Kabanata 11 S C A R L E T T Maaga akong nagising kinabukasan kaya naman naisipan kong ipagluto ng almusal si Sander. Gagawan ko na din siya ng mainit na sabaw na pwede niyang higupin para naman mawala ang amats niya. Alam ko naman kasing nakarami siya ng inom kagabi kaya paniguradong sobrang sakit na ng ulo nun ngayon. Ewan ko ba kasi sa taong yun. Pogi naman siya pero kung mamroblema sa babae sobra. Ganun pala talaga kapag ang pogi na-in love ano? Nagpapakalasing rin. Akala ko kasi dati basta pogi manloloko. Mabuti at hindi naman pala ganun. Marami lang sigurong ganun pero hindi naman lahat tulad na lang ni Sander na sobrang loyal sa girlfriend niya. Kahit yata maghubad ako sa harapan niya hinding hindi niya ako titignan e. Lasing lang talaga siya nung gabing may nangyari sa amin. 'Tsak

