Chapter 1
Isang napaka gandang Umaga. papasok sa Paaralan si Lucy gamit ang kanyang Lumang motorsiklo at naka longsleeve na light blue at Maong Pants na itim ang kanyang kasuotan at ang itim na lumang sapatos niyang suot. Naka suot rin ang kanyang puting helmet at ang kanyang buhok ay naka hati sa dalawa at naka tirintas ito.
Nasa gitna siya ng daan malapit sa Campus ng biglang nasira ang kanyang motorsiklo kaya agad niya itong tinabi sa gilid ng daan.
"Lucy, Sira na naman?" ang mataray na tanong ni Liza.
Lumingon si Lucy sa kanyang likuran ng marinig ang boses ni Liza na naka upo sa backseat ng kanyang sasakyan at muling ibinalik ni lucy ang kanyang atensyon sa motorsiklo sabay Buntung hininga.
"Kailan mo ba papalitan ang bulok mong sasakyan, Araw araw ganito nalang ang nangyayari sayo." ang maarteng sabi ni liza sabay baba sa kanyang magarang sasakyan na pagmamay ari niya na lumapit kay lucy.
Ngunit si lucy hindi na nag abala pang tumingin pang muli ka'y Liza dahil alam naman niya na puro panlalait lang ang kanyang sasabihin sa kanya at pinagtuunan nalang ng pansin ang kanyang motorsiklo sa pagpokpok nito na nagbabakasakaling umandar ang kanyang Lumang motorsiklo.
"Naglilimahid ka!" mapanglait na sabi ni liza at may kinuha ito sa kanyang mamahaling bag at sabay abot sa maliit na piraso ng GUCCI leather pocket kaya't napalingun si Lucy sa inabot nito at nagtataka naman si lucy kung para saan ang kanyang binibigay na leather.
"Ayan punasan mo, Sige na huwag kanang mahiya." pangungulit pa nito kay Lucy at tinanggap naman ni Lucy ang maliit na piraso ng leather at sabay talikod ni liza.
wala pang isang segundo na nakatalikod si Liza ng muli itong humarap ka'y Lucy
"O syanga pala yari ng GUCCI ang pocket na yan, Isa-uli mo nalang sa akin." pagmamayabang pa nito
"Kung hindi dahil sa iyo nasa Guinness book record na tayo, lahat ng Mag-aaral naka kotse at ikaw lang ang naka motorcyle." patuloy na sabi pa ni Liza at sabay pasok sa kanyang kotse at tuluyan ng umalis.
Walang nasabi si Lucy at pinanuod nalang ang kotse ni Liza na papalayo.
Nang wala ng magawa si Lucy upang umandar ulit ang kanyang motorsiklo naisipan nalang niya na Itulak ang kanyang motorsiklo hanggang marating niya ang Kilalang Paaralan na kanyang Napasukan dahil sa kagustuhan ng kanyang ina.
At nang na park na ni Lucy ang kanyang nasirang Motorsiklo ay ang pagdating naman ng kanyang tito na taga linis ng kapaligiran sa campus.
"Lucy, kamusta?" tanong ng kanyang tito.
"Mabuti naman po tito." magalang na sagot ni lucy sa kanyang tito
"Ano?, Nasiraan kana naman?" tanong ng kanyang tito na papalapit na sa kanyang kinaroroonan.
"Ganoon na nga po!, Pero wala po itong anuman., Kaya kuna po itong ayusin, madali lang po ito." ang magalang na sagot niya habang binubuksan ang kompartment ng kanyang motorsiklo at kinuha ang isang paper bag na may laman na pagkain.
"Ito po ang baon ko dinala ko po para sa inyo." sabay abot sa kanyang tito.
"Salamat Lucy!" sabi ng kanyang tito nang kinuha ang paper bag.
"Walang anuman po." sabay yuko bilang pag galang sa kanyang tito at ngumiti ng matamis.
"Sapalagay ko ikaw lang ang nakaka alam sa inyong eskwelahan kung ano ang electricfan." pabirong sabi ng kanyang tito ng tumalikod na ito at umalis na upang mag linis sa kapaligiran ng campus kaya't napatawa nalang si Lucy sa tinuran ng kanyang tito.
At nang naglalakad na si Lucy upang tumungo sa locker ay nadaan niya si Liza na kausap si karen at sa hindi sinasadya ay naririnig ni Lucy ang kanilang bangayan dahil sa lakas ng boses ng dalawa.
"Ahhh.! Ano naman kayang maganda sa bag niya., Tignan mo kung anong meron ako." mataray na sabi ni karen kay Liza at hinawi ni karen ang suot niyang leather long jacket upang maipakita ang kanyang mamahalin at napaka gandang kasuotan na sexy fit dress na kulay pulang rosas.
"Meron kaba nito?" ang pagmamayabang pang tanong ni karen kay Liza.
Ngumiti lamang si Liza at yumuko ng kaunti sabay haplos sa kanyang mamahaling kwintas at muling tumayo ng tuwid si Liza.
"Bihira lang ang meron na diamond necklace na ganito." sabay ngisi ng tagumpay si Liza.
"Ano may masasabi kapa?" mataray na tanong ni Liza sabay ngisi.
Mas lalong ngumisi naman si karen dahil sa kanyang huling baraha na tiyak siya ang magtatagumpay sa araw na ito.
"Sandali lang., Wala kana bang ibang gamit na dala?" naka ngising tanong ni karen at paninigurado pa nito.
"Talo ka!" sabi pang muli ni karen na naka ngisi parin
"Hindi ah." naiinis na sagot ni Liza.
"Halika pagmasdan mo akong mabuti ngayon, huwag kang kukurap." sabay lapit ng mukha nito kay Liza at kaliwa't kanan niyang binabaling ang kanyang mukha sa harapan ni Liza.
At nang napagmasdan ng mabuti ni Liza ang tinutukoy ni karen ay bigla itong nagulat at naituro ni Liza ang magandang Ilong ni karen ngayon habang nakangisi lang ng malaki si karen.
"Ginaya mo ba ang ilong ni julia Robert?" gulat na tanong niya kay karen at ang sabay ng pagtawa ng malakas ni karen.
"Ang daya mo! Hindi mo man lang ako sinama." naiinis na sabi ni Liza na nakabusangot na ngayon.
"Limited quantity lang ito." tawang tagumpay ni karen habang naglakad na ito patungo ng classroom na humabol at sumabay naman si liza kay karen.
"Kaya naman pala." sabi ni Liza.
"Anong kaya naman pala?" takang tanong ni karen at lumingon kay liza.
"Hindi kita makita noong winter vacation." mataray na sabi ni Liza.
"Saan mo ba ako hinanap?" tanong ni karen.
"Sa Paris." maikling sagot ni Liza
"Hindi mo nga ako makikita." sabay siko niya sa baywang ni Liza at sabay tawa at ang unti unting paglaho ng dalawa sa harapan ni lucy.
At ng nakarating na si Lucy sa kanyang locker nadatnan niya si gemma na naroon din at kumukuha ng libro sa kanyang locker.
"Good morning gemma." maganang bati ni Lucy kay gemma.
"Good morning." pabalik na bati ni gemma kay Lucy.
Kumunot ang nuo ni lucy ng napansin ang librong hawak ni gemma.
"Teka., Binabasa mo ang Original textbook?" takang tanong ni Lucy.
"Kailangan., Meron tayong Research paper sa economics." sagot ni gemma.
"Pero sabi ni Professor ito ang babasahin." mahinahon na sabi ni Lucy sabay turo sa libro na kanyang hawak.
"Bali wala naman kung tutuusin., Naisip ko lang naman na ang professor na katulad ni jobert ay may pagka strickto kaya naisip ko na rin na basahin ang librong ito., Kapag marami kang nabasa marami karin masasagot sa tanong niya." mahabang pahayag ni gemma.
Napa buntung hininga si Lucy at dismiyado sa kanyang sarili.
"Tapos na ako! Siguradong bagsak na ako." malungkot na sabi ni Lucy
"Huwag kang mag alala madali lang naman yan." positibong sabi ni gemma upang lumakas ang loob ni Lucy.
Tumango naman si lucy paraan ng kanyang pangsang ayon sa kanyang sinabi.
"Siguro ganoon na nga., ito lang naman ang pinapa basa niya diba?" sabay taas sa librong kanyang tinutukoy at tinignan niya ang libro.
"Ang totoo nga niyan ikaw lang naman talaga ang nag aaral ng mabuti karamihan hindi. Pumapasok lang sila para makipag sosyalan. Kapag hindi ang kotse ang pinag uusapan ay ang payabangan ng bagong bag at kung hindi naman syempre ang bagong damit na mamahaling kanilang binili." mahabang pahayag ni lucy sa mga gawain ng mag aaral dito sa campus.
"Alam mo ba si karen nag pa ritoke siya ng ilong five hundred thousand dollars ang kanyang nagastos." excited na kwento ni gemma sa kanya.
"Five hundred thousand dollars?" gulat na tanong ni lucy sa halaga na ginastos na pera para lang sa ilong.
"Hindi na maganda., Kawawa naman siya hindi na sila makakapaglaro ng piggy nose." seryosong sabi ni lucy.
"At bakit naman?" takang tanong ni gemma kay lucy.
"Kasi kapag ginawa niya ito sasabog ang kanyang ulo." sabay piggy nose sa kanyang ilong at tinuro ang ulo.
"Lucy, hindi naman siguro." natatawang sabi ni gemma.
"Kung ayaw mo maniwala bahala ka! Magpa ritoke karin ng ilong." seryosong sabi ni lucy at sabay lakad patungo sa classroom na sumunod din si gemma sa kanya.
Habang naglalakad sila may nadaan silang isang classroom na pinagkukumpulan ng maraming estudyante ang labas ng classroom at maraming bulung bulungan na naririnig sa paligid at may isang estudyante nasa loob ng classroom ang kanilang pinag chichismisan. nang marinig ni lucy si karen na nag uusap sila ni Liza ay nalaman niya ang kanilang pinag uusapan tungkol iyon sa isang studyante na nasa loob ng classroom na si leo.
"Ang laki ng kanyang pinayat diba?, Isang linggo lang iyon. Ang balita ko titigil na." sabi ni karen habang naglalagay ng make up sa kanyang mukha.
"Kung ako lang sa kanya hindi na ako magpapakita pa dito., iiwan ko nalang ang mga gamit ko." sabi pa ni liza
At may iba pang chismisan ang naririnig na nagkukumpulan sa labas ng classroom
"Oo nga talagang nakakahiya., Tignan mo hindi man lang siya maka harap sa mga tao." sabay buntung hininga ng isang estudyante nagsalita.
"Lapitan mo kaya siya at kausapin." sabi pa ng isang estudyante.
"Ayoko nga., Malay ba natin kung may kinalaman si young master sa kanya." sabi pa ng estudyante at maraming nagtatawanan sa paligid.
Lumabas na naka yuko lamang ang estudyante na kanilang pinag chichismisan kanina pa ng biglang nahulog ang mga librong kanyang dala.
Kaysa tulungan nila ang kapwa nila estudyante ay pinagtawanan lamang ito kaya't naawa at naisipan ni lucy na tulungan niya ang kapwa niyang estudyante subali't bago pa man siya makalapit dito ay hinatak ni gemma ang kamay ni lucy upang pigilan niya ito at pinagsabihan siya ni gemma.
"Huwag lucy., Kapag tinulungan mo siya hindi natin alam kung ano ang gagawin sa atin ni young master." takot na tinuran ni gemma kay lucy.
"Pero." nagdadalawang isip si lucy kung pakikinggan ba niya si gemma o hindi dahil naaawa talaga siya sa estudyante na si leo.
"Alam mo na naman na naka bangga niya si young master noong nakaraang linggo kaya't napilitan siyang tumigil sa pag aaral."
Sa tinuran ni gemma ay biglang nag flashback kay lucy ang mga sinabi ng studyante kay young master noong nakaraang linggo
"FLASH BACK"
"Gaano kaba kagaling young master ah?, Satingin mo ba takot lahat ng mga tao sayo." mayabang na tanong ng estudyante kay young master. Sabay humarap naman si young master kasama ang kanyang grupo sa estudyante upang makita niya kung sino ang hampas lupa na may gana pagsalitaan ng ganyan si young master steven.
"Kilala mo ba kung sino kausap mo?" seryosong at may diin na tanong ni young master.
Kinabukasan may natanggap na card letter ang Estudyante at nakita ng karamihan kaya't Nagsilayuan sila sa kanya.
"END OF FLASH BACK"