Joel's POV "Jaguars wake up!" nagtakip ako ng unan ng makarinig ako ng malakas na sigaw mula sa labas. Pero di pa man nakakabalik ng tuluyan ang diwa ko sa pagtulog bigla na lang akong napamulat ng maramdaman ko na may yumakap sakin. Napakunot ang noo ko ng marealize na wala ako sa unit ko. Bigla akong napatingin sa tabi ko. "Amput*" bigla kong naitulak si Spencer. "Fvck!" mura nya ng magpatak sya sa sahig. "Taenaka Burns," pupungas pungas na tumayo ang gago. "Ano ba kasing ginagawa mo dito sa kwarto ko? Eh ang dami naman kwarto dito sa mansyon ni Don Herald," sabi ko at umayos ng higa, wengya inaantok pa ako. "Jaguars!" Bigla kaming nagkatinginan at sabay na tumayo para sumilip sa may pinto. Gusto kong matawa ng mabungaran namin ang eagles na naka-linya at nasa likod ang mga kamay.

