
"Hindi man ako ipinanganak na mayaman. Wala man akong mga magulang pero pinapangako ko sayo lola, magsisikap ako! aabutin ko ang aking pangarap anuman ang mangyayari. Walang sinuman ang makakahadlang sa pag-abot ng mga pangarap ko.
-Selena Madrigal.
Siya si Selena, pursigido sa buhay. Matapang, Maprinsipyo at di patitinag kahit anu pa mang pagsubok ang darating sa buhay. Gusto niyang maging ganap na nars kahit ano pang mangyari, kahit pa wala na siyang magulang, ayaw niyang titigil sa pag-abot ng kanyang pangarap. Kahit katumbas pa nito ay ang kabiguan ng kanyang buhay sa larangan ng pag-ibig.
