Rea's POV "Mylabs may sakit ka ba?" tanong ko, nasa kalagitnaan kami ng byahe papunta sa bahay ni coach.. Di sya nagsalita, hindi din nya ako nililingon.. Pano ba di ako magiging assumera kung ganito naman lagi ang pinapakita at ginagawa nya?, tulad na lang ng bigla nyang paggulo sa buhok ko tapos ito, itong pagsundo nya.. mylabs ano ba talaga? Paasa lang ang peg? Mga ilang minuto pa ay nakarating din kami kayna coach, nandito na ang iba, mukhang kinuha pa nila ang mga kotse nila sa school, kasabay namin dumating si Tristan, may kasama sya, kung di ako nagkakamali kaibigan sya ni Greshel.. Mychiel yata ang pangalan nya.. Nginitian ko lang sya.. Akmang kukunin ko kay mylabs ang bag ko kaya lang nilampasan na nya ako at pumasok sa loob.. Ano bang problema ng lalaking yun bukod sa pagi

