"Behave Renaissance." muling paalala ni Clinton matapos niya akong ihatid sa room. "Wag kang masyadong mag-ayos para walang lalaking makapansin sa'yo." turan pa nito habang ginugulo ang buhok ko.
"OA nyong dalawa ni Kevin Garnett." asik ko habang tinatabig ang kamay niya. "Hindi nyo naman kailangang kaladkarin palabas ng canteen 'yung lalaki kanina." Sana hinampas niyo na lang agad ng lamesa!
Oo, matapos umepal ng lalaking hindi ko naman kilala, kaagad tumayo sina Clinton at Kevin Garnett. Wala pang isang minuto, nakaladkad na nila palabas si Mr. Epal. May kung ano pa silang sinabi dito bago mga nakangising bumalik sa pwesto ko. Hindi ko na rin nagawa pang umorder uli ng pagkain dahil nagyaya na si Clinton at nagpresintang ihatid ako sa classroom.
"We need to do it. Hindi ka niya titigilan kung wala kaming gagawin." paliwanag pa nito. "Sa susunod na maka-encounter ka ng mga ganung lalaki, sabihin mo sa'kin or kay Kevin Garnett."
What a protective guys!
"No need, you know that I can protect myself, right?" maangas kong saad saka siya inirapan. Pwede ko naman kasing bugbugin ang kahit na sinong eepal na lalaki! "Pumunta ka na sa opisina ni Tita Ninang, hinihintay ka na siguro nun."
"Alright. Are you sure hindi ka sasama sa'kin? We need to attend that meeting."
"Nakausap ko na naman si Tita Ninang kanina, alam ko na ang agenda. You must go now."
He nodded at bahagya pang ipinukpok sa ulo ko ang makapal niyang libro bago nagsimulang maglakad. Tss.
--
"S-Sino yun boyfriend mo?"
Dulot ng pagkabigla ay nagawa ko siyang suntukin sa mukha.
"A-ray nyaman. M-mara taan 'yun Ren?" muling tanong ng nakasimangot na si Mr. Diaper, hawak-hawak nito ang ilong na siyang napuruhan.
Hindi ba siya aware sa mala-gripo niyang ilong?!
"Bakit ka kasi nanggugulat?" reklamo ko habang nakangiwing tinititigan ang umaagos na dugo mula sa ilong niya.
"Hindyi nyaman ako nangngungulat.. hulala ka lang kati. Tino ba 'yun? Moymrend mo ba? Kaya mo ma ako binated dahil ta kanya?"
Sinipa ko naman sa kinaroroonan niya ang doormat na nasa paanan ko.
"Nosebleed ka Mr. Diaper. Lumayas ka sa harap ko at baka maisipan kong lagyan ng napkin 'yang ilong mo!"
Napatingin naman siya sa kamay niyang punong-puno ng dugo, pati ang polo niyang puti duguan na. Hindi kaya maubusan ng dugo ang isang 'to?!
"Ren!" napalingon ako sa kaklase kong babae na hindi ko alam ang pangalan. "Kailangan na tayo sa radio booth."
I groaned.
May duty nga pala ako ngayon.
Tumango na lang ako at muling ibinaling ang tingin kay Mr. Diaper na hindi magkandaugaga sa paglalagay ng panyo sa butas ng ilong niya. Napapalibutan na rin siya ng mga kaklase kong tsismoso't tsismosa. Napailing na lang ako at sumunod sa babaeng kamukha ni Dora.
--
"DJ Ren, ano pong gagawin ko? Ayaw po kasi ni Mama sa boyfriend ko ngayon, gusto niya po iwan ko na si Yohan. Pero mahal na mahal ko po siya, hindi ko po siya kayang iwan. Hindi ko po kayang mawala siya sa buhay ko."
I rolled my eyes lalo na ng marinig ko ang paghikbi nito.
"Alam mo miss, gusto ng Mama mo na iwan mo 'yung lalaking pinaglihi sa Yokai dahil type niya ito. Kaya iwan mo na lang siya, mother's knows best. Makinig ka sa kanya bago pa magkaroon ng World War III."
"Sigurado po---"
"Time's up ka na. Ibaba mo na 'yang telepono kung ayaw mong ipakain ko sa ipis 'yang mga mata mo."
"Thank you Ms. Ally for sharing your story, this song is for you." sabat ng isang lalaking katabi ko at saka may kung anong pinindot bago ko narinig ang isang kadiring love song.
Napasimangot naman ako at iritang binuksan ang Yakult na nasa harap ko. Kung hindi lang dahil sa free Yakult, magiging impyerno na ang buhay ko sa booth na ito.
"Wag ka namang masyadong harsh Ren." paalala ng President ng Music Club na siyang naghe-handle ng radio booth. "We only have 15 minutes to be on-air, tapos twice a week lang naman ang duty mo, hindi naman masamang magbigay ng matinong advise paminsan-minsan."
"As if naman na gusto kong magbigay ng korning advise." tugon ko at sinubukang i-shoot sa basurahan ang wala ng lamang Yakult. Nice shot!
"Well, let me remind you, kung hindi dahil sa ginawa mo kay Ice na isa sa mga member ko.. wala ka sana dito. Hindi sana ako mawawalan ng isang magaling na DJ. So, please do your job."
Tss. Hindi ko naman kasalanang madulas ang lampang lalaking 'yun sa balat ng saging na itinapon ko at tuluyang mahulog sa hagdan. Hindi ko rin kasalanan na kinailangan nitong magpatherapy kaya hindi na nakabalik pa sa EXONHS.
Kasalanan niya lahat ito. Kung hindi siya tatanga-tanga e di sana hindi ko kailangang maging part ng radio booth na ito at makinig sa mga bibeng wala ng ibang ginawa kundi magkwento ng walang kwentang love life nila!
"H-hello DJ Ren? Gusto ko lang pong humingi ng beauty tips.. 'yung crush ko po kasi, sinabihan ako ng pangit. Wag ko na daw siyang lalapitan hangga't ganito ang itsura ko. Diring-diri po siya sa'kin. A-ano po bang dapat kong gawin?"
"Una sa lahat, maligo ka araw-araw."
"Naliligo---"
"Kung wala pa ring pagbabago, bulagin mo na lang 'yang crush mo. Tapos, kayo ang magpapatunay na love is blind!"
"Teka DJ---"
Hinubad ko na ang suot kong headset at tumayo na.
"Teka Ren, saan ka pupunta? May isa pang caller." turan ng lalaking wala namang ginagawa kundi magpatugtog ng kung anu-ano.
"Bahala ka na. May klase na ako. Dalawa na 'yung nakausap ko, galaw-galaw din pag may time!"
"Pero---"
"Shut up!" bulalas ko while pointing my finger at him na tila baril. "Kung ayaw mong pasabugin ko 'yang bungo mo."
**