Rea's POV Nagising ako dahil sa pakiramdam na may humahalik sa pisngi ko. Pagmulat ng mata ko automatic ang pag guhit ng ngiti sa labi ko. "Good morning ate Rara!" masiglang bati ni Siopao. "Good morning din sa pinaka-cute na Siopao sa buong mundo" nakangiting bati ko. At bago pa man sya magsalita ulit ay niyakap ko na sya, pagkatapos ay kiniliti. "Hahahaha tama na ate Rara, pffftt hahahaha" namiss ko ang tunog ng tawa nya. Tumigil lang ako sa pagkiliti sa kanya ng makarinig kami ng katok sa pinto, bumukas yun at niluwa si tiyang. "Bumangon na kayo dyan at ng makapag-almusal na tayo," nakangiting sabi nya. "Sige po tiyang susunod na lang po kami,"sagot ni Siopao, nagkatinginan kami ni tiyang. Ayan na naman sya sa pag akto na matanda na sya. "Oh sya sige sige ayusin nyo na ang sar

