Johnny's POV Naikuyom ko ang kamao ko. Biglang bumangon ang lahat ng galit ko. Naramdaman ko ang pagtapik ni Montereal sa balikat ko. "Nagsasabi po ba kayo ng totoo?" tanong ni Burns sa matandang babae. Nasaan kami ngayon? Nandito kami sa lugar kung saan nagtatago ang matandang babae na nag abot sa akin ng sulat 2 years ago. Kasama ang jaguars nag imbestiga kami tungkol sa sulat na akala ko ay iniwan ni Rea. Pero putangina pakana lang pala ng hayop na si Blake ang tanginang sulat. Nanginginig ang laman ko sa galit. "Oo mga hijo, siya nga ang nagdala sa akin sa magandang lugar na ito eh, binigyan nya ako ng bahay at pera manahimik lang daw ako," sagot ng matanda. Kaya pala di ko na sya nakita noon dahil itinago pala sya ng tarantado. Tumayo ako lumabas ng bahay, sumisikip ang dibdib ko

