Chapter 3

3010 Words
Kanina pa pinagmamasdan ni Mikayla ang malaking Mansyon na katapat ng lodging house na inoukupahan nila ni Sheinna sa magical club na iyon. Ilang araw na siya roon at nangangati na ang kaniyang mga paa na makaapak sa bahay na pinu-protektahan ng bawat myembro ng Club. Ayon kay Denbert, that place is prohibited for all. Kahit pa si Zack na naturingan nang co-orner ng club ay mahigpit na pinagbabawalan. That so selfish of him! tukoy niya sa may-ari. Maliban kay Denbert, si France pa lang ang nakilala niyang myembro roon. Nakasalubong niya kasi ang lalaki sa labas ng lodging house dahil may bisita itong tumuloy doon malapit sa kaniyang silid. Nginitian siya nito kaya wala siyang nagawa kundi ang ibalik ang mainit na pakikipag-kilala nito sa kaniya. Hindi naglalabas ng Lodging House si Mikayla dahil umiiwas siya na may makakilala sa kaniya lalo pa at hindi pa nawawala ang mukha niya sa Internet. Mainit parin ang balitang kumalat sa social media. At ayaw niyang madamay ang Club kung kaya't nagdesisyon siyang magkulong na lamang sa silid at panuorin ang malaking bahay na iyon sa gitna ng lawa. Napangiti si Mikayla nang maalala ang pinag-usapan nila ng Ama noong unang araw niya sa Club. Galit na galit ang matanda sa kaniya. "Umuwi ka na ngayon din!" mariin na wika ng Daddy niya na parang nakikinita niya ang naglalabasang ugat nito sa leeg. "Nagbabakasyon lang ako Dad. Bigyan niyo naman ako ng katahimikan kahit tatlong buwan lang! Promise after that, ako mismo ang mag-aasikaso ng kasal na gusto niyo." "The hell I care! Alam mo bang naririto sa bahay ang mag-ama? Talaga bang gusto mo akong mamatay ng maaga?" "Daddy bata ka pa. You can't say that, okay? Pakisabi sa kanila nagbakasyon lang ako. May isang salita ako Dad, hindi ko tatakbuhan ang engagement na yan!" "I told you to go home! Now!" "Sorry Daddy. Nasasakal ako sa loob ng bahay. Kailangan ko rin namang huminga di ba? And besides, it's your fault. Kung hindi niyo ko kinukulong eh di sana hindi ko naisipan na mag-bakasyon na walang paalam sa inyo." "Where the hell are you?" "I can't tell Dad. Don't worry, hindi kita bibigyan ng problema. Uuwi ako ng safe after three months before the engagement. I swear to you that! For now, hayaan niyo muna akong magpahangin at lumayo pansamantala sa inyo." Narinig niya ang buntong-hininga ng Ama sa kabilang linya. Napangiti siya nang sa wakas ay sumuko na ito. "Siguraduhin mo lang na tutupad ka sa sinabi mo Mikayla. Or else ako mismo ang maghahanap sayo kung nasaang lupalop ka man para kaladkarin ka pauwi." "Copy Daddy. Sorry for being your daughter. Pasensya na din dahil naabala ko pa yata ang soon-to-be-husband ko." "Hindi mo alam kung gaano ka-busy iyong tao para makilala ka. You're so disappointed!" Napapikit si Mikayla at dinama ang sariwang hangin. Disappointed? Kailan ba ito hindi na-disappoint sa kaniya? Lahat naman ng ginagawa niya ay Mali sa mga ito. Napailing siya. Hindi niya akalain na mabilis napapayag ng Daddy niya ang mag-ama. Mukhang nasayang lang ang pagkakataon na ibinigay niya sa lalaki para makapag-isip-isip ito. Parang nawalan tuloy siya ng gana na makilala ang lalaki dahil parang sunod-sunuran din ito sa Ama nito. We're not in match. Ayaw niya sa lahat iyong lalaking walang paninindigan. Sino ba ang matinong lalaki na papayag sa Marriage nang walang feelings na involved? Ikaw Mikayla! Hindi ba pumayag ka din? O baka matanda na kaya katulad mo hindi na nag-dalawang-isip? Napailing siya. Pumayag siya dahil wala siyang choice. Iyon lang at wala nang iba! Muling ibinalik ni Mikayla ang atensyon sa bahay na gustong puntahan. Kung hindi lang siya nag-iingat sa ngayon ay baka may lakas-loob pa siyang pasukin ang mala-malacañang na bahay ng may-ari. Kalokohan ang pagbabawal nito. Bakit pa ito nagpatayo ng Club kung bawal iyon puntahan ng mga Myembro at Guest? Teka, bakit nga ba hindi siya pumuslit mamayang gabi? Ipinilig niya ang ulo. She's in trouble. Dadagdagan pa ba niya? Pero hindi naman magkaka-problema kung walang makakaalam di ba? For Pete's sake Mikayla! Sampid ka na nga lang sa lugar na ito magpapa-saway ka pa? Padabog siyang umalis sa kinatatayuan at pinihit ang seradura ng pinto. Pupuntahan niya sa kwarto ang kaibigan. "Anak ng --" aniya sa babaeng nakatayo sa may pintuan. "Lalabas ka?" tanong nito. "Ginulat mo ko!" "Sorry, naunahan lang kita. Mas iba ako magulat friend, you know that." Tiningnan niya mula ulo hanggang paa si Sheinna. "Saan ka nagpunta?" kunot-noong tanong niya rito. "Horseback riding." anito. "Gigisingin sana kita kanina kaya lang naisip ko na hindi ka pala pwedeng lumabas." wika ng babae at tumuloy na sa kaniyang silid. "With Denbert?" Tumango ito. "Kayo na ba?" Gusto niyang matawa nang panlakihan siya nito ng mga mata. "Huwag mo ngang bigyan ng ibang kahulugan yung friendship namin! Nag-horseback riding lang kami na agad? And hello, aside from you si Denbert lang ang ka-close ko rito no!" "Ang defensive mo naman masiyado nagtatanong lang naman po ako." "Iba kasi yung mga tanong na iyan eh! Nakakasira ng work relationship." Umupo siya sa upuan na nakaharap sa labas ng bintana. Muli, nadedemonyo na naman ang utak niyang gustong puntahan ang natatanaw na malaking bahay. "Babe?" tawag niya sa kaibigan. "Oh.." "Sama ka sakin mamaya akyatin natin yung bahay na iyan?" Napa-aray siya nang tumama sa kaniya ang maliit na batong kinuha pa nito mula sa paso na nasa tabi ng mesa. Nakalimutan niyang ibalik iyon sa teheras kanina dahil bininyagan niya ang halaman na nakatanim doon. "Siraulo ka! Iyan ang huwag na huwag mong gagawin! Mapapalayas tayo sa Club at mapapahiya pa tayo pareho." Ngumisi siya. "Sabi ni Denbert walang tao ngayon diyan di ba? At may kalayuan din naman sa Members Pad. Mag-iingat ako." "Baliw ka na! Please Mikayla, don't you dare do that! Itatakwil kitang kaibigan pag ginawa mo iyan!" Napaismid siya. "Syangapala, I meet Zack. Hinahanap ka kasi gusto kang makilala. Sabi ko, masama ang pakiramdam mo." "So, how can you describe him?" "Palekero. Gwapo. Kaya lang, I don't like him for being a self-centered." Nailing si Mikayla. "Akala ko type mo eh." "No way! Anyway, I have a news about Celine." Nagbago ang magandang mood niya nang marinig ang pangalan ng babae. Ginalugad nila ang bayan ng Baguio pero walang Celine siyang nakita roon. May isang kakilala nito ang nagsabi sa kanila na bumalik na raw ng Manila ang babae. Pero hindi siya naniwala dahil hindi kapani-paniwala ang nagsabi niyon. Marahil itinatago niyon si Celine dahil mukhang kaibigan nito ang babae. Limang araw na silang naghahanap dito at malapit na siyang masiraan ng ulo dahil habang tumatagal lalong lumiliit ang mundong ginagalawan niya. Hindi niya ma-enjoy ang paglalayas ng bahay dahil sa mukha niyang pinag-pi-pyestahan sa social media. "Guess what?" "Huwag mo na akong bitinin dahil punong-puno na ako sa babaeng iyan!" galit na sabi niya. "Well, ngayon mukhang makakaganti ka na." Hindi niya makuha ang gustong sabihin ng kaibigan. "Narito siya sa Club. I heard it from the girls out there." "Baka naman ibang Celine ang tinutukoy nila? Did you asked them personally?" ilang beses nang sablay ang balitang nakakalap ni Sheinna kaya wala nang excitement tuwing binabalita nito sa kaniya si Celine. Kung pwede nga lang siya na lamang ang kikilos eh. "May ibang Celine Benetiz pa ba na anak ng isang Mayor sa Lungsod ng Maynila?" "So dito pala siya nagtatago ah." "Huwag magmadali babe. Baka mapunta sa wala yung binabalak mong gawin. Plan it carefully. Alalahanin mo, nasa isang private club tayo." paalala nito na hindi niya pinansin. The hell she care? "Alam ko iyang nasa isip mo Mikayla. Think about me and Denbert. Malalagay kami sa alanganin." Wala naman sa plano niya ang ipahamak ang kaibigan. Pero kung sakaling makaharap niya man si Celine, baka hindi siya makapag-pigil kahit nasa harapan pa nila ang mismong may-ari ng Club. Inunod-nod niya talaga sa putik ang pagmumukha nito o di kaya ay sampalin ng dalawang dosena at kung kaya pa ng mga palad niya ay gagawin niyang triple. Kung tutuusin kulang pa iyon sa pamamahiya nito sa kaniya. Baka nga mapatay niya pa ito. "Saang lodging house siya nag-i-stay?" tanong niya. Kapag nagawa na niyang makaganti, pag-iisipan na niyang umalis ng Club. "I'm not sure about that. Pero mukhang may kinalaman ang may-ari ng Club." Napatingin siya sa kaibigan. "How come?" Nagkibit-balikat ito. "Itatanong ko kay Denbert kung kilala niya si Celine at ang koneksyon nito kay Allen." Si France. Siguro naman may impormasyon siyang makukuha mula rito. "Can you do that as soon as possible?" "Later babe. Pahingahin mo muna ako. Napagod ako sa pangangabayo kanina." "E bakit nandito ka?" "To deliver the news. Sige na, sa kwarto muna ako magpapahinga. Don't do anything." Naiwang nag-iisip si Mikayla. Si Celine nasa club na ito? Kung totoong may koneksyon ito sa may-ari paniguradong mahihirapan siyang makaharap ang babae. Lalong nanggigil si Mikayla. Mukhang malakas ang pananampalataya ni Celine dahil tila pinu-protektahan ng Tadhana ang babae mula sa kaniya. Siya na walang kasalanan siya pa itong nagtatago. How ridiculous was that? Malalim na ang gabi subalit gising na gising parin ang diwa ni Mikayla. Laman ng isip niya kung paano mahahanap si Celine. Paano nga kaya kung tama ang iniisip niya? Na ang nobyong tinutukoy nito ay ang may-ari ng Club? Paano kung tinatago nito si Celine sa loob ng malaking bahay na natatanaw mula sa kwarto niya? Naihilamos niya ang mga palad sa mukha. Bakit ba siya matatakot kung totoo man ang konklusyon niya? Binuksan ni Mikayla ang bintana at nangalumbaba roon. Nawala saglit ang galit niya nang mapag-masdan ang bilog at malaking buwan. Namangha siya nang makita ang repleksyon ng malaking bahay sa lawa. Huling beses siyang nakakita nang ganoong likha ng diyos noong nasa kolehiyo siya sa Amerika. Amerika. Isang lugar na magandang puntahan subalit anak ng mga demonyo ang nakatira. Hindi lahat pero karamihan sa nakilala niya. "No please!" nakikiusap na wika niya kay Anton habang hila-hila siya nito palapit sa mga kaklase. Kaarawan ni Rebecca. Kaklase niya sa Marketing. Dahil sa kabaitang pinakita ng mga ito sa kaniya ay malugod niyang tinanggap ang pakikipag-kaibigan ng mga ito. Hindi siya nag-dalawang-isip na sumama sa celebrasyon ng kaarawan ni Rebecca dahil sa tiwalang ibinigay niya sa mga kaklase. She never imagined what would happened to her in the party. "C'mon Mikayla! You had to grab the best chance to try this so damn heaven thing." nakangisi na pamimilit ni Rebecca sa kaniya. Hawak na siya nito at ni Anton sa magkabilang braso. Madiin na halos ikadurog ng buto niya. Nagpupumiglas siya pero sadyang malakas ang mga ito kumpara sa nauupos na niyang lakas. "No! Please.. don't do this me!" muli niyang pakiusap. Imbes na maantig sa pagmamakaawa niya, suntok sa tiyan ang ibinigay ni Anton sa kaniya. Napaluhod siya sa sakit. Hindi pa ito nakontento dahil itinayo siya nito at si Rebecca naman ang humarap sa kaniya at pinag-sasampal siya. It hurt her so bad! Sumisigaw siya para humingi ng tulong ngunit isang mala-demonyong halakhak ang natatanggap niya mula sa mga ito. "P-please Rebecca.. please.. I will do anything. I can do whatever you want just please don't push me to do that! I can't!" "But I want you.. to try this." anang babae sabay nudnod sa kaniya ng pulburang hawak. Napaubo siya. Umiyak at nagpupumiglas. "Hey guys.. look at this girl. You like her?" Wala na siyang lakas para pigilan ang gustong mangyari ni Rebecca. Langhap na langhap niya ang droga na halos hindi na siya makahinga. Para siyang nakalutang sa alapaap at walang nakikita kundi ang naaaliw na mukha ng mga taong pinagkatiwalaan niya sa lugar na wala siyang kakilala. Sampal dito, Sampal doon. Sipa dito, sipa doon. Ginawa siyang punching bag ng mga ito. Kaniya-kaniyang aliw sa mga sarili at siya ang ginamit para paglaruan. Hinubaran. Binaboy. Pinag-samantalahan. Ginawang hayop. Para itong mga Zombie na hayok na hayok sa laman niya. Nag-uunahan para matikman siya. At siya na walang lakas, walang kalaban-laban. Paano niya maliligtas ang sarili kung sa pagdilat niya ay blangko ang nakikita niya? Paano siyang makakatakas kung hindi niya maihakbang ang mga paa palabas ng pinto? Paano siya makakasigaw kung wala nang boses na lumalabas sa mga bibig niya? She's died. Inside. Yung katawan niyang punong-puno ng sunog ng sigarilyo. Puno ng mga pasa. Bakit iyon nangyari sa kaniya? Bakit siya naroon sa sitwasyon na kailanman ay hindi niya naisip na maranasan? Kahit sobrang sakit ng katawan kinaya niya makatakas lang sa lugar na iyon. Sa sobrang hibang ng mga ito sa droga, lahat ng mga kaklase niya ay nakatulog. Sinamantala niya iyon upang makatakas. Dinamitan niyang nakahiga ang sarili at gumapang patungo sa nakasarang pinto. Sobra ang pasasalamat niya dahil madaling-araw iyon at wala pang taong gumagala sa kalsada. Tiniis niya ang maglakad nang walang sapin sa paa makarating lamang sa Bahay na binili pa ng Daddy niya. Mag-isa lamang siya sa bahay at sa sobrang takot nagtago siya. Naghanap siya ng maliit na Apartment noong araw na iyon sa takot na balikan siya nina Rebecca. Hindi siya nagsumbong sa pulis. Para saan pa? Dayuhan siya sa lugar na iyon. Paniniwalaan ba siya kung sakali? Nag-drop-out siya sa University at nalaman iyon ng kaniyang Ama. Dalawang linggo ang lumipas pinuntahan siya ng mga magulang at sobra-sobrang galit ang sinalubong ng mga ito sa kaniya. Suwail daw siyang anak. Matigas ang ulo. At walang inisip kundi ang sarili lang. Tinanggap niya lahat nang masasakit na salita mula sa mga ito. Tikom ang bibig niya sa nangyari. Inilipat siya ng University ng Daddy niya kahit nakikiusap siyang bumalik na lamang ng Pilipinas. Hindi siya pinakinggan ng mga ito. Sa halip na makinig sa pakiusap niya, ni-limitahan pa ng Mommy niya ang allowance na dapat ay hindi na nito pinaki-alaman. Nag-part-time job siya sa isang Restaurant bilang dish-washer. Bahay at Eskwelahan ang tanging destinasyon niya tuwing natatapos ang trabaho niya sa Restaurant. Natutulog siyang may kutsilyo sa ilalim ng unan. Umaalis siya ng bahay na may patalim sa loob ng bag na binabalutan niya lamang ng diyaryo. Dalawang taon ang lumipas na ganoon ang buhay niya. Takot at pangamba. Balot na balot siya nang pagkamuhi sa mga taong nanamantala sa kaniya. Galit at poot sa mga magulang na walang ginawa kundi ang gipitin siya. Grumadweyt siya nang hindi masaya. Umuwi siya ng Pilipinas nang hindi buo. Pakiramdam ni Mikayla isa siyang Krystal na pinag-pi-piraso-piraso. Isang bulaklak na wala nang amoy. Isang babaeng wala nang maipagmamalaki. At isang anak na naliligaw ng landas. She's a monster. Iyon ang bansag sa kaniya sa opisina. Ang tahimik at mabait na Mikayla noon ay nagbago. An evil woman. A heartless princess. Kung Isa siyang suwail na anak, huwaran naman ang mga magulang niya sa mga taong nakakakilala sa mga ito. Sino nga ba si Mikayla? Isang anak mayaman na walang ginawa kundi bigyan nang kahihiyan ang pamilya. Ganoon. Ganoon siya sa mga kaibigan ng mga magulang at sa mga taong nagta-trabaho sa kanila. Dahil unang araw pa lamang niya sa Pilipinas nasangkot na siya sa g**o. "Pinagsisihan namin na ikaw ang iniluwal ko!" salitang nagmula sa kaniyang Ina. "Bakit ka nagkaka-ganiyan Mikayla? Saan kami nagkulang ng Daddy mo?" Hindi naantig ang puso niya nang marinig ang sinabing iyon ng Mommy niya matapos niyang makalaya sa ilang araw na pagkaka-kulong sa presinto. "So bakit niyo nga ako binuhay? Ginusto ko ba maging anak niyo?" Isang malutong na sampal ang natanggap niya mula sa Ina. Siguro nga masama na siyang anak. Masama na siyang tao. Pero lahat ba ng kasalanan na nagawa niya ay sa kaniya lamang ang sisi? Mali ba na ipagtanggol niya ang sarili? Mali ba na pumalag siya sa mga taong sinasaksak siya ng patalikod? "Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo! Pagod na pagod na kaming intindihin ka!" "Hindi ko na rin alam ang gagawin ko sa sarili ko Mommy! Kung napapagod na kayo, huwag niyo nalang akong pakialaman!" "Hindi pakialaman? Ipinapahiya mo kami bakit hindi kami mangingialam?" "Kahihiyan niyo lang ang iniisip niyo! Bakit? Maisasama niyo ba ang kahihiyan na yan sa hukay pag namatay kayo? Yung mga taong nagbabait-baitan sa inyo, tutulong ba ang mga iyan kung maghirap man kayo?" "Anong pinagsasabi mo?" tila hindi makapaniwala ang Mommy niya sa naririnig mula sa kaniya. "Hindi na kita kilala. Kung may problema ka, sabihin mo samin ng Daddy mo!" "Bakit? Para saan? Eh diba nga suwail ako? Kahit wala akong ginagawa masama parin ako sa paningin niyo? Problema? Mommy matagal na akong may problema! At Isa kayo sa mga problema ko, alam mo ba yun? Sabihin sa inyo? Bakit, makikinig ka ba? Si Daddy paniniwalaan niya ba ako? No! Hindi bale nalang dahil kahit kailan, hindi niyo naman ako binibigyan ng halaga!" "Anak.. kung anuman ang problema mo please tell us. Huwag mo naman kaming pahirapan sa mga ginagawa mo!" "It's too late Mom. You don't know anything about me! Ang alam niyo lang ay anak niyo ko! Iyon lang at wala na!" Ang sakit. Ang sakit parin alalahanin ang mga tagpong naranasan niya. How can she trust someone? Bukod kay Sheinna na buo siyang tinanggap bilang kaibigan, kanino pa siya magtitiwala? Napahid niya ang mga luhang dumaloy mula sa walang buhay niyang mga mata. Masaya lang naman siya tuwing kasama ang kaibigan. Si Sheinna lang ang dahilan kaya kahit papaano nabawasan ang pagiging suwail niyang anak. Tanggap siya ng kaibigan sa kung sino siya. Hindi siya nito tinanong kung ano ang nangyari sa kaniya sa Amerika kahit pakiramdam niya maraming beses na itong nagtangka na alamin ang buhay niya sa ibang bansa. Kahit nasasama ito sa mga g**o niya, hindi parin siya nito iniiwan sa ere. Ayaw niyang mag-kwento dahil natatakot siyang lumayo si Sheinna sa kaniya. Ayaw din niyang kaawaan siya nito. She's been through a lot. Kung maaari, mananatiling sekreto ang nangyari sa kaniya sa Amerika. Walang ibang makakaalam kundi siya lang. Nakagat ni Mikayla ang mga labi habang tinitignan ang bilog na buwan. Siya, kailan kaya gaganda ang buhay niya katulad ng bahay na napapailaliman ng magandang buwan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD