bc

A PRANK TO REMEMBER

book_age0+
1.5K
FOLLOW
7.3K
READ
family
manipulative
others
badgirl
student
comedy
no-couple
like
intro-logo
Blurb

"Thank you everyone, I hope maging successful tayong lahat. Kung anuman ang nagawa ko sa inyong pranks, just think of it as an obstacle.. na minsan, sa buhay natin, nadapa tayo at bumangon. Wala akong maipapabaon sa inyo kundi ito, a prank to remember."

- Renaissance Florentine Montiveros Valdez

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
"The electromagnetic force plays a major role in determining the internal properties of most objects encountered in daily life. Ordinary matter takes its form as a result of intermolecular forces between individual molecules in matter. Electrons are bound by electromagnetic wave mechanics into orbitals around atomic nuclei to form atoms, which are the building blocks of molecules. This governs the processes involved in chemistry, which arise from interactions between the electrons of neighboring atoms, which are in turn determined by the interaction between electromagnetic force and the momentum of the electrons." pagsabay ko kay Mam Thess, our Physics Teacher. I yawned at napalingon sa katabi ko. "Ang boring no?" Napapanganga naman siyang tumango, nagpalipat-lipat ang tingin niya sa hawak niyang libro at sa libro kong hindi ko man lang nabubuksan. "Gusto mong maglaro?" masigla kong saad at saka kumuha ng papel at ballpen. Iniabot ko 'to sa kanya. Isulat mo lang lahat ng sasabihin ko, okay? " muli siyang tumango. "Mam, ang baho ng utot niyo! " "I-isusulat ko 'yan? " Sunod-sunod akong tumango at pinagmasdan siyang isulat ang sinabi ko. Ngingiti-ngiti pa ako habang nangangatal pa ang mga kamay niya. "Tapos isulat mo sa baba ang pangalan mo." "H-huh? B-bakit? " "Wala lang, sige na. Kapag hindi mo ginawa.. " pinanliitan ko siya ng mga mata, "..sasabihin ko kay Mam na kinukuhanan mo siya ng picture sa CR. " "P-pero hindi ko naman---" "Sa tingin mo, sino sa’ting dalawa ang paniniwalaan niya?" I smirked nang makita ko siyang mapalunok. "Bilis na. " Wala naman siyang nagawa kundi ang sumunod. Mam, ang baho ng utot niyo! - Nixon Dela Rosa Napangiti naman ako nang mabasa ang sinulat niya. Agad-agad akong nagtaas ng kamay at tumayo para makuha ang atensyon ni Mam na tila nagbabasa ng pasyon sa unahan. "Yes Ms. Valdez?" "Pinabibigay po ng katabi ko." wika ko at taas-noong naglakad patungo sa unahan nang nakangisi. Kunot-noo naman niya itong tinanggap at halos mamula ang mukha nang mabasa ang nakasulat. Tatawa-tawa naman akong bumalik sa upuan ko. "Mr. Dela Rosa, kindly explain this crap!" nanggigigil na saad ni Mam. Alanganin namang tumayo ang katabi ko, namumutla at nanginginig pa. "M-Mam hindi po ako ang---" mahinang turan nito. "Speak louder!" "Mam hindi po ako ang may pakana niyan inutusan lang po ako ni Ren!" dire-diretsong bulalas ng lalaki dahil sa pagkabigla. Lalo naman akong natawa ng makitang naihi na'to sa sobrang takot. "Kailangan mo na atang magCR.. " pang-aasar ko pa sa kanya, bago ito kumaripas ng takbo palabas ng classroom. "Pffft.." Sa sobrang aliw ko, hindi ko namalayang nanlilisik na pala ang mga mata ni Mam Thess na nakatingin sa'kin. "RENAISSANCE FLORENTINE MONTIVEROS VALDEZ to Disciplinary Office now!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Angel's Evil Husband

read
269.0K
bc

My Master and I

read
131.6K
bc

My Nerd Wife Felicie.MATURE CONTENT. (TAGALOG ROMANCE)SPG

read
113.7K
bc

The Last Battle

read
4.0K
bc

Pain(Tagalog)

read
353.8K
bc

Taz Ezra Westaria

read
105.7K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
260.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook