005

2317 Words
Kabanata 5 S C A R L E T T Paglabas ko ng kwarto ay nandun pa din si Sander sa pwesto niya kung saan ko siya iniwan. Maliit lang naman ang bahay ko kaya hindi naman na siguro siya mag-aabalang maglakad-lakad dito. Wala namang amusement park dito sa pamamahay ko para gawin niya 'yun. Natawa ako sa sarili ko nang maisip iyon. Bakit ko ba naman kasi naisip pang baka naglibot-libot siya sa pamamahay ko. Eh sa tingin lang ay malilibot mo na ang buong bahay ko. Hindi mo na kailangang maglakad-lakad. Airportless na, igagala mo na lang ang paningin mo. Teka ano nga 'yung airportless? "Gusto mo ng kape?" "No thanks. Kailangan ko lang makitawag. Namatay na kasi 'tong phone ko." "Ay wala akong load eh. Saka gabi na wala nang bukas na tindahan para makapagpaload. Ano bang nangyari sayo?" "To be honest, kanina kasi sinundan kita hanggang dito sa bahay mo just to make sure na maayos kang makakauwi kaso pagbalik ko sa sasakyan ko may mga lalaking binabaklas na yung gulong ng sasakyan ko. Tapos basag basag na din yung salamin ng sasakyan mabuti na lang at nasa bulsa ko itong phone ko kaya lang lobat naman kaya wala ding silbi." "Ano?! Mga siraulong yun! Ikaw naman kasi sinabi ko na sayo kaya ko na sarili ko tignan mo tuloy ang nangyari. Naku po mukhang ang mahal mahal pa naman nung sasakyan mo. Sayang naman iyon." "It's okay ang importante walang masamang nangyari sa akin." "It's okay? Talaga ba Sander it's okay? Eh ang mahal mahal ng isang sasakyan! Palibhasa kasi mayayaman kayo eh. Oh siya mabuti pa dito ka na lang magpalipas ng gabi tapos kinabukasan na natin ireport sa baranggay ang nangyari saka bukas na lang ako magpapaload." "No hindi na. Abala pa kung ipapabaranggay natin sila. Ipapahila ko na lang bukas ang sasakyan ko. Magpahinga ka na. Dito na lang muna ako." "Huh? Paano ka naman makakatulog dyan sa silya na yan. Ni wala nga yang sandalan. Ang mabuti pa duon ka na sa papag ko tapos sa may sahig na lang ako." "No. Hindi na ako matutulog. Magpapalipas na lang ako ng gabi." "Aba kung ganyan lang din naman pala edi di na din ako matutulog sasamahan kita magpalipas ng gabi." "No. You need to rest for the baby." "Alam mo... Ang bait mo din eh no. Kahit di ka pa siguradong sayo itong si baby pero inaalala mo na agad ang kapakanan niya." "Wala naman na akong magagawa kung akin nga talaga ang batang yan." "Sorry ah." "Bakit?" "Kasi dahil sakin nagkaruon ka pa ng problema. Mukhang mahal na mahal mo pa naman yung jowa mo. Paano na lang pag nalaman niyang nakabuntis ka ng iba. Baka maglasing ka nanaman ng sobra kapag iniwan ka niya. Ang saya saya mo pa naman nung makita ko kayo nung isang araw dun sa mall. Iba yung ngiti mo nun eh. Kitang kita na masaya ka, ibang iba sa Sander na nakita ko nun sa bar," sabi ko dahil iyon naman talaga ang totoo. Nag-aalala din ako sa mangyayari sa relasiyon nila nung girlfriend niya ano. "Wala naman na akong magagawa eh. Nandyan na yan. Hindi ko alam kung mapapatawad at matatanggap pa ako ni Yakira pero isa lang ang sigurado ako. Kung anak ko man yan, hinding hindi ko siya tatalikuran. Si Yakira ang pinaka mahalagang babae para sa akin ngayon pero hindi ko kakayaning talikuran ang batang iyan lalo't wala naman siyang kasalanan dito. Tatanggapin ko kung ano man ang magiging desisyon ni Yakira. Kung kailangan ko uling intayin siya ng matagal para mapatawad niya ako nakahanda akong gawin yun. Hindi ako susuko hanggat di niya ako mapapatawad pero never kong tatalikuran ang batang yan." Napangiti ako. Napakasarap naman pala niya— ang ibig kong sabihin, napakasarap naman palang mag mahal nitong pogi na ito. Bakit kasi di ko pa to tinuluyang akitin nuon nang di na nainlove sa iba. "Sa bagay ang ganda ganda ba naman kasi nung jowa mo kaya siguro patay na patay ka." "Hindi lang yun ang nagustuhan ko sa kanya. Highschool pa lang kami nung mapagtanto ko na gusto ko na siya kaya lang hindi pa kami pwede para sa isat-isa nuon eh kaya sinarili ko na lang kung ano man ang nararamdaman ko sa kanya. Kaya lang habang tumatagal na palagi kaming magkasama at lalo ko siyang nakikilala mas lalo din akong nahuhulog sa kanya. She's a sweet innocent girl back then. Hindi siya tulad ng ibang mga babaeng dinate ko nung highschool. She's unassuming. Wala siyang kamalay malay na naangkin na din pala niya ang puso ko." "Eh bakit di mo siya niligawan nun? Ang tagal mo na pala siyang gusto." Torpe pala ito! "I can't." "Bakit nga?" "Girlfriend siya ng tropa e," napapailing na sabi niya. "Hala! Hindi nga pwede yun. Eh buti ngayon okay na sa tropa mo na kayo na ni Yakira?" Parang nakakailang naman yun. Biglang tumamlay ang mga mata ni Sander sa tanong ko na yun. "Bakit? May nasabi ba akong mali?" "Wala." "Anong nangyari na dun sa tropa mo na jowa ni Yakira dati? Nasaan na siya? Tropa pa din ba kayo hanggang ngayon?" Pangungulit ko. Mga ilang segundo bago sumagot si Sander. "Wala na siya. Kasama siya sa mga pasahero dun sa bumagsak na eroplano, limang taon na ang nakakalipas." Gulat na napatakip ako sa bibig ko nang sabihin niya iyon. Wow! Korean Drama lang ang peg? "Oh my god! Talaga ba? Pasensya na." "Magmula nun ako na ang nag-alaga at nagprotekta kay Yakira. Kung alam mo lang kung paano siya naapektuhan sa pagkawala ni Zach. Sobra talaga siyang nasaktan at halos hindi na siya makabangon. Ayokong nakikita siyang ganun kaya ginawa ko ang lahat para lang maibalik sa mga labi niya yung ngiti ng Yakira na minahal ko pero kahit anong gawin ko pakiramdam ko may kulang pa din eh. Unti unti siyang binago ng panahon pero di ako umalis sa tabi niya. Pinangatawanan ko ang pangako ko sa kanya na kahit kailan ay hindi ako mawawala sa tabi niya. Hanggang sa finally nagawa ko ding makuha ang puso niya. Kaya di mo ako masisisi kung bakit sobrang saya ko kapag kasama ko siya. Pakiramdam ko kasi lahat ng pagtitiis at pagtiyatiyaga ko ay unti-unti na ding nag bubunga. Akin na din siya sa wakas." Parang gusto kong maiyak sa kwentong iyon ni Sander. Langya naman kasi eh. Napakagwapo na niya tapos ganun pa siya kaloyal. Mapapasana all ka na lang talaga eh. Bakit ba ang unfair ng mundo? Ang swerte swerte naman ng Yakira na yun at may lalaking ganito ka gwapo ang handang gawin ang lahat para sa kanya. Hays makakahanap pa kaya ako ng ganitong lalaki? Yung kayang gawin ang lahat para sa akin. Ang sarap sarap namang mainlab sa lalaking ito. Pakiramdam ko tuloy habang tumatagal mas lalo akong nahuhulog sa kanya. Hindi na lang dahil gwapo siya kundi dahil ang buti buti ng puso niya. Nuon kasi ang tingin ko sa mga lalaking yan s*x lang ang habol sa aming mga babae eh. Di niyo naman ako masisisi kung ganun ako mag-isip dahil ilang beses na akong nalagay sa panganib nuong nasa poder ako ng tiyahin ko. Muntik na kasi akong gahasain ng asawa't anak ng tiyahin ko pero ang hayop ako pa talaga ang pinalayas. Napakasama ng ugali. Akala mo naman bahay niya yun e bahay yun ng mga magulang ko. "Wag kang mag-alala willing naman akong humarap sa kanya at sabihin sa kanya na wala talaga tayong relasyon at yung nangyari sa atin ay di mo talaga alam dahil lasing ka lang." "No. Ako na ang bahala kay Yakira wag mo ng problemahin pa yun. Bukas ipapaschedule ko na ang pag papa-DNA natin at kung akin nga yan wag kang mag-alala sagot ko lahat ng kailangan niyo ng baby. Osige na magpahinga ka na, baka pagod ka na. Hindi mabuti para sa nagbubuntis ang mapuyat." "Hindi ako makakatulog kung andyan ka lang." "Gusto mo humanap na lang ako ng hotel na matutulugan para makatulog ka ng maayos?" "Hindi na! Delikado na para sayo ang maglakad lakad ng ganitong oras dito. Mukha ka pa namang mayaman saka walang malapit na hotel dito. Puro motel ang meron dito. Mabuti pa talaga dito ka na magpalipas ng gabi. Sige na pumayag ka na kasi. Okay lang naman sa akin sa lapag eh. Kung gusto mo tabi na lang tayo sa kama ko. Maliit lang yun pero kasya naman tayo. Wag kang mag-alala di naman ako mapagbigay ng malisya saka wala namang ibang tao dito, hindi din naman ako chismosa. Kaya halika na." Ilang beses pang pilitan bago ko siya tuluyang napapayag. Makulit kasi talaga ako at hindi kita titigilan hanggat hindi kita mapapayag sa gusto ko. Siguro napagod na din siya katatanggi kaya pumayag na din siyang magtabi kami sa kama. Di naman ako maarte no. Saka siya naman ang ama ni baby kaya wala naman ng mawawala sa akin kung magtatabi kami. Wala namang malisya. Nauna akong mahiga sa kama at tinignan lamang niya ako. Tinaasan ko siya ng kilay. "Ang arte mo naman parang di ka lalaki. Higa na!" Hinila ko siya pahiga sa tabi ko pero ang loko nawalan ng panimbang dahil sa paghila ko kaya naman dumiretsyo siya sa akin at nadaganan ako. Nasa ibabaw ko na siya ngayon. Agad na nag-init ang magkabilang pisnge ko sa nangyari pero mabuti na lang at maagap siyang lumayo sa akin dahil kung hindi ay baka di na ako nakapagpigil at sinunggaban ko na ang mga labi niyang mapang-akit. Oh tukso layuan mo ako! "Magshoshower lang ako. Pwede ba?" Ay bakit may pashower? Mygad. Hindi kaya... OMG. Mukhang mapapasabak ako ngayong gabi ah. Teka lang di ba loyal 'to sa gf niya? Eh bakit ba kasi ako nag-iisip ng kung ano? Eh paano kung gusto lang pala magshower nito kasi naiinitan siya. Eh talaga namang mainit dito sa bahay ko dahil wala naman akong aircon. "Wala akong shower pero nandun yung banyo oh." Tinuro ko ang direksyon ng banyo at tumango lang naman siya bago pumunta duon. Nakahinga ako ng maluwag. Sheeeet ka talaga Scarlett magpalit ka na ng utak. Hindi ko na nagugustuhan ang mga naiisip mo. Putek ka. Wooh! Bakit parang mas uminit yata dito bigla? Nang marinig ko ang paglabas ni Sander sa banyo ko ay agad akong nagpanggap na tulog para naman hindi na siya mailang humiga. Baka kasi mahila ko nanaman siya at baka di ko na mapigilan ang sarili ko at sunggaban ko na lang yung mapang-akit niyang mga labi. Bwisit na labi yan. Bakit kasi parang palagi na lang nang-aakit sa tuwing napapatitig ako duon. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang paglapat ng kanyang katawan sa tabi ko. Maliit lang ang kama ko kaya di naiwasang dumikit ng balat niya sa akin. Taray. Mukhang nakatopless yata si kuya. Gusto ko sanang dumilat para sumilip. Alam niyo na. Sayang din itong pagkakataon na ito para muling matitigan ang kanyang napakasarap na katawan. Kaya lang wag na baka mamaya mahuli pa ako edi nakakahiya di ba. Sabihin manyakis ako. Sa ganda kong ito? Tsk. Ilang sandali pa ay sa wakas dinalaw na din ako ng antok. Nagising na lang akong may mabigat na bagay ang nakadantay sa tiyan ko. Nang-imulat ko ang mga mata ko ay agad akong napanganga nang makitang nakapulupot ang mga braso ni Sander sa bewang ko. Pinilit kong wag tumili sa sobrang kilig. Syet ka fafa pogi. Bakit mo naman ako niyayakap ng ganyan tapos naka topless ka pa. Ikaw talaga. Napaka laki mong tukso. Kung hindi ka lang talaga taken baka sinunggaban na kita. Tae kasi bakit napakasarap mong nilalang ka. Pwede bang akin ka na lang. Napasinghap ako nang mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin at naramdaman ko na si general na sumasaludo sa may puson ko. Mygad! Gising na si general at mukhang sumasaludo na. "Sander..." gising ko sa kanya na may konting pagtulak. "Five minutes pa Yakira." Yakira? Ah so akala niya ako si Yakira kaya kung makayakap siya ganun na lang? Tsk. Supalpal ako duon ah. This time nilakasan ko ang pag tulak sa kanya na dahilan upang mahulog siya sa papag ko. Shet! "Aw. What was that?" Tanong niya na napapakamot sa kanyang ulo. "Pasensya na. Nanaginip ka kasi kaya naitulak kita. Sorry talaga di ko sinasadya promise," sabi ko na may pekeng ngiti. Bwisit na to. Payakap yakap pa tapos ibang babae naman pala ang iniisip. Ayoko na sayo, taksil ka! Maghiwalay na tayo! Chura! Ano daw. Nagpipiling nanaman ako. Hay nako talaga. "It's okay," aniya saka tumayo mula sa pagkakasalampak sa sahig. Tumayo na din naman ako mula sa kinahihigaan ko. "Ipaghahanda kita ng almusal bago ka umalis. D'yan ka lang ah." "No need. Kailangan ko na din umalis." "Ganun ba? Sige magpapaload na lang ako para matawagan mo yung sundo mo." "Hindi na. Mag tataxi na lang ako." "Sigurado ka?" "Oo salamat ah. Tawagan na lang kita para sa DNA testing. Thank you ulit sa pagpapatuloy sa akin dito kagabi." "Sus wala yun no! Mukhang di ka nga nakatulog ng maayos eh. Naku pasensya ka na ah. Maliit lang kasi itong bahay ko madumi pa. For sure di ka komportable kagabi." "No it's fine. Sige mauna na ako." Nagpaalam na siya at umalis na din naman. Hays. Umalis na ang asawa ko. Hirap talaga ng housewife laging naiiwan dito sa bahay. Ano ba yan nag aambisyon nanaman ako. Parang sira lang eh. Hayssss. Kailan kaya ako makakapangasawa ng ganun kagwapo at kabait na nilalang? Hays. Ang swerte swerte talaga ng Yakira na yun. Ang yummy na nga ng boyfriend niya, ang yaman at ang bait pa. Lord sana naman may nakareserve din sa aking ganung lalaki. Promise magpapakabait talaga ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD