CLASSMATES
3rd Person's POV (continuation of the previous one shot
"Uno..alam mo bang miss na miss na kita?Gusto kitang yakapin ngayon "ani Heaven na kinakausap ang isang bato na may nakapaskil na pangalang 'Uno Alas'
"Tsk.Alis na tayo langit!" pagrereklamo ng kanyang asawa na si Hansmhire. Nakauwi na kasi ang lalaki galing ibang bansa at kasalukuyan ng nagpapatayo ng business dito sa Pilipinas..
Hindi siya pinansin ng babae kaya wala itong nagawa kung hindi napaupo na lamang sa tabi ng kanyang asawa.Inakbayan niya ang babae at tinignan rin ang bato na kanina pa tinititigan ni Heaven, ito ang puntod ng yumaong si Uno.
"Kumain ka ng mabuti jan Uno. Huwag kang magpapalipas ah? Mag-iingat ka jan palagi"pagsasalita ulit ni Heaven.
Kumunot naman ang noo ni Hans at nagreklamo muli." matagal pa ba 'yan?"
"Ano ka ba Honey , tumahimik ka muna jan.Kitang nagdradrama pa ako dito eh -__-"
"Bilisan mo kasi. Gutom na ako eh! Honey pleaseee?" pagpupumilit ng kanyang asawa.
Sa katanuyan ay nagseselos lang naman si Hans dahil kahit yumao na si Uno ay siya parin ang iniisip nito.
"Naku Uno,huwag mo yang pansinin ang asawa ko.May saltik lang talaga 'yan." binalot ang lugar ng katahimikan hanggang sa si Hans na ang bumasag nito.
"Kung buhay pa si Uno ngayon...siya ba ang papakasalan mo?" tanong bigla ni Hans. Kahit alam niya ang sagot sa kanyang katanungan at alam niya ring masasaktan siya dito panigurado ay itinuloy niya parin.
"Bakit mo naman natanong 'yan?"
"Wala lang.Bigla ko lang naisip."
"Siguro..oo"walang pag-aalinlangang sagot ng kanyang asawa.
Nakaramdam ng kirot sakanyang dibdib si Hans.Kagaya ng ineexpect niyang mangyari.
"G-ganun?"nasabi niya nalang.
"Pero ikaw naman yung mahal ko ngayon kaya huwag mo ng isipin 'yan. Siguro ang purpose kaya nawala si Uno at naputol ang love story namin kasi hindi kami para sa isa't-isa. Na tayo pala ang itinadhana kaya nangyari ang mga bagay na ito.
Sa pananaw ko,nagsisilbing aral yung nangyari sa pagitan naming dalawa. Na dapat hindi pansarili mo lang ang isipin mo. Huwag ka munang manghusga hangga't wala kang ebidensya. Yan ang dahilan kaya masisira ang relasyon ninyo eh. Dahil doon, natutunan ko kung paano pahalagahan ang mga taong nasa paligid ko. Kung paano i-deal ang mga attitude nila.Hindi rin natin kasi alam ang sides ng isa't-isa kaya kailangan mo silang intindihin. Maghintay ka sa pagkakataong sila na mismo ang magbukas ng daan para sa'yo. "sabay yakap ni Heaven kay Hans.
Napangiti naman ang lalaki at tumugon sa yakap tsaka hinigpitan ito.
"Dre,salamat dahil ibinigay mo si Heaven sa'kin. Huwag kang mag-alala,aalagaan at hindi ko sasaktan ang prinsesa mo habangbuhay. Pangako 'yan "sabi niya sa pungtod.
"Mom , Dad? Bakit niyo po kinakausap ang bato?" ?nosenteng tanong ng batang si Alexinne.
Kumalas mula sa pagyayakapan ang dalawa at kinarga ni Heaven ang anak. "Kasi yung bato, si Tito Uno mo 'yan"
"Paano po siya naging bato? Sinumpa po ba siya ng fairy?"
"A-ahh parang ganun na nga"
"Halika nga ditong bata ka" kinuha ni Hans mula sa pagkakakarga kay Heaven ang anak.
"Sinumpa nga siya ng fairy baby. Nasa Kingdom ni Papa God ngayon si Tito mo." dagdag pa ni Heaven.
Nagliwanag naman ang mukha ng kanyang anak. "Talaga po?! Maganda po ba doon?!" ?anong ng bata na sumubo pa sa paboritong lollipop.
"Oo naman.Kasing ganda ko—sharot. Maganda doon kasi iwas ka na sa problema. Marami ding foods doon at madami pang mga Angels!Makikita mo rin si Papa God."
"Nasaan po ang Fairy?! Magpapasumpa din ako para maging bato! Nakaka-excite naman po pala sa Kingdom ni Papa God." napasimangot naman si Hans sa narinig. Napakamot na lamang sa batok si Heaven tsaka nag peace-sign sa asawa.
"Ikaw talaga Honey, kung anu-ano ang sinasabi mo sa bata. Tignan mo tuloy" panunumbat ni Hans sakanya.
"Sorry naman! Sinasabayan ko lang ang pagiging makitid niyang mag-isip!"
"Baka nakakalimutan mong mana sa'yo toh kaya makitid ang utak? Aist. Di bale na nga lang. Alis na tayo. Gumagabi na" yaya ni Hans.
"Opo Honey my love so sweet ayiee" nag-iwan muna ng munting regalo ang pamilya nila bago nilisan ang lugar.
**********************
Sa kabilang dako...
May isang babaeng naghahanda para sakanyang pagpasok.
"Sweetie, huwag ka ng malungkot. Smile ka na jan oh" pagpapalakas loob ni Natasha sakanyang anak na si Ayesha.
"Mom kasi. Hindi ko natupad yung wish mong maging Top 1 ako sa school. Tignan niyo po,nasa Top 2 na naman ako." mangiyak-iyak niyang sabi.
Matagal na kasi nitong gustong maging Top 1.Maliban sa wish ito ng kanyang Mommy para sakanya ay gusto niya ring mapalitan sa pwesto si Yoon, ang palaging Top 1.
"It's okay sweetie. Ang importante, nasa ranking ka parin! Tsaka hindi naman bumaba grades mo kaya ayos lang 'yan. Huwag mo ng isipin ang wish kong iyon. Ayaw kong makaramdam ka ng pressure. "tugon ng kanyang inay tsaka hinalikan ang anak sa noo nito.
"Ngayon umalis ka na. Baka ma-late ka pa. I love you sweetie"
"I love you too Mommy" hinalikan muna ng dalagita sa pisngi ang kanyang ina bago lumisan.
Pagkadating niya sa paaralan ay wala na siyang sinayang na oras. Malapit na exam nila kaya lahat ng free time ay ginamit niya para makapag-aral. Wala siyang ibang ginawa kung hindi mag-aral dito, mag-aral doon. Hindi siya pinapansin ng kanyang mga kaklase sapagkat alam nilang magagalit ang dalagita kapag inistorbo nila ito.
Hanggang sa dumating ang pinaka-ayaw niyang tao sa balat ng lupa.
Isa sa mga rason kung bakit ayaw niya sa taong ito ay dahil kahit hindi na mag-review o mag-study si Yoon ay nakakakuha parin ito ng mataas na marka. Lalong-lalo na sa exams,palagi siyang perfect.
"Good morning Ayesha. May ipapakita ako sa'yo" nakangiting bati ni Yoon sakanya.
Napakunot ang noo ni Ayesha sa kadahilanang naistorbo ng lalaki ang dalagita sa ginagawa nito.
"Ano ba Yoon. Huwag ka munang mang-istorbo. Kitang nag-aaral ako dito eh"suway niya sa lalaki ngunit hindi man lang ito nakinig.
"Pretty pleaseee. Kahit sampung minuto lang. Promise, hindi na kita iistorbohin pagkatapos." pangungulit sakanya ng binata. Napabuntong hininga si Ayesha at pumayag nalang. Tutal, wala naman siyang magagawa. Alam niyang magpupumilit padin yan kahit tanggihan niya ito ng ilang beses.
"YUN OH! Bilisan mo Ayesha! Baka hindi natin sila maabutan!" agad na tinahak ng dalawa ang lobby at nagtungo sa likod ng eskwelahan kung saan naka-locate ang school garden. Umupo ang dalawa sa ilalim ng isang puno.
"Bakit tayo nandito?" takang tanong ni Ayesha.
"Secret HAHA malalaman mo rin" sabay kindat niya sa dalagita. Nakaramdam naman ng kung ano sa tiyan si Ayesha. Tila bang may paru-parong nagsisiliparan at nagkakagulo ngayon sakanyang tiyan?
"Y-Yoon naman eh. Kung wala lang pala tayong gagawin dito mas mabuting bumalik nalang ako doon kaysa mag-aksaya ng oras. Madami pa akong kailangan gawin sa bahay kaya hindi ako mag-aaksaya ng oras dito sa paaralan para makapag-aral." hindi nakinig si Yoon sa mga paratang nito at nanatili lang na nakatitig sa grupo ng mga bulaklak na nasa harapan nila ngayon.
"Woi? Nakikinig ka ba?" kunot-noo niyang tanong. Di parin sumagot ang binata kaya mas lalo itong nainis. Akmang maglalakad siya paalis ng narinig niya si Yoon na nagbibilang.
"3...2..." nagtatakang sinulyapan niya si Yoon na ngayon ay nakatingin sakanyang wrist watch."1" napatuon ulit ang atensyon nito sa mga bulaklak kaya hindi maiwasan ni Ayesha na mapalingon rin dito.
Halos malaglag ang panga ni Ayesha dahil sakanyang nasaksihan. Sobrang natutuwa sakanyang mga nakikita. Andaming ibat-ibang kulay ng paru-paro ang nagsisiliparin papalayo sa mga bulaklak. Para sa dalagita,nakakabighani ang mga ito.
"A-ang ganda"
"Ayesha. Diba paborito mo ang mga paru-paro?" di sumagot ang dalagita at nakatuon lang ang atensyon sa mga paru-paro.
"Madalas kasi akong stumambay dito kaya nasaulo ko kung anong oras sila umaalis ng sabay. Isinama kita dito ngayon kasi nais kong makita mo ang mga 'to." napalingon ang binata sa dalaga at ganoon rin ang dalaga sa binata. Nagtama ang kanilang mga paningin. Nagkatitigan muna ang dalawa bago niyakap ni Ayesha si Yoon na ngayon ay nagulat sa pagbiglang pagyakap nito.
Pagkatapos ng masayang pangyayari na iyon ay sabay na bumalik ang dalawa sakanilang silid.
Kinabukasan ay nag-umpisa na silang mag-take ng exams. Medyo nahirapan si Ayesha sa Math dahil muntikan niyang makalimutan ang formulas nito. Sa kabilang banda,walang kahirap-hirap na sinagutan ni Yoon ang kanyang test paper. Ano pa ba ang maasahan niyo sa isang genius?
Makalipas ang ilang oras at uwian na. ?ago sila umalis sa classroom ay may sinabi muna ang kanilang guro.
"Alam niyo naman na kung sino ang makakakuha ng pinaka-mataas na marka sa asignatura ko ay siyang ipapambato ko para sa nalalapit na Quiz Bowl hindi na?"
"Yes Sir" sagot ng kanyang mga estudyante.
"Dalawa lang ang pwedeng maging representative sa contest. Good luck nalang para sa dalawang estudyanteng matatawag ko"biglang kinabahan si Ayesha. Alam naman niyang Top 2 siya at posible siyang mapili. Kaso hindi niya maiwasan ang katotohanang maaari siyang malampasan ng iba niyang kaklase.
"Congratulations...Yoon Shii Dela-cruz and Ayesha Kim! Kayo ang ating magiging representative sa nalalapit na contest sa Lunes. At dahil jan, makakatanggap kayo ng 50 points as a participation sa lahat ng hinahandle kong subjects "nabunutan naman ng tinik si Ayesha.
Masayang ibinalita niya ito sakanyang ina. Proud na proud naman si Natasha sakanyang anak.
Sabado
Yoon Shii Supot is calling...
Kaagad na kinuha ng dalaga ang kanyang phone at sinagot ito.
Ayesha: Hello? Bakit ka napatawag?
Yoon: Gusto ko sanang yayain kang lumabas. Kung ayos lang sayo?
Ayesha: Naku Sorry. Nag-aaral pa kasi ako para sa contest sa Lunes.
Yoon:G-ganun ba? Sorry sa abala. Sige bye na. Take your time.
Ayesha :Sorry din. Sa susunod nalang ah?
Yoon: Okay
Di na nakasagot ang dalaga sapagkat agad na pinatay ni Yoon ang linya.
Linggo
Yoon Shii Supot is calling...
Ayesha: Hello? Ano na naman?
Yoon: Pwede ka na ba ngayon?
Ayesha: Hindi parin eh. Haist. Sa susunod nalang kasi. Bukas na ang quiz bowl oh. Mas mabuting mag-aral ka nalan din para makapaghanda tayo.
Yoon: S-sige
At pinatay niya ulit ang linya.
Lunes
Ang araw ng Quiz Bee..
Excited na excited na ang ating bida para sa contest ngunit at the same time ay kinakabahan rin.
"S-sa tingin mo, kaya natin 'to?" tanong ni Ayesha kay Yoon na nanatili lang na kalmado.
"Syempre! Tayo pa ba? We can do this. Just have faith." at hinawakan ni Yoon ang kanyang kamay tsaka pinisil-pisil ito. Mas bumilis ang t***k ng puso ng dalagita. Hindi dahil sa kinakabahan ito kung hindi dahil sa nararamdamang kilig. Hindi niya sukat akalain na ang taong kinaiinisan niya noon ay siyang nagbibigay ng lakas ng loob niya ngayon.
"Oo nga. Kaya natin 'to" nakangiti niyang tugon.
Di nagtagal ay pinapasok na lahat ng representatives sa iba't-ibang sa school sa isang malinis at malawak na silid. Napasulyap si Ayesha sa mga katunggali nito at halatang matatalino silang lahat. Nakakadagdag ng kaba yung mga estudyanteng naka eyeglasses. Para kasi silang genius tignan.
Umupo ang dalawa sa pinakaharap na seat. Pagkatapos i-explain ng guro ang mechanics at rules ay agad silang nag-umpisa.
Sa easy round ay nakuha nila ang pinakamataas na puntos. Kinapos ng kaunti ang dalawa pagdating sa average. Ngunit ayos lang. Pangalawa naman sila sa may pinakamataas na puntos. Hindi sila nawalan ng pag-asa at mas bumawi pa sa panghuling round.
"This will be the last question. We can do this Yoon!" pampalakas loob ni Ayesha sa kasama. Hindi umimik si Yoon at napangiti lang. Halatang pilit ang ngiting iyon at tila kinakabahan ang lalaki sa di malamang dahilan.
Teacher: What is the atomic symbol for the elements Iodine, Lithium, Potassium, Europium and Uranium?
"Aysus easy lang yan Yoon. Capital I for Iodine, Li for Lithium, K for potassium, E for Europium and U for Uranium." bulong ng dalagita kay Yoon. Nakatuon ang atensyon ni Ayesha sa score board habang si Yoon ay abala sa pagsusulat. Hindi alam ni Ayesha na hindi pala yun ang isinulat ng kasama.
"Time is up! Raise your tag boards everyone." at sumunod naman ang lahat.
"All of you...got the wrong answer" nagtaka naman ang dalaga sa sinabi nito.
"What? Bakit po?!" pag-angal niya. Sigurado kasi siyang tama ang isinagot nila ng kanyang kapartner.
"Halika dito sa harapan at tignan mo ang mga sagot ninyo." sumunod si Ayesha at nagtungo nga sa harap.
Binasa ng dalagita ang sagot ng lahat,kabilang na doon ang sagot nila ni Yoon.
Ang isang grupo ay "C A N" ang sagot nito. Ang grupo na nasa gitna ay "I" lang habang yung sa kanan ay "C O U R T". At ang panghuli,"Y O U?" na sagot ni Yoon.
Hindi nakaimik si Ayesha.Magkahalong emosyon ang kanyang naramdaman dahil dito.Pagkatayo ni Yoon ay nabaling sakanya ang atensyon ng lahat.
"Ayesha, alam kong naiinis ka sa'kin noon pa. Hindi man ako sigurado sa dahilan ngunit alam kong dahil iyon sa hindi mo ako matalo-alo sa academics. Ikaw, naghihirap ka at nagseseryoso talaga sa pag-aaral para lamang mapalitan ako sa pwesto. Habang ako, kahit matulog lang ako buong magdamag ay nakakakuha parin ako ng malaking puntos. Kaya siguro galit ka sa'kin kasi ikaw, ginawa mo na ang lahat ngunit hindi mo parin maabot ang goal mo dahil sa'kin. Tila naging competitor mo ako ng hindi ko alam.
Pero Ayesha, nais ko sanang malaman mo na kahit ganoon ang tingin mo sa'kin, gusto parin kita. Kagaya nga ng sinabi mong panghuling sagot, "I" for Iodine, "Li" for Lithium, "K" for Potassium, "E" for Europium and "U" for Uranium .Kung idudugtong mo lahat ng atomic symbols na 'yan lalabas ang salitang I Like U.Ayesha,I really really like you—ay mali. Hindi lang yata kita gusto. Mahal na yata kita. Kasi bawat araw na palagi kong natitigan ang iyong mga mata. Na palagi kong naririnig ang mala-anghel mong boses. Mas lalo akong nahuhulog. Weird man kung sabihin ngunit nahuhulog ako sa'yo kahit wala ka namang ginagawa hahaha.
First time kong mag confess kaya pasensya na sa mga sinasabi ko hehe. Pero kagaya ng sagot nila..sagot namin.Can I court you? Pwede mo namang ireject mo ako eh. Basta ang importante alam mo yung nararamdaman ko para sa'yo." mahabang lintaya ng binata sa dalaga. Napakamot pa ito sa kanyang batok dahil sa naramdamang kahihiyan.
Akala ng binata ay irereject nga siya ni Ayesha. Ngunit hindi niya sukat akalain na yayakapin siya nito at ang mas nakakagulat pa ay ang sagot ng dalagita sakanya.
"Baliw ka ba? Syempre oo. Tanga lang ang tatanggi sa'yo"
Nagliwanag ang kaninang kinakabahang mukha ni Yoon. Sumilay sakanyang labi ang isang matamis na ngiti at tumugon sa yakap ng dalagita.
"YESSSS !MARAMING SALAMAT SAINYONG LAHAT! LALONG-LALO NA SA'YO TEACHER!ILABYU MWAH!" sabay flying kiss niya sa guro na ikinatawa naman nito.
Kumalas na sila sa yakap. Tinukso-tukso pa sila ng ibang mga estudyante sa room na iyon. Napangiti na lamang si Ayesha at napailing.
Sa huli,nag-uwing panalo ang school nila. Nakatanggap ang dalawa ng tag-iisang tropiya at medalya. Proud na proud namang nanonood sa harap ng stage ang nanay ni Ayesha na si Natasha. Masaya rin at proud ang kanilang principal dahil napanalo na naman ulit ng dalawa ang kanilang school.
Para kay Yoon, walang makakatumbas sa saya na kanyang nadama nung pumayag si Ayesha na magpaligaw sakanya. At ganoon rin naman si Ayesha. First time kasi na may pinayagan ang dalagita na may manligaw sakanya.