Isinuot niya ang hood ng jacket. Hindi alam ni Mikayla kung bakit siya ngayon lumabas ng kwarto at naglakad palapit sa malaking bahay na iyon ng Club.
Dalawang linggo na siyang naghihintay sa wala. Gusto na niyang kumilos mag-isa.
At ngayon, sa isiping baka posible ay naririto siya. Sa harap ng napaka-gandang bahay.
Maingat siyang sumilip sa bintana. Madilim kaya kahit may tao sa mga lodging house na nakapalibot sa bahay ay imposibleng mapansin siya dahil sa suot niyang itim lahat.
Nagmukha siyang Ninja sa suot niya.
Sisilip lang naman siya. Sabi ni Sheinna walang tao doon kaya sasamantalahin niya ang pagkakataon.
Napangiti siya nang mabuksan niya ang sliding window ng bahay. Nakalimutan yatang isara iyon kaya walang kahirap-hirap niyang nabuksan. Ang planong silip lang ay hindi natupad. Maingat siyang sumampa at pumasok sa bintana.
Pumasok siya sa malaking bahay nang may-ari ng Club. Kaunting pagkakamali niya lang, baka sa kulungan ulit ang bagsak niya.
Parang sinisilaban ang pakiramdam ni Mikayla habang nakatayo sa bahagi ng malawak na lawn.
What the heck is this?
Inihanda na niya ang sarili sa kaenggrandehan ng mga makikita sa loob ng bahay simula nang unang araw niya sa Club. But this was way too grand.
Hindi iyon mukhang bahay. Mukha iyong Cathedral. Handa nang humakbang palapit nang mataas na hagdan si Mikayla subalit napahinto siya nang marinig ang pag-click ng switch ng ilaw.
Biglang lumiwanag ang malawak na lawn.
Huli na para itago niya ang sarili.
"Who the hell are you?" matigas na tanong ng isang lalaking nagmumula sa ikalawang palapag ng bahay.
Narinig ni Mikayla ang palapit na palapit na yabag ng suot nitong sapatos pababa sa hagdanan. Wala na. Hindi na siya makakaligtas.
Think Mikayla! Just think.
Pero paano siya makakaisip ng magandang palusot kung sa suot niya palang mukha na siyang magnanakaw?
"Look at me!" mariin na utos nang isang lalaki bago tuluyang makalapit sa kaniya.
Hood at salamin sa mata lang ang tumatakip sa mukha niya. Maliban doon ay wala na.
"How brave you are para pasukin ang bahay ko?"
Allen?
Wala na siyang nagawa kundi ibaba ang hood ng jacket at alisin ang salamin sa mata.
"Bakit ka naririto?" naiinis niyang tanong at galit na humarap dito.
She looked really surprised.
This man. Siya ba yon?
Saglit lang ang pagkagulat sa mukha nito dahil nang kumurap siya ay nakatiim-bagang na ang lalaki at hawak na siya nito sa pulsuhan.
"Let go of my hand! Will you?"
"At bakit ko naman gagawin iyon? Trespassing ka sa bahay ko and I can do whatever I want!"
Shit! How can I prayed to see this man again? Pero bakit naman ngayon pa?
"Bitiwan mo ang kamay ko at sasabihin ko sayo kung bakit ako naririto."
Tila naman naniwala ito sa sinabi niya dahil kaagad siya nitong binitiwan. Napahugot siya ng isang malalim na hininga bago humarap sa lalaking naghihintay ng sasabihin niya.
"Tell me! Naghihintay ako." anito sa nayayamot na tinig. Nakatayo parin sila sa malawak na lawn.
Hindi siya makapag-isip. Wala siyang kapani-paniwalang rason kung bakit siya naroroon sa bahay nito. Kung bakit siya mukhang magnanakaw sa ayos niya.
"Kasi may hinahanap ako." tanga na siguro ang maniniwala sa alibi niya pero totoo naman na may hinahanap siya.
Tumaas ang kilay ng kaharap.
"I swear! May hinahanap talaga ako!" ulit niya kahit wala sa mukha nito ang maniwala sa sinabi niya. "Tinatanong mo ko ngayong sinagot kita ayaw mong maniwala?"
"May hinahanap ka? Sa bahay ko? Mukha ba akong tanga na ipinanganak kahapon?"
Hindi nagsalita si Mikayla.
Kahit saang anggulo hindi siya kapani-paniwala. Bakit pa siya mag-aaksaya na magpaliwanag dito?
"Teka.. bakit ka nandito? Sabi nila wala ka rito ah!"
Lalong nangunot ang noo ng lalaki.
"I'm looking for someone!" mabilis na wika niya bago pa ito magalit at itapon siya sa rehas.
"At bakit mo naman naisipan na hanapin ang taong iyon sa loob ng pamamahay ko?"
"Instinct. You know her. At huwag mong itatanggi dahil hindi ako maniniwala sayo."
"Who's that someone?"
"Bakit ko sasabihin sayo?"
"Paano ko malalaman kung totoo ang sinasabi mo kung hindi mo sasabihin sakin?"
Napailing si Mikayla sa katusuhan ng lalaki.
"Celine. Celine Benitez."
"Celine? At bakit mo siya hinahanap?"
Tama nga si Mikayla. May ugnayan ito at si Celine. Hindi rin totoo na wala ito sa Club. Tinatago nito si Celine at doon siya sigurado.
"Where is she?"
"Hindi kita kilala Miss. Bakit ko sasabihin kung nasaan si Celine ngayong tingin mo palang ay mukhang mapapahamak na si Celine sayo?"
"So, tinatago mo nga siya?"
Napaatras ng bahagya si Mikayla nang ilapit nito ang mukha sa kaniya. "And what If I did?"
Mahigpit niyang ikinuyom ang mga palad. Tama nga ang kasabihan na huwag pabubuyo sa mga taong mukhang anghel. Bakit ba siya nag-aaksaya ng oras na makipag-usap sa lalaking mukha lang anghel pero demonyo naman ang kaloob-looban?
Nakakatuwa lang!
"Okay. You are free to send me in jail. Huwag mo lang idadamay ang mga taong nagdala sakin dito."
"May ninakaw ka ba?"
"Hindi ako magnanakaw!" mabilis niyang tanggi.
"Then bakit kita ipapakulong?"
Ano ang gustong palabasin ng lalaking ito?
"Pinasok ko ang bahay mo! You said it was trespassing!"
"Yeah. That's right. I understand why did you do that! At hindi kita ipapakulong. One thing that I want you to do is, stop searching Celine. Wala siya rito sa Club."
"Bakit mo ako pinipigilan?"
"Because Celine was special. Ayokong mapahamak siya sayo!"
"May kasalanan siyang ginawa sakin!"
"Pero may kasalanan ka rin! You steal her man! Don't you?"
"Sabi mo kanina, you don't know me! Bakit ngayon parang kilalang-kilala mo ako kung magsalita ka? Oh.. maybe that brat told you about me? At syempre, naniwala ka sa sinabi ng babae na yon!"
"I saw you before! Magkaiba iyon! At wala akong balak alamin kung sino ka Miss Mikayla Dominguez!"
She turned to face him. Bakit parang may kirot siyang naramdaman nang sabihin nito iyon?
"Leave." sabay turo ng lalaki sa nakapinid na pinto. "Kung ayaw mong madamay ang kaibigan mo umalis ka nang tahimik! Don't come here again! And don't let me see your face again! Wala akong pakialam kung umalis ka man sa club o hindi, but make it sure na hindi na mag-ku-krus ang landas natin! At kapag may nangyaring masama kay Celine, mananagot ka sakin!"
She stepped closer to him.
He gasped. Nakita niya ang paglunok nito. "What are you -- "
"Look, kung anuman ang kasalanan ni Celine sakin labas ka roon! Kung tinatago mo siya, wala akong pakialam! Wala kang alam sa nangyayari kaya huwag mo akong didiktahan sa dapat kong gawin sa kaniya! Salamat dahil hindi mo idadamay ang kaibigan ko! But no thanks for not sending me in jail. Sanay ako sa loob ng rehas, malaya ako roon. And excuse me, you're oozing with confidence! Wala akong panahon sayo kaya bakit ko gugustuhin na makita ka pa? Kapag may nangyaring masama kay Celine, welcome kang mangialam. Hindi ako natatakot sa mga katulad mo!" Ngumiti siya ng pilit sa lalaki at inilibot ang paningin sa paligid. "Too bad. Humahanga pa naman ako sa lugar na ito, pero maling tao pala ang nakatira rito. Masiyadong maganda ang Bahay para sa mga katulad niyo!"
Alam ni Mikayla na kung magtatagal pa siya roon ay makakahalata na ang lalaki na nagtatapang-tapangan lamang siya.
Kaagad na sinuot niyang muli sa harap nito ang hood ng jacket at salamin niya sa mata.
"And for your information, hindi ako aalis ng Club dahil on vacation ako. Kaya kung magkita man tayong muli, huwag mo akong titingnan. Act as if nothing happened! I will do the same."
For a second time, muli niyang tinakbuhan ang lalaki.
Nasapo ni Mikayla ang kaniyang ulo pagmulat ng kaniyang mga mata. Umupo siya sa kama at sumandal sa headboard. Iniyakap niya ang mga binti at ipinatong roon ang kaniyang ulo.
Hindi katulad nang nagdaang mga araw, hindi maganda ang kaniyang gising nang araw na iyon. Mabigat ang kaniyang pakiramdam. At tila sasakit ang ulo ni Mikayla. Dahil iyon sa tagpo kagabi na hindi niya masabi kung pangit o maganda.
Sino ang mag-aakala na makakaharap niya ang lalaking unang nambulahaw sa puso niya? Sa unang hinangaan na kabaro ni Adan noong mangyari ang insedente sa kalsada. Ang lalaking tinakasan niya dahil sa hiya?
Bumangon siya. Tumingin sa malaking bahay na kagabi lang ay buong tapang niyang pinasok.
She's crazy!
Naroon siya sa Baguio dahil kay Celine. At naroon din ang lalaki dahil kay Celine. Talaga bang malaki na ang kasalanan niya kaya lahat nalang ay kaaway niya?
He's the owner of the Club! Salita nito ang batas roon. Sino siya para hindi matakot?
Isang mahinang katok ang nang-istorbo sa iniisip niya. Pagbukas niya, nakangiting si France ang bumungad sa kaniya.
"Kagigising mo lang?" nakangiti nitong tanong at sinuyod pa siya ng tingin taas-baba.
Bigla siyang nahiya. Alam niyang maganda siya pero hindi niya alam kapag bagong gising na. Baka may something pa sa gilid ng kaniyang labi nang hindi niya nalalaman.
"Can I come in?"
Nagbigay daan siya sa lalaki.
"Anong meron?" tanong niya matapos isara ang pintuan.
Ngayon lang naglakas-loob ang lalaki na pumasok sa kwarto niya. Kadalasan ay nasa labas lamang ito. Something weird.
Lihim niyang sinusubaybayan ang kilos ni France.
"Pasensya na, may usap-usapan kasi na may nakapasok na magnanakaw kagabi."
Bigla siyang napaubo sa narinig.
"Are you okay?" tanong nito at tinapik-tapik ang likod niya. Inabutan din siya nito ng tubig.
"Magnanakaw? Sa dami ng bodyguard ng club makakapasok pa kaya ang magnanakaw na iyon?"
"You're right. Hindi papayag si Lance na maungusan ng isang magnanakaw. Pero mas maganda kung mag-iingat parin."
Tumango na lamang siya bilang sang-ayon.
"Saan mo naman narinig ang bagay na iyan?"
"Kay Allen. Nagpatawag siya ng meeting kanina. Dinagdagan niya ng Security ang labas at loob ng Club."
Walanghiyang lalaking yon!
"Akala ko ba wala rito ang founder niyo?"
"Bumalik siya kahapon. Bad mood nga ang isang iyon eh."
"Baka nag-away sila ng girlfriend niya."
"Si Celine?"
Bingo!
"Celine pala ang pangalan niya?" patay-malisya niyang tanong.
"I think so. Once ko lang naman siyang na-meet. And that woman claimed Allen as her boyfriend. So, I think siya nga. Nakita ko silang magkasama ni Allen kaya hindi imposibleng magkasintahan nga ang dalawa."
"Ah.. I see."
Tikom ang bibig na hinayaan niya si France na i-check ang sulok ng kwarto niya.
"Sorry ha? Napag-utusan lang akong silipin ang bawat lodge. Nagkabit rin kami ng mga bagong CCTV's for security purposes. And sorry ulit dahil may camera akong ilalagay sa loob ng silid na ito. Actually, lahat. Utos ni Allen eh. Wala tayong magagawa."
Ganoon ba nito kamahal si Celine?
"Siyangapala, I will invite you later kung wala ka namang gagawin."
"Invite me? Saan?"
"May Horse Racing game kami mamaya. All members will be there. Lahat kami maglalaban-laban." Napangiti ito at nagpa-cute sa kaniya. "Can you please cheer me?"
"Magaling ka ba? Kasi ayoko sanang manuod pero kung may laban ka, panunuorin kita."
Ngumiti ang lalaki sa sinabi niya.
"Is that a yes?"
Tumango si Mikayla.
Ang totoo, nababagot na siya. Wala na siyang pakialam kung may makakilala man sa kaniya sa Club na iyon. Ayaw niya lang na lalong sumakit ang ulo sa kaiisip kung paano siya makakaganti kay Celine at kung paano siya makakatakas sa kamalasan.
"Alright. I'll see you later then. Sunduin kita mamaya rito."
"No need." aniya. "Makakasama ko naman si Sheinna. Mag-practice ka nalang dahil ayokong mag-cheer sa loser."
Humalakhak si France. Kahit paano gumaan ang loob niya. Kahit hindi niya lubusang kilala ang lalaki masasabi niyang totoo ang pinapakitang kabaitan nito sa kaniya. That's all she want. Iba na ang usaping pagtitiwala. At hindi pa pumapasa si France sa mga taong dapat niyang pagkatiwalaan.
"I think I'll go ahead. Nakakahiya naman sayo kung hindi ko seseryosohin ang laban mamaya." nakangiti nitong sabi at tinungo ang pinto. "Mag-eensayo na po ako."
Muling bumalik si Mikayla sa kama. Humiga siya at pumikit. Masakit talaga ang ulo niya.
Hanggang sa nakatulog si Mikayla nang ilang oras. Hindi siya nagising nang sumapit ang oras ng laro. Paggising niya gabi na.
Pinakiramdaman niya ang sarili. At nang mapagtanto na wala na ang sakit ng ulo niya ay kaagad siyang bumangon at inilibot ang paningin sa kabuuan ng Club. Walang taong palaboy-laboy sa labas. Madilim rin ang kalangitan.
Pero 8:30 palang. Bakit walang tao sa paligid.
Lumabas siya ng silid at kinatok ang kwarto ni Sheinna. Walang tao. Walang senyales na naroroon ang kaibigan niya.
What happened?
Lumabas siya ng lodging house at naglakad patungo sa lawa. Nang mapansin niyang may ingay sa loob ng malaking bahay ay kaagad niyang hinakbang ang mga paa. Mukhang may kasiyahan sa loob.
Tama si Mikayla. Hindi pa man siya nakakapasok natatanaw na niya mula sa labas ang malawak na lawn at mga taong naglalakad paroo't parito.
Pumasok siya.
Napakaliwanag ng malawak na lawn at napakaraming bisita. Hindi isang tipikal lamang na bisita dahil tila nagpapaligsahan ang mga ito sa pagandahan ng damit. At alam ni Mikayla na lahat ng nakikita niya ay myembro at kakilala ng Club. She felt so out of place. Hindi dahil sa suot niya kundi sa spirit ng paligid. Kagabi lang naroroon siya sa mala-palasyong bahay na iyon pero wala ni isang kagamitan siyang nakita.
But now, may munting stage at may bandang tumutugtog doon. Nagpalinga-linga siya habang naglalakad. Nakita niya si Sheinna kausap si Denbert. She saw France with a man. Maliban sa tatlo ay wala na siyang kakilala.
Nang dumako ang paningin niya malapit sa stage, natawa si Mikayla sa familiar na mukha ng babae. Ang matagal na niyang hinahanap ay naroroon at kausap ang lalaking ayaw na siyang makita.
Si Celine. Ang tamis ng ngiti nito habang nakaabrisite sa braso ng lalaki.
Nakaramdam si Mikayla nang pagka-inis. Sa suot niya ngayon para siyang naliligaw na atsay ng isa sa mga tao roon. Naka-sando lamang siya na pinatungan ng jacket. Short na pantulog at suot ang manipis niyang tsinelas.
Imbes na mahiya siya sa suot, mas nanaig ang kagustuhan niyang lapitan si Celine subalit nagpigil siya dahil sa kaibigang si Sheinna na enjoy na enjoy sa pakikipag-usap kay Denbert.
Nang dumako muli ang tingin niya kay Celine, the b***h smiled smugly when their eyes meet. Tumaas bahagya ang kilay nito at ngumiti sa kaniya nang nakaka-insulto. Wala siyang naaaninag na takot o gulat sa babae, mas pinili nitong kumalas sa braso ng lalaki at lumapit sa kaniya.
"Oh..oh.. look who's here. Naliligaw ka yata?" tanong nito at pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Inikutan pa siya nito para tingnan siya ng buo. "Is that really you? Bakit parang isang dosena ang gumahasa sayo?" sinabayan nito ng halakhak ang huling sinabi. "Sana nagsabi ka na pupunta para naman nabihisan kita. You look... so dirty!"
Nagpigil si Mikayla na sampalin si Celine. Galit siya rito pero ayaw niya naman na ipahiya ang sarili. At ayaw niyang masira ang magandang mood ng mga taong naroon.
Tatalikod na sana si Mikayla subalit hinila ni Celine ang Jacket niya. Nakuha nito iyon at itinapon nalang sa kung saan. Bigla ay parang dumilim ang kaniyang paningin.
"Oh my god!!"
Napako ang tingin ng lahat sa kanila, higit na sa kaniya. Maging ang pagtugtog ng Banda ay nahinto.
"What happened to your skin? Oh my gosh.. is that a scar? So gross!"
Nakuyom niya ang mga palad.
"Mikayla. Oh god!" wika ni Sheinna na hindi alam ang gagawin. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat nang makita siya at ang na-expose niyang balat.
"Ang tapang-tapang mong humarap sakin nang ganiyan? My god!"
Someone put her jacket on. Si Denbert. "Let's get out of here." bulong nito sa kaniya.
"C'mon Mikayla, I know how glad you are to face me! I'm here. Let's talk." si Celine na hinila ulit ang Jacket na ipinatong ni Denbert sa kaniyang balikat at muling itinapon ng babae. "Ooppss.. I'm sorry."
"Stop." matigas na usal niya. Hinarap niya ito. Nakipag-titigan siya nang matalim sa babae. "Huwag mong ubusin ang pasensya ko."
"Why? Di ba hinahanap mo ko?"
"You better shut up b***h!" galit na hinarap ni Sheinna si Celine at sinampal ito. Gumanti naman ang babae. Hindi niya inaasahan ang ginawa ng kaibigan.
Tila naparalisa ang kaniyang katawan. Narinig ni Mikayla ang mga tunog na nagmumula sa mga Camera ng Cellphone sa paligid. Ang pag-awat ni Denbert sa dalawang babae. Ang bulong-bulungan ng mga naroon. Ang mahinang tawa. At ang pagsipol ng iba.
Handa nang harapin ni Mikayla si Celine nang biglang dumilim ang buong paligid. The light was off. Someone grab her hand all of sudden. Naisip niyang si Denbert iyon.
"Si Sheinna." akma siyang babalik pero mahigpit ang mga kamay na pumipigil sa pulsuhan niya. "Sandali Denbert!"
Tuloy-tuloy lang sa paghila ang lalaki sa kaniya. Hindi niya alam kung saan sila patungo. Sumunod na lamang si Mikayla dahil tila kabisadong-kabisado ng lalaki ang dinaraanan nila kahit walang liwanag sa paligid.
Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Kumidlat at Kumulog. Hindi na niya napigilan ang umiyak. Galit na galit ang langit sa kaniya.
"Bakit?? Bakit lagi nalang kayong nangingialam?" sigaw niya sa kalangitan. "Kung totoo ka alam mong hindi ako masamang tao!"
Nanginginig na siya sa lamig. Pilit siyang kumakawala sa madiin na pagkakahawak sa kaniya subalit mahigpit iyon na parang galit na galit ang taong humihila sa mga kamay niya. Mabilis ang mga hakbang nito na dinaig pa nila ang hinahabol.
"Bitiwan mo ko!" utos niya rito.
Hindi ito sumagot. May mali sa taong kasama niya.
"Sino ka?" sigaw niya na pilit nilalabanan ang kadiliman sa kagustuhan niyang makilala ito.
Napapakurap siya tuwing tumatama ang malaking patak ng ulan sa kaniyang mukha.
Inaabot ni Mikayla ang mukha ng lalaki ngunit tila alam nito ang gagawin niya dahil todo iwas ito para huwag niyang mahawakan.
"s**t!" napadaing siya nang tumama ang hita niya sa isang matigas na bagay. Nasugatan siya. Ramdam niya ang pagdaloy nang mainit na likido mula sa kaniyang hita at ang paghapdi niyon. Bigla ay nakaramdam siya ng galit sa taong kumakaladkad sa kaniya sa kung saan. "Saan mo ba ako dadalhin?"
Napasinghap si Mikayla nang maramdaman niya ang pag-angat ng sariling mga paa sa lupa. Binuhat siya ng lalaki.
Sa kadahilanang hindi niya alam, bigla nalang tumibok ng mabilis ang kaniyang puso.
That feeling..
No way!