bc

Love Drunk

book_age18+
1.6K
FOLLOW
11.7K
READ
one-night stand
pregnant
drama
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

Have you ever met someone for the first time, but feel like they are already part of your life?

Because that is exactly what happened to me. I fell in love with someone in a very short period of time and even if I don't see him anymore....

He's still in my life. Always.

chap-preview
Free preview
Simula
Simula S C A R L E T T Kasalukuyan akong inaayusan nang dumating si Mrs. Cruz. Siya ang nagpasok sa akin dito sa bar, malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil siya ang pumulot sa akin sa basurahang pinanggalingan ko. Kung hindi ko siguro siya nakilala ay baka nasa basurahan pa din ako at patapon pa din ang buhay ko. Nang ipasok niya ako dito sa bar ay nagkaruon ako ng regular na trabaho at nakapag renta na din ako ng bahay. Nuon kasi, dito lang din ako sa loob ng bar natutulog dahil wala nga akong sariling bahay. Tulad ng sabi ko kanina sa basurahan lang ako pinulot ni Mrs. Cruz, kaya walangwala talaga ako nung mga panahon na yun. Kaya naman sobrang nagpapasalamat talaga ako sa kanya. "Hello madam!" bati ko sa kanya ng may ngiti sa mga labi. Madam ang tawagan naming dalawa dahil naging magkaibigan na din naman ang turingan namin matapos niya akong tulungan. "Oh madam, may costumer ka ngayong gabi. Mukhang jackpot ka dun. Naghahanap lang daw ng kausap, puntahan mo na. Nasa VIP room," aniya nang biglang pumasok yung bruhildang kasamahan ko sa bar. "Ang daya naman Mrs. Cruz, kapag sa mga VIP laging si Scarlett yung pinapadala mo. Samantalang yung mga customer na napupunta samin ang kukuripot." Tumawa ako at tumayo na sa kinauupuan ko. Nilapitan ko si Mika na nag-iinaso at mapang-asar na nginisian ito. Inirapan niya ako at pinamaywangan. "Oh bakit parang galit ka? Bakit parang kasalanan ko pa? Bakit parang kasalanan ko na MAGANDA AKO?" Hindi na siya nakapag salita pa kaya naman nag paalam na ako kay Mrs. Cruz at nagtungo na sa VIP Room. Pag pasok ko sa VIP Room ay mag isa nga lang talaga duon ang lalaki. Ito nanaman tayo. Kailangan mo nanaman tatagan ang sikmura mo self. Di ka aasenso kung mag-iinarte ka. Sa totoo lang matagal na akong nagtitiis sa uri ng trabaho ko pero wala naman kasi akong choice eh. Ito lang yung trabahong pupwede kong pasukan nang hindi na kinakailangan ng mga kung anu-anong papeles. Nakangiti akong naupo sa tabi ng lalaki. Nakatungo ang ulo nito habang nakasandal sa couch ang kanyang matipunong katawan. Ang sabi sa akin ay kanina pa raw ang lalaking ito dito sa VIP room mag-isa, kaya naman nag hahanap ng makakasama at dahil kailangan kong kumita ngayong gabi ako na ang nag prisenta total mukhang may tama na din naman ang lalaking ito hindi naman na siguro ako nito magagalaw dahil mukhang bibigay na ang katawan nito sa kalasingan. Saka, kadalasan naman kapag mga VIP ang guest ako yung binibigay nila. Magsasalita pa lang sana ako nang marinig ko itong humikbi kaya naman agad nagsalubong ang mga kilay ko. Umiiyak siya? Bakit? Naglakaruon din ba ng problema ang mga mayayaman na tulad niya? "Sir?" Sinubukan kong haplosin ang likod niya para patigilan siya sa pag-iyak pero para akong naestatwa sa kinauupuan ko nang mag-angat siya ng tingin at nagtama ang mga mata namin. Siya 'yun. Hindi ako pwedeng magkamali siya 'yun! Napahawak ako sa bibig ko sa sobrang pagka gulat hindi ko akalain na dito ko pa siya sa lugar na ito makikita uli. Matagal ko ng binaon sa limot ang mukha ng lalaking iyon pero ito na siya muli. Nasa harapan ko na siya. Parang may mga karpenterong nag pupokpok sa loob ng dibdib ko sa sobrang lakas ng t***k nito. Sinong mag-aakala na makikita ko pang muli ang lalaking ito na pinag-alayan ko ng sarili ko ilang taon na ang nakakalipas. "Kira?" sambit nya sabay haplos sa aking pisnge. Para akong nakuryente sa simpleng pagdapo ng kanyang balat sa akin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko biglang para akong nauupos na kandila sa pwesto ko habang nakatitig sa kanyang mapupungay na mga mata. Sinubukan kong huminga ng malalim pero wala pa ding nangyari. Tuloy pa din sa pagkabog ng mabilis ang puso ko. Hindi ko alam kung ano ng nangyari sa akin. Nababaliw na ba ako? Bakit hindi ko man lang magawang ikilos ang aking katawan? "I love you so much, Kira.. I really do.." Gusto kong magprotesta at sabihin sa kanyang hindi ako ang Kirang sinasambit niya ngunit hindi ko manlamang magawang ibuka ang aking bibig para akong naparalisado sa aking kinauupuan sa hindi ko malamanlamang dahilan. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ako nagkakaganito? Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Unti-unting lumapit ang kanyang mukha sa akin at sa pangalawang pag kakataon, makalipas ang maraming taon muli kong naramdaman ang tamis ng kanyang halik. Sa una ay mabagal at banayad lamang ang paraan ng kanyang paghalik pero habang tumatagal ay palalim iyon ng palalim. Pakiramdam ko ng mga oras na iyon ay parang may bolta-boltaheng kuryente ang dumadaloy sa buong katawan ko. Anong nangyayari sa akin at hindi ko man lang magawang kumilos upang kumawala sa kanyang halik? Hindi ako ang taong binabanggit niya, hindi ako ang babaeng inaakala niyang kasama niya ngayon, kailangan ko siyang pigilan pero bakit ganito? Bakit hindi ko magawang pigilan siya sa kanyang ginagawa? Nasisiraan na yata ako ng ulo o baka lasing na din ako. Nalalasahan ko sa bibig nya ang alak at pakiramdam ko ay pati ako nalalasing na din. Sunod kong naramdaman ang pagpulupot ng kanyang mga braso sa baywang ko, kasabay nuon ay ang pagiging mapusok ng kanyang halik. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko nang kusa kong ikawit ang aking mga braso sa kanyang batok at tinugunan ang kanyang mga halik. Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto. Agad akong napabangon mula sa kinahihigaan ko at napatingin sa katawan ko. Wala na akong kahit anong saplot sa katawan. Agad kong hinatak ang kumot sa tabi ko at ibinalot duon ang aking katawan. Duon ko lang napagtanto ang kagagahang ginawa ko kagabi. Putek Scarlett! Anong ginawa mo? Bakit ka sumama sa lalaking yun? Napukpok ko ang sarili ko sa inis. Ano ba namang pumasok sa kukote ko at sumama ako sa lalaking yun kagabi. Ano Scarlett, ganyan ka na ba kagipit para magpakaputa ng tuluyan? Oo alam kong pokpok ako pero kingina naman, kahit kailan hindi ako nagpakama sa mga nagiging customer ko. Hanggang table lang ako palagi pero bakit isang aya lang sayo nung hudas barabas na kungsino man yun, sumama ka na agad? "Ahhh! Ang landi landi mo Scarlett!" Gigil na sinabunutan ko ang sarili ko at nagtitili sa sobrang asar. Sakto namang biglang bumukas yung isang pinto na sa tingin ko ay para sa bathroom. Lumabas ang isang mala-adonis na nilalang. Parang biglang nagliwanag ang buong kwarto paglabas niya sa pintong iyon. Nakatapis lamang siya at lantad na lantad sa pagmumukha ko ang pinagpala niyang katawan. Jusko po. Patawarin nawa ako ng may kapal, isa lamang po akong makasalanang nilalang. Babae lamang po ako na may pangangailangan din. Pakiramdam ko nasa isang pelikula ako kung saan parang nagi-slowmotion ang lahat. Dahan-dahan siyang lumabas ng banyo na nakatapis lang at may mga butil butil pa ng tubig ang napatak mula sa kanyang basang buhok. Mygad self kalma! Tao lang yan, hindi yan diyos. Jusko naman. Kung ganito naman pala ka-hot 'tong lalaking 'to ay hindi na ako magtataka kung bakit ako napapayag agad-agad nito. Punyeta bakla ang gwapong nilalang naman nito. Hindi ito ang unang beses na nakita ko siya pero hindi lang talaga ako makapaniwala na 'yung gwapong naka-one night stand ko nuon ay isa nang adonis ngayon. Jusme! Bakit may mga nabubuhay na ganito kagugwapo? Ang unfair bakla! "Gising ka na pala," aniya. Mygad pati ba naman boses niya ang gwapo din. Jusko nakalimutan ko tuloy na pang table lang ako at nagpa-take-home ako dito. Sino ba naman kasing hindi papayag di ba? Ang gwapo na nito tapos babayaran ka pa. O di ba? Double jackpot ka na nun. Para ka ng nanalo ng milyon. Ay ewan ko ba. Napaka OA ko naman yata! Pero ang gwapo niya kasi talaga eh. Naglakad siya palapit sa kamang kinaruruonan ko kaya agad kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kumot na nakabalot sa hubad kong katawan. Nagsalubong ang mga kilay niya sa ginawa ko pero hindi na lang siya umimik. Binuksan niya yung drawer ng bedside table niya at may inilabas na sobre mula duon. Inabot niya iyon kaagad sa akin kaya naman tinaggap ko naman iyon. Nang tignan ko ang laman ng sobre ay napahawak ako sa bibig ko dahil sa dami ng salaping laman nun. Mygad mayaman na ako! Makakabayad na ako ng mga utang ko sa halagang 'to. Hindi ko pa nabibilang ang laman ng sobre ay sigurado na akong nasa isang daang libo ito umaabot. Ang kapal kaya bes. Mygad sabi ko na nga ba jackpot ako dito eh. "Pinalaundry ko na yung damit mo. Idedeliver lang dito ng secretary ko pagkatapos pwede ka nang umalis," pormal niyang sabi. Ay teka. Alis agad? Walang round 2? Chos lang. Hindi naman talaga ako maharot eh. Sa kanya lang. Eh kasi naman matagal ko na talagang crush 'tong lalaking 'to eh. Yun nga lang hindi ko na siya ulit nakita pagkatapos nung one night churva namin. Pero mas gumwapo talaga siya ngayon. As in yung kagwapuhan niya nuon mas lumitaw ngayon. Siya yung tipo ng lalaki na mapapalunok ka pag dumaan sa harap mo. Yung kahit masasagasaan ka na sa highway wala kang pake mapapahinto ka pa din kasi sayang ang bawat segundong hindi mo siya mapagmamasdan. "What?" aniya nang mapansing nakatitig lamang ako sa kanya at hindi umiimik. Sa buong buhay ko ngayon lang yata ako natameme ng ganito ng dahil sa isang lalaki. Jusko never pa nga akong nagkajowa eh. Bigla kong naramdaman ang pag vibrate ng tiyan ko. Agad akong napahawak duon. "Ah ano-- pwede bang makikain? Kumakalam na kasi yung sikmura ko. Saka pahiram na din muna ng damit kasi pakiramdam ko lalagnatin na ako sa lamig ng kwarto mo. Tinodo mo ba yung aircon para di tayo pagpawisan? Uyyy, masyadong conscious ayaw mong maamoy ko yung pawis mo 'no?" Kumunot ang nuo niya at naiiling na lumapit sa malaking aparador niya. Sus. Ang sungit naman pala nito. Ni hindi manlang tumawa sa biro ko. "Uy biro lang yun ah. Baka naman seryosohin mo. For sure yung mga mayayaman na katulad niyo hindi nagkaka-anghit. Siyempre marami kayong stock na rexona dyan di ba? Saka lagi kayong naka aircon." "Anghit?" Humarap siya sa akin nang may nagugulumihanang mukha. "Hindi mo alam yung anghit? Anghit, ibig sabihin putok. Hindi yung tinapay ah. Yung mabahong amoy sa kilikili ng tao. O alam mo na?" "Yes," aniya lang at muling nagkalikot ng mga damit sa aparador niya. Inikot ko ng tingin ang kabuuan ng kwarto niya. Napakalaki naman nito tapos ang taas pa ng ceiling. Ito yung kwarto na sa mga palabas ko lang nakikita eh. Ang ganda ganda talaga. Kailan kaya ako magkakaruon ng ganitong kwarto. Malaki din naman ang bahay namin nuon pero di naman ganito ka elegante. Napaka modernisado na nito kumpara duon sa old house namin. Taray may old house. Hays. Napabuntong hininga ako. Kamusta na kaya yung bahay namin? Di na kasi ako nakabalik sa lugar namin mga ilang taon na din ang nakakaraan. Hindi kasi ako pwedeng bumalik duon eh. "Here." May ibinato siya sa aking mga damit. Ay wow taray! Ganun ba talaga pag mayayaman at maraming pera? Nawawala yung pagiging gentleman. Makabato naman. "Tapos pakain ah?" hirit ko pa bago siya lumabas ng kwarto. Teka di ba magbibihis yun? Sabay na lang kaya kami. Ay ano ba yan. Kalandi mo naman Scarlett, masakit na nga yang pukelya mo gusto mo pang humirit. Parang hindi kayo naka tatlong round kagabi ah. Eh bakit ko ba kinakausap ang sarili ko? Ang gaga ko din talaga eh. Isinuot ko na ang mga damit na ibinigay niya. In fairness kasya naman ang mga iyon. Kanino naman kaya itong mga damit na 'to. Bigla akong napatakip ng bibig. Kagabi nga pala may pangalan ng babae siyang binabanggit. Ano nga ba ulit yung pangalan na yun? Harina? Yakima? Hindi eh. Ano nga yun? Uhmm. Yakimy? Ano parang brand pancit canton lang? Ay ewan! Basta ganun yun eh. Ano kaya niya yun? Girlfriend? Baka asawa? Ewan ko. Lumabas na ako ng kwarto niya matapos kong makapagbihis. Syempre dinala ko na din yung sobre na bigay niya baka magka-onsehan pa wala akong maiuwing datung. Kailangan na kailangan ko pa naman yun dahil sa aleng Bebang nag iinaso nanaman. Ayun tahol nanaman ng tahol sa tapat ng apartment ko. Di pa daw kasi ako nagbabayad ng upa. Jusko po puro anay naman yung pinauupahan niyang apartment. Dapat yung mga anay na lang yung sinisingil niya eh. Nakakahiya naman kasi di ba parang sila na yung nakatira sa punyetang pamamahay na yun. Paglabas ko ng kwarto ay naabutan ko si teka ano nga bang pangalan nitong pogi na to? Ah basta yung pogi. Naabutan ko siyang nagbabasa ng newspaper habang nagkakape. Ang gwapo naman neto. Naka tapis pa siya leche kung ano-ano nanaman tuloy ang pumapasok sa isip ko. Ano ba 'tong nangyayari sa akin hindi naman ako ganito. Pakiramdam ko nabahiran na ng kamanyakan yung isip ko dahil sa adonis na 'to. Lumingon siya sa akin at agad siyang tumayo sa kinauupuan niya. "Here. Ayan yung mga damit mo, pinalaundry ko na. Kung gusto mo kumain sumunod ka sakin sa kusina," aniya at naglakad na patungo ng kusina. Ay taray wala talaga siyang balak magdamit. Baka naman iba makain ko nyan pogi. Wag ka naman pa masyadong pa yummy. Oo na yummy ka na wag mo naman na ipaglantaran at hindi ko maiwasang magkasala. Napaka dami ko ng kasalanan dadagdag ka pa. Jusko ilayo niyo po ako sa katukso tuksong nilalang na ito! Masyado na po akong madaming nagawang kasalanan sa buhay ko ayoko na po dagdagan. Pakiramdam ko pag mag tagal pa ako ng kahit saglit pa dito, marape ko na tong lalaking 'to eh. Jusme! Napakaswerte naman ng babaeng minamahal ng lalaking 'to. Napaka-yummy na nga ang yaman pa. Napaka-unfair ng mundo. Samantalang yung iba dyan ang papanget na nga mas mahirap pa sa daga ang buhay. Napakadaya talaga. Parang ako maganda lang pero di biniyayaan ng kahit konting talino. Hay buhay parang life. Napaka-unfair kahit kailan. Mahirap na nga ako bobo pa. Mabuti na lang talaga maganda ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Last (Tagalog)

read
493.1K
bc

One Brat and the Three Bodyguards

read
23.8K
bc

DEYANIRA (His Secret Agent)

read
44.9K
bc

Married to a Cold Billionaire

read
131.2K
bc

THE FAT SECRETARY

read
168.0K
bc

Heartbeat Of The Ruthless Criminal

read
265.7K
bc

Matchmaker to the Ruthless Billionaire (TAGALOG)

read
577.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook