ONE SHOT #1
BOYFRIEND
3rd Person's POV
(Sa bahay ni Natasha.)
"Sigurado ka ba sa desisyon mo Heaven?Makikipaghiwalay ka na talaga sakanya?" bakas sa tono ng pananalita ni Natasha ang panghihinayang.
Kahit kasi kung anu-anong rason ang sinasabi sakanya ng kaibigan ay may parte sa puso niya na labag sakanyang loob. Si Natasha kasi ang nagsisilbing living story book nila Heaven at Uno. Simula highschool pa ang dalawa, siya ang kauna-unahang nakasaksi ng kanilang pag-iibigan.
"Aba! Oo naman! Kita mo naman diba? Amboring niyang kasama! Hindi siya masyadong umiimik. Tsaka manghingi ka lang sakanya ng favor na maglakad-lakad lang sa park eh ayaw niya?! Sabihin mo nga sa'kin. Ganoon ba dapat ang gagawin niya bilang boyfriend ko?!Aghhh! Bakit ko pa kasi siya sinagot?! Walang-wala siya sa ideal guy ko." nag-uusok sa galit ang tenga ni Heaven. Napapahawak pa siya ng kanyang sintindo na akala mo'y isang napakalaking suliranin ang pakikipag-relasyon niya kay Unø.
"Bakit mo nga ba siya sinagot noon kung hindi mo pala type?" nalilitong tanong ng kaibigan ni Heaven sakanya.
"Ma-effort kasi noon. NOON lang. Ewan ko ba kung bakit siya ganyan ngayon eh dati-rati game na game siya sa lahat ng paandar ko" ang kaninang palakad-lakad na si Heaven ay nakapagdesisyon ng umupo. Mukhang nahilo yata siya sa ginagawa niya. At ganoon rin naman ang kanyang kaibigan.
"Baka naman nagsasawa na sa'yo. Alam mo naman ang mga lalaki sa panahon ngayon. Ma-effort lang sa umpisa ngunit kapag nagsawa na iiwan ka nalang bigla. Di bale, kung ano ang magiging desisyon mo, susupportahan kita. Kaibigan kita" sabi ni Natasha.
Kahit labag sakanyang kalooban ang mga sinabi nito ay ginawa niya parin para lamang maramdaman ni Heaven na hindi siya nag-iisa at may karamay siya.
"Salamat bes" sabay yakap niya sa kaibigan. Walang pagdadalawang isip na tumugon naman sa yakap si Natasha.
Nang kumalas na ang dalawa sa yakapan ay agad nagtungo si Heaven sa pwesto kung saan niya inilagay ang kanyang bag. Mula doon ay kinuha niya ang kanyang cellphone at nag-iwan ng message kay Uno.
To:0939*******
I'm sorry to say this Uno.Pero sa tingin ko hindi na magwo-work ang lahat.Mas mabuting maghiwalay nalang tayo.
message sent
Di nag tagal ay napagdesisyonan ng dalagita na umuwi na sakanila. Tutuloy na sana siya ng mapatigil ito sakanyang nakita. Nadatnan niya ang kanyang mga magulang na may kausap,si Uno. Nang mapansin ng lahat na dumating na si Heaven ay tumigil sila. Nagtaka naman ang dalaga sa inakto ng mga ito at kung bakit nandoon si Uno.
"Anong nangyayari? At teka,anong ginagawa mo dito ha?" sabay turo niya sa lalaking kinasusuklaman niya.
"A-ahh W-wifey" nauutal na sabi ni Uno ngunit pinigilan siya ng dalagita.
"Huwag mo akong tawaging Wifey. Wala na tayo diba?" aniya. Napayuko si Uno dahil sa kahihiyan at napatingin nalang sa sahig.
"Ako ang nagpapunta sakanya dito anak. May nais lang akong sabihin sakanya" pagsingit ng kanyang ina.
Napasabunot si Heaven sa sarili at tinignan ng malumanay ang kanyang ina sakanyang mga mata. "Ma naman. Diba tinext na kita na wala na kami? Bakit mo naman ginawa 'to? Alam mo namang ayaw ko na siyang makita!"
Naramdaman ng kanyang ama ang tensyon sa pagitan nilang tatlo kaya hindi niya naiwasang sumingit sa usapan. "Importante lang anak. Tsaka pwede na siyang makaalis dito. Tapos narin kaming mag-usap."
Nagmano muna si Uno sa mga magulang ni Heaven bago umalis.
"Paalam iho. Mag-iingat ka" pagpaalam ng kanyang ama sa lalaki.
Pagkaalis ni Uno sakanilang pamamahay ay nakaramdam ng pagkirot sakanyang dibdib si Heaven. Naalala niyang may sakit pala siya sa puso at kailangan na niyang magpa-opera kaso wala pa silang nahahanap na donor.
Hindi naman nagtagal ang pagkirot na iyon kaya nagpatuloy na siya sakanyang kwarto.
Day 1
From:0939*******
Good morning Wifey! :) Gising ka na ba?Kumain ka ng breakfast at huwag na huwag kang magpapalipas ng gutom ah?
-Gwapo mong Hubby(Uno)
To:0939*******
Ano ba Uno?!Tigilan mo na ako.Huwag mo na akong itext.Diba break na tayo?
sent
From:0939*******
Kahit break na tayo ay hindi parin kita titigilan. Mahal na mahal kasi kita Heaven kaya wala ka ng magagawa. Gustuhin ko mang sumunod sa utos mo kasi ayaw naman makinig ng puso ko. At gusto ko lang malaman mo ang mga 'to. Hindi mo na kailangan mag-reak pa.
To:0939*******
Tsk! Bahala ka jan! Tigas ng ulo. Gawin mo kung ano ang gusto mo!Wala akong pakealam.
Day 2
From:0939*******
Rise and Shine wifey! Kain ka po ah? Lavyuu!-Gwapo mong Hubby(Uno)
Day 3
From: 0939*******
Wifey mag reply ka naman oh! Kahit isang hi lang o hindi sungitan mo ako!
From:0939*******
Wala ka na bang load? Loadan kita ah? wait..
From:1010
100P balance was credited to your...
"Ang kulit nito! " Ani Heaven sakanyang isipan.
Makalipas ang ilang araw na hindi niya binubuksan ang kayang cellphone. At ilang araw na din na hindi nagpapakita at nagpaparamdam si Uno sakanya. Inisip niyang baka gumana ang ideya niya na i-shutdown ang kanyang phone para hindi na siya ma-contact ng lalaki.
Ilang araw narin ang nakalipas at tuluyan ng nanghina si Heaven. Di alam ng kanyang mga magulang ang gagawin sapagkat hindi pa sila nakakahanap ng donor. Kailangan na kailangan na nila iyon sapagkat malapit na ang due date ng kanyang anak.
Hanggang sa may nag-text sakanyang mga magulang. Di alam ng kanyang inay kung matutuwa ba siya o malulungkot sa kadahilanang may nag-donate ng kanyang puso para lamang mailigtas ang kanyang anak.
Sa huli ay napagdesisyonan ng kanyang mga magulang na tanggapin ang donation. Kahit nag-a-alala sila sa kapakanan ng nag-donate ay tinanggap parin nila ito. Mas mahalaga parin sakanila ang buhay ng kanilang anak kaysa sa buhay ng ibang tao.
Ilang linggo ng naka-confine sa ospital si Heaven at ang layo-layo na nito sa dati nitong itsura. Amputla putla na ng kanyang mga labi at ang payat payat na nito.
Di nagtagal ay numpisahan rin ang operasyon sakanyang puso. Matagumpay naman ang naisagawang operasyon at unti-unti ng nakakabangon si Heaven.
Makalipas ang ilang taon...
"Mommy mommy!" pagtawag ng isang batang nagngangalang Alexinne sakanyang ina.
"Ano 'yun Baby?"
"May nakita po akong cellphone sa kwarto mo! Akin nalang po ah? I want to take a selfie po eh!" ang mataba nitong pisngi ang nakapadagdag ng kakyutan nitong batang babae.
Anim na taong gulang na itong anak ni Heaven na si Alexinne. Kasalukuyang nasa ibang bansa ang ama nitong si Hansmhire para magtrabaho. Ngunit babalik din naman ang lalaki para magpatayo ng business sa Pilipinas.
Nang banggitin ng kanyang anak ang cellphone na nahanap ay sumagi sakanyang isipan ang itinapon at itinagong cellphone niya noon. Simula nung araw na pag-shutdown niya sa bagay na iyon ay hindi na niya muli itong binuksan.
"Let Mommy check it first, is it okay for you baby?" magiliw na tumango naman ang batang babae at inilahad sakanyang ina ang hawak-hawak na phone.
Pinindot ni Heaven ang power on/off button nito. Pagkatapos ay halos isang daang missed calls at 246 na unopened messages ang sumalubong sakanya.
Sa dinami-dami ng missed calls at texts, walang Ibang numero ang kanyang nakita kung hindi kay Uno lamang.
Inisa-isa niyang buksan ang mga messages. At habang dinadaanan ng kanyang mga mata ang bawat mga letra na nakalakip sa text ay dahan-dahang nag-uunahan sa pagbagsak ang kanyang mga luha. Napatakip siya sakanyang bibig,pinipigilan ang kanyang paghikbi.
At habang pinagpapatuloy niya ang kanyang ginagawa ay may isang mensahe ang mas lalong nagpakirot ng kanyang puso.
From:0939*******
Wifey..unang-una sa lahat gusto kong humingi ng tawad sa'yo. Sorry sa lahat ng pagkukulang ko. Sorry dahil hindi ko naibibigay lahat ng gusto mo. Sorry dahil tinatanggihan kita sa mga araw na gusto mo akong makasama. Sorry dahil hindi ko naabot ang ekspektasyon mo. Na hindi ako naging ideal boyfriend mo.
Pero alam mo ba? Nung araw na niyaya mo akong maglakad lakad sa parke, diba tinanggihan kita noon?May isang lihim kasi ako na hindi ko magawang sabihin sa iyo.
Umayaw ako kasi hinahanda ko pa ang surprise ko para sa'yo n'on. Tsaka yun din ang dahilan kung bakit hindi na ako masyadong nagpapakita at mukhang wala na akong oras sa iyo. Isang buwan ang inabot ko para lamang masagawa ang pinaplanong surpresa para sa'yo. Sinadya kong agahan ang paghahanda para sa nalalapit sana na anniversary natin eh. Sorry kung hindi ko sinabi kaagad. Baka kasi masira pa ang plano ko at hindi ka pa masurprise. Kung anu-anong mga raket pa naman ang pinasukan ko makapag-ipon lang ng pang regalo.
Kapag nabasa mo ito,pumunta ka kaagad sa bahay ko ah? Tignan mo yung kwarto ko. Binilin ko kina nanay na huwag na huwag gagalawin ang kwarto ko hangga't hindi mo pa iyon nakikita.
Tsaka naalala mo yung araw na naabutan mo akong kausap ang iyong mga magulang? Sinabi nila sa'kin ang sekreto ninyo. Hindi mo naman sinabi sa'kin na may sakit ka pala sa puso!Nakakainis ka naman eh. Boyfriend mo ako pero pinaglilihiman mo ako. Pero di bale na nga at least magiging maayos ka na. Naisipan ko kasing i-donate ang puso ko. Masakit man para sa'kin na hindi na kita makakapiling ulit ngunit okay lang. Masusubaybayan naman kita mula sa langit. Makikita ko parin ang mga ngiti mo na siyang dahilan kung bakit nahulog ako sa'yo. Ako ang gagabay sa'yo Wifey :) I will be your guardian angel.
Pag nabasa mo siguro ito, wala na ako. Hahaha. Diba may nagawa rin akong tama para sa'yo?
Lagi mong tatandaan at huwag na huwag mong kakalimutan na mahal na mahal kita. Ikaw lang talaga ang pinakamamahal kong babae dito sa mundo(maliban sa nanay ko syempre!Hahah) lavyu mwah! -Gwapo mong Hubby(Uno)
Pagkatapos niyang mabasa ang panghuling mensahe na iyon ay hindi na niya napigilan ang kanyang paghikbi. Napakasakit sakanyang tanggapin na wala na ang lalaking binabalewala niya ngunit mahal na mahal pala siya.
"Antanga ko! Bakit hindi ko iyon pinansin! Bakit naging makasarili ako?! Ang bobo ko!Ang sama sama ko!!"pinapalo niya ang kanyang dibdib sa sakit. Parang ang sobra nito para matanggap niya.
Paulit-ulit niyang sinasabi ang mga katagang iyon. Labis ang kanyang pagsisisi sakanyang ginawa. Hinihiling niya kung pwede lang sana niyang maibalik ang nakaraan, gagawin niya ang lahat maibalik lang ang dati.
"Mommy why are you crying?" pinunasan ng batang Alexinne ang mga luha ng kanyang ina na walang tigil sa pagdausdos patungo sakanyang mga pisngi.
"I-it's nothing baby.Don't mind Mommy.Yung palabas kasi na Titanic eh,pinaiyak ako." pagsisinungaling niya sa bata.
Napa-pout naman sakanya ang kanyang anak." Can I watch it too Mommy?"
Umiling si Heaven" No you can't. Hindi pwede sa'yo yun eh."
"Okay po!" hinalikan ng bata ang kanyang ina sa kaliwang pisngi nito. Napangiti naman si Heaven.
Bumaba mula sa pagkaka-kandong si Alexinne sakanya. Pagkaalis ng bata ay nilapitan si Heaven ng kanyang ina.
"N-nay bakit hindi niyo sinabi sa'kin?" sa tuwing sinusubukan niyang magsalita ay mas lalong lumalakas ang kanyang pag-iyak.
Hinagod-hagod ng kanyang ina ang likod ni Heaven. "I'm so sorry anak. Nag insists siyang mag-donate eh. Wala akong magawa at hindi ko siya matanggihan."
Napasabunot nalang si Heaven sa sarili at nagpatuloy sa paghagulgol.
Hindi nakapagpigil ang kanyang ama at nilapitan narin ang anak." May ipapakita kami sa'yo anak"
Makalipas ang isang oras ay nakarating na sila sakanilang patutunguhan. Bumaba na silang lahat sa kotse at tinitigan ang bahay na nasa harapan nila ngayon. Medyo may kalumaan na ang bahay at halatang hindi na ito naa-alagaan.
"Good afternoon po, sino po sila?" may lumapit na matandang babae sakanila. Mukhang magkasing-edad ang ale sa nanay ni Heaven.
"Enriquez po" tugon ni Heaven.
Napatakip sakanyang bibig ang matanda." I-ikaw ba si Heaven..Heaven Enriquez?"
"Opo. Ako nga po. K-kilala niyo po ako?"
"Ikaw ang nag-iisang babaeng minahal ng anak ko! Anak ko si Uno..Uno Alas" napaawang ang bibig ni Heaven.
Hindi siya makapaniwala na kaharap niya ang babaeng nagluwal kay Uno.
Kahit kailan hindi pa niya namemeet ang nanay nito. Tinatanggihan niya kasi ang pagkakataong ipapakilala sana siya ni Uno sakanyang nanay.
Unti-unting lumalabo ang kanyang mga mata dahil sa namumuong mga luha. Pinakalma niya muna ang sarili bago nagsalita muli.
"Pwede po kaming pumasok?" tumango naman ang matanda at iginaya si Heaven papasok. Nagpaiwan ang kanyang mga magulang sa labas kaya hinayaan nalang niya ito.
"Matagal na kitang hinihintay iha. Akala ko nga hindi ka na makakapunta dito eh. Buti nalang dumating ka" nakangiting ani ng matanda.
Nagtaka naman si Heaven sa sinabi nito." B-Bakit po?"
"Sabi kasi ng anak ko,hindi namin gagalawin ang kanyang kwarto hangga't hindi ka pa nakakapasok doon. Kahit nga linisin namin ay ayaw niya"
Naalala ni Heaven ang text sakanya ni Uno. Tungkol ito sa surpresa na naihanda ni Uno para sana sakanilang anniversary.
"Halika dito iha" binuksan ni Manang ang isang pintuan na halatang lumang-luma na. Nahirapan pang ibukas ito ng matanda dahil sa kalawang.
Naglakad patungo sa kwarto si Heaven at agad na inilibot ang kanyang tingin sa paligid. Hindi pa nga siya tuluyang nakakapasok ay nanghina na ang kanyang mga tuhod. Nag-uunahan ulit sa pagtulo ang kanyang mga luha na tila wala itong katapusan.
Punong-puno ang kwarto ng pulang lobo. Dahil nga sa tagal itong nandoon ay may-ibang pumutok na at may ibang lumiit dahil naubusan na ng hangin. Napalingon siya sa dingding na may nakapaskil na malaking tarpaulin.
Nandoon ang mukha nilang dalawa at isang malaking letra ng HAPPY ANNIVERSARY!.
Dahil doon, mas napahagulgol siya. Sa buong dekorasyon ng kwarto ay may isang kahon na nakapukaw sakanyang atensyon. Halatang hindi pa ito nagagalaw kasi hindi pa nasira ang disenyo nito. Ngunit maalikabok nga lang.
Binuksan niya ang kahon na may kalakihan at bumungad sakanya ang isang stuff toy na aso. May kasama itong mga rosas na maganda na sana kaso nalanta lang lahat .Hanggang sa nasagip ng kanyang mga mata ang isang bagay na pamilyar sakanya.
Isang kwentas na may pendant na puso.
"I-ito yung kwintas na matagal ko ng bilhin." gumaralgal ang kanyang boses habang nagsasalita.
"P-papaanong?..ang mahal nito alam niyo yun?!B-bakit.." hindi niya naituloy ang kanyang sasabihin dahil sa matinding bugso ng kanyang damdamin.
Niyakap niya ang kwentas sabay sabing...
"Mahal din kita Uno. Hindi kita makakalimutan. H-habangbuhay kang mananatili sa aking puso."