

