SOMEONE'S POV
"Nagawa niyo ba?" salubong ko sa dalawa kong alipores.
"O-oo, sigurado bang okay lang 'to?"
"Natatakot ka ba?" I asked at pilit inangat ang mukha niyang nakayuko. "Mas matakot ka sa'kin, kaya kong patalsikin sa trabaho ang tatay mo."
"W-wag mong gagawin 'yun." mangiyak-ngiyak namang turan nito.
Binitiwan ko na lang ang mukha niya at 'yung isa naman ang binalingan.
"Sigurado ba kayong walang nakakita sa inyo?"
"Wala. Si Ren na lang ang naiwan sa locker nila kanina."
"Mabuti. Kung sakali mang may nakakita sa inyo.. tandaan niyo, wala akong kinalaman dito. Wag na wag niyong idadawit ang pangalan ko. Nagkakaintindihan ba tayo?"
Alanganin naman silang tumango.
"B-bakit ba kailangan pa nating saktan si Ren? B-baka mapatalsik tayo nito sa school.." lumuluha ng bulalas ng isang extra.
"Ano ba naman 'yan?! Iniiyakan mo na kaagad si Ren? Hindi niya deserve 'yang mga luha mo.. baka nakakalimutan mong biktima ka rin ng mga kalokohan niya. Hindi ba't itinali ka niya sa flag pole noon at pinakagat sa mga langgam? Tingnan mo nga 'yang katawan mo, hanggang ngayon may mga pantal ka pa rin."
"Pero.. pinadala niya naman ako sa hospital saka---"
"Ginawa niya 'yun para hindi ka magreklamo. Demonyo ang babaeng 'yun."
"Pero---"
"Isa pang pero mo, isasabit na kita sa puno." napalunok naman ito at saka nanahimik. "Ikaw naman, wag mong kalimutan na si Ren ang dahilan kung bakit nasayang ang mahaba mong buhok. Kung hindi niya kinapitan ng bubble gum ang buhok mo, maganda ka pa sana ngayon."
Tumango naman ito.
"Mabuti't nagkakaintindihan tayo." I smiled at them. "Tara na, panoorin natin ang game nila." Ito na ang simula ng aking paghihiganti.
--
REN'S POV
"May problema ba?"
Inangat ko ang ulo ko at umiling kay captain.
Tumaas naman ang kilay nito at bahagyang tinitigan ang mga paa ko.
"Bawal matalo." saad nito bago kinuha ang bola sa tabi ko. "Hindi ka magwawarm-up?"
"T-tumakbo ako papunta dito captain, warm-up ko na 'yun!"
Tumango lang ito at lumapit na kina Ate Lee.
Muli ko namang pinakiramdaman ang mga paa ko. Ouch!
Sino naman kayang naglagay ng bubog sa loob ng sapatos ko?!
"Okay ka lang Ren?" tanong ni Ate Jas. "Namumutla ka."
Ngumiti naman ako at tumayo ng tuwid.
"Ayos lang ako Ate."
Muli pa ako nitong tinitigan bago ipinasa sa'kin ang hawak na bola.
"Sigurado ka?" I nodded. "Tara, practice shooting tayo." yaya nito.
"K-kayo na lang Ate." maagap kong tugon at kaagad ibinalik ang bola dito. "Third quarter pa naman ako maglalaro, pag-aaralan ko muna ang kabilang team."
"Okay, mas mabuti ngang pag-aralan mo na sila ngayon. Kasama ka sa first five, si captain daw muna magpi-playing coach ngayon."
"Huh? B-bakit daw?"
"Matinik kalaban e." ngumisi ito at tinapik ako sa balikat. "Galingan natin."
Tumango na lang ako at muling naupo ng tumalikod na ito.
Maliliit ang bubog na inilagay sa sapatos ko, hindi ko nga kaagad namalayan kundi lang ako nakaramdam ng kirot ng makailang-ulit akong tumalon matapos magsuot ng sapatos. When I checked it, duguan na ang suot kong medyas at nakatusok na sa mga paa ko ang mga bubog. Sinubukan kong alisin isa-isa pero hindi ko na nagawa dahil maya't mayang tumatawag sina captain sa cellphone ko.
I'm injured. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayaning itago 'to kina captain pero kailangan ko pa ring maglaro para sa team, para sa basketball.
Hindi naman siguro makakarating sa mga organs ko 'yung mga bubog di ba? Hindi naman siguro babaha ng dugo sa sapatos ko?
Napailing na lang ako sa mga naisip ko. Focus Ren!
"Ren."
"O-oh captain."
"Magsisimula na." kunot-noo niyang saad. "Ano bang nangyayari sa'yo? Wala ka sa sarili mo."
I tried to smile.
"Ikaw naman captain, ang dami mong napapansin. Wag mo naman masyadong ipahalatang favorite mo ako."
Umirap naman ito.
"Tumayo ka na, maglalaro ka."
Ngumuso naman ako tumayo. Kaagad akong napangiwi ng maramdaman ang pagbaon ng mga bubog.
"Injured ka ba?" captain asked while staring at me intently.
Ngumiti naman ako at umiling.
"Uyy concern sa'kin si captain." biro ko pa na muli naman niyang inirapan.
Nanahimik na lang ito kaya naman humakbang na ako patungo sa court.
Kaya mo 'to Renaissance Florentine!
"Listen, kilala ang Saint Paul sa mahigpit na depensa. I'm not expecting na makakapuntos kaagad tayo. Ren," baling sa'kin ni captain. "..ipinasok kita para mas mapag-aralan mo ang kalaban, I want you to test their defense. Ipapasa namin palagi sa'yo ang bola, try to shoot the ball if you can. Okay lang na sumablay, pero mas okay if it's a sure ball. After 2 minutes we're going to huddle again to discuss your observation, saka tayo mag-aadjust."
Tumango at pilit na ngumiti.
"Sigurado ka bang okay ka lang?" muling saad ni captain kaya napabaling sa'kin ang lahat.
Nilawakan ko naman ang ngiti saka muling biniro si captain.
"Oo na captain, mahal mo na ako. Damang-dama ko na kaya no need to be showy."
Isang batok ang natanggap ko sa kanya kasabay ng tawanan ng lahat.
"It's time to be serious. Let's go." turan ni captain ng pumito na ang referee.
---
Bakit ang tagal ng 2 minutes?
Naka-5 points na ako, nakarebound at kanina pa akong tumatakbo. Pero ang bagal pa rin ng oras.
"Ren!" sigaw ni Ate Lee sabay pasa sa'kin ng bola.
I catched it at bago pa ako malapitan ng nagbabantay sa'kin, kaagad na akong tumalon at ibinato ang bola patungo sa ring.
I winced ng muling maramdaman ang sakit ng mga paa. At lalo pa akong napadaing ng maramdaman ang paa ng nagbabantay sa'kin na aksidenteng natapakan ang mga paa ko, habang pumupwesto para sa rebound.
Nakuha ko pang tumingala at ngumiti ng makitang pumasok ang tira ko.
At tila nabunutan ako ng tinik ng marinig ang hudyat ng referee para sa time-out. At last!
Pero bago pa ako tuluyang makalakad palabas ng court may pumigil na sa'kin.
"You're injured."