Kinabukasan, Naglalakad ang magkakaibigan na si steven,lenard at si diego sa loob ng campus.
"Kakaiba ang kilos mo ngayon." takang tanong ni diego kay steven dahil napapansin niya itong tahimik.
"Hindi." maikling tanggi nito sa kanyang kaibigan.
"Talaga." pangungulit pang tanong ni lenard na hindi kumbinsido sa sagot ni steven at hindi na muling sumagot si steven habang patuloy parin silang naglalakad.
hindi nila napansin si lucy na nadaan nila na nakatingin ng masama kay steven at tumakbo si lucy patungo kay steven at mabilis niya itong itinulak.
"Steven." sigaw ni lucy at sabay niya itong sinapak ng malakas sa mukha na ikinagulat ni steven dahil hindi na ito nakaiwas sa suntok ni lucy.
"Isa kang duwag! Lalaki kaba o hindi? Ang lakas ng luob mo na gawin ito sa akin." galit na galit na sigaw ni lucy sa harapan ni steven pagkatapos niyang sabihin iyon tumalikod na ito at umalis na galit na galit ng iwan na niya si steven na tulala parin at ang dalawa nitong kasama dahil sa nangyari sa kanya at hindi man lang ito nakapag salita at pinagmasdan lang nila ang papalayo na si lucy.
"Tol, okey kalang ba?" nag aalalang tanong ni lenard kay steven.
"Uminom ka muna." ang alok ni diego sa kanyang can softdrink.
Tumatakbong tumungo si lucy sa rooftop at hingal na hingal ito ng nakadating sa rooftop.
"Ah kinakabahan ako." ang sabi niya na hawak hawak na nito ang kanyang puso na patuloy parin sa paghingal dahil sa ginawa niyang pagtakbo.
"Maghihiganti kaya sila sa akin? Nakaka takot naman." ang takot na tanong nito sa kanyang sarili ngunit biglang nagbago ang kanyang pakiramdan at ngumiti ito ng malawak.
"Pero magaan na ang aking pakiramdam, mga halimaw hindi ako susuko sa inyo" malakas na sigaw ni lucy sa rooftop.
Tahimik na nakababad sa hot spring sa mansyon si steven na malalim ang iniisip dahil sa mga nangyari sa kanya sa sunod sunod na mga araw na nagdaan.
Tahimik na nakikinig at nanunuod si lucy sa labas ng studio sa masarap na musikang nanggagaling sa violin na pinapatugtog ni zeus na mag isa sa loob ng studio sa campus at dahan dahan itong pumasok at lumapit kay zeus.
Biglang tumigil si zeus sa pagtugtog ng nakaramdam ito ng presensya ng tao at tumingin ito sa taong papalapit sa kanya.
"Ahmmm, tumutugtog ka pala ng violin, Ang galing mo naman, napaka gandang pyesa, ano bang title ng pyesang iyan?." manghang mangha na tanong ni lucy kay zeus.
"Alam mo bang nakaka istorbo ka." masungit na sabi ni zeus at nag ligpit na ito ng gamit niya.
"Ahm hmm kaya lang ako nagpunta rito para makapag pasalamat sa iyo, yung nangyari kahapon marahil hhmmm. Kung hindi ka dumating baka kung ano na ang nangyari sa akin." mahabang pahayag ni lucy kay zeus.
"Kung alam ko lang na nanggugulpi karin ng tao pinabayaan nalang sana kita." masungit na sabi nito kay lucy at paalis na ng studio.
"Ano kasi,. Pero masaya parin ako dahil alam kong isa ka parin sa grupo ni steven, pupunta parin ako sa rooftop." sunod sunod na pahabol na sabi ni lucy kay steven at ng nasa pinto na si zeus bigla itong huminto.
"Hindi na ako pupunta roon." seryosong sabi ni zeus at tuluyan na itong umalis at iniwan na mag isa sa loob ng studio si lucy.
Tahimik na naglalakad si lucy patungo sa kanyang nakaparking na motorsiklo nakangiting binuksan ni lucy ang kompartment ng kanyang motorsiklo upang ilagay ang iba nitong gamit sa loob ng kompartment ng kanyang motorsiklo ng biglang may dalawang lalaking naka pormal na suot at malalaking katawan ang lumapit kay lucy.
"Ikaw ba si lucy?" ang tanong ng isang malaking lalaki kaya napalingon si lucy sa kaniyang tabi at kaliwat kanan itong tumingin ng bigla siyang hinawakan ng dalawang malalaking lalaki kaya't nagpupumiglas ito upang makawala ngunit kahit anong pagpupumiglas na kanyang gawin wala itong magawa dahil sa lakas ng dalawang lalaki.
"Anong ginagawa niyo bitawan niyo ako." matapang na sabi ni lucy sa mga lalaking humahawak sa kanya at nagpupumiglas ito ng sunod sunod
"Sumama ka sa amin." matigas na sabi ng isang lalaking humahawak kay lucy.
"Saklolo, tulungan niyo ako saklolo." sunod sunod na sigaw ni lucy at patuloy sa pagpupumiglas ngunit kulang ang kanyang lakas upang makawala sa dalawa kaya't tuluyan siyang natangay ng mga ito at isinakay siya sa kotse at mabilis na pinatakbo ang sasakyan
Hanggang sa sasakyan patuloy na sumisigaw si lucy na humihingi ng saklolo at patuloy sa pagpupumiglas kaya't walang magawa ang mga lalaki upang pigilan si lucy sa kalikutan nito kayat binigyan si lucy ng pampatulog upang ligtas silang maka punta sa kanilang patutunguhan.
Ligtas na nakadating sa mansyon ni steven ang mga tauhan nito at ang pinadampot ni steven na si lucy na tulog parin hanggang ngayon at nasa isang silid ito na may kasamang tatlong mga babae na mag aayos sa kanya.
"Hmmm Ang ganda ng kanyang kutis." manghang sabi ng babae kay lucy
"Gamitan natin ang low cycle." ang sabi ng isang babae na nakatingin parin sila kay lucy habang mahimbing parin ito sa pagtulog.
"Medyo malaki ang kanyang baywang." sabi ng isang babae.
"Gamitin natin ang energy resonator." ang sabi ng babae na unti unti ng nagmulat ng mata si lucy at tahimik na nakatingin at nakikinig sa tatlong babae na sunod sunod na nagsasalita
"Maskulado ang kanyang mga braso kailangan ng masahe." ang sabi pa ng isang babae.
"Medyo malaki sa bahaging ito, lagyan mo ng seaweed mask." sunod sunod na sabi ng mga babaeng nasa silid kasama si lucy na para bang pinag aaralan ang buong nitong katawan.
"Sino ba kayo." takang tanong ni lucy at mabilis itong bumabangon sa pagkahiga ngunit bigo itong maka tayo dahil pinigilan ito ng mga babae sa pagtayo.
"Huwag kang magalaw." pigil ng mga babaeng nag aayos kay lucy at tuloy tuloy lang nagpupumiglas si lucy ngunit wala itong magawa dahil mag isa lamang ito at tatlo ang pumipigil sa kanya
Hanggang sa matapos na maayusan si lucy na naka suot na ito ngayon ng sexy fit na black dress at naka heels ito at naka lugay ang mahaba at maganda nitong buhok na may kaunting simpleng make up sa kanyang mala anghel na mukha dahil sa kanyang kaayusan ngayon biglang lumitaw ang nakatagong kagandahan nito na parang isang dyosa.
Sinamahan ng matandang lalaki si lucy na nagtungo sa napakalaking Silid at pinagbuksan ng matandang lalaki ng pinto si lucy.
"Pumasok po kayo." magalang na pag anyaya ng matandang lalaki kay lucy ng mapag buksan niya ito ng pintuan kaya't sumunod si lucy sa sinabi nito.
"Maghintay ka muna sandali." mahinahon na sabi ng matandang lalaki ng tuluyan ng nakapasok si lucy at umalis na sa silid ang matandang lalaki pagkatapos niya iyong sabihin kaya't naghintay nalang si lucy habang nakatayo.
"Kamusta? Nagustuhan mo ba ang ayus mo ngayon." baritonong boses ang umagaw sa atensyon ni lucy ng napatingin ito sa nagsalita at nakita niya si steven.
"Anong ginagawa mo rito?" takang tanong ni lucy kay steven.
"Ito ang bahay ko." mabilis na sagot ni steven sa tanong ni lucy.
"Bahay mo? May beauty salon ka sa bahay mo?" takang tanong ni lucy kay steven at napangisi naman si steven sa reaksyon ng dalaga.
"Ganyan ang buhay ng nasa upper class, ito ang klase ng buhay na hindi mararanasan kailanman ng nasa lower class pero napatunayan ng isang kapang karaniwan na tulad mo na magkatapos maayusan pwede parin mag mukhang mayaman, hmm ano sa palagay mo." mayabang na pahayag ni steven kay lucy.
"At anong gusto mo ngayon." mahanghang na tanong ni lucy kay steven.
"Ang gusto ko hmmmm, sumama ka sa akin." seryosong sabi ni steven sa tanong ni lucy.
"Sumama ako sayo?" gulat na tanong ni lucy kay steven.
"Hawak naman kita sa school diba? Malaya kang makaka galaw, kung mag isa kalang pwede kang sumabay sa akin haha ano sa palagay mo? Dapat maging masaya ka." mayabang na pahayag na sabi ni steven na unti unti itong lumalapit sa gawi ni lucy.
"Oo nga masaya ang pakiramdam kasi napatunayan ko kung gaano sukat ng iyong pagkatao, napaka materyoso mo para sayo katapat ng tao pera." galit na sabi ni lucy kay steven at inis na inis ito sa kayabangan ng binata.
"Hindi mo ako nauunawaan, Sa palagay mo ba masaya ako? Kung nakikita ko naman na nalulungkot ka sa kalagayan mo, pwede kitang bigyan ng malaking allowance buwan buwan ng platinum card, pumili ka ng kotseng gagamitin mo, pwede ko ibigay sa iyo ang laya sa buhay, lahat naman ng bagay sa mundo salapi ang nagpapagalaw ano paba ang hahanapin mo? wala kanang ibang lalaking makikitang katulad ko." mahabang pahayag na sabi ni steven kay lucy nakaramdam naman ng sobrang galit si lucy sa mga pinagsasabi ni steven.
"Utak hindi pera talagang nababaliw kana, ibalik muna ang gamit ko gusto kunang umuwi." inis na sabi ni lucy kay steven at sabay binato ang suot nitong heels kay steven.
"Bakit lucy." takang tanong ni steven kay lucy.
"Bakit steven Sa palagay mo baliw ako? Gusto mo akong bilhin na parang produkto? Hindi mo ako mabibili ubusin mo man ang salapi mo." mataray na sabi ni lucy kay steven.
"Ano,. . napakaraming babae diyan na gustong sumama sa akin." pagmamayabang pang sabi ni steven kay lucy.
"Pwes puntahan mo sila huwag mo akong itulad sa kanila at ito ang tandaan mo kailanman hindi mo ako mabibili ubusin mo man ang kayamanan mo." galit na sabi nito at mabilis itong tumalikod at umalis na sa harapan ni steven.
"Lucy." habol pang tawag ni steven ngunit hindi pinakinggan ni lucy at tinanggal ang isa pang naka suot na heel sa kanyang kaliwang paa at ibinato ito sa sahig at tuluyan ng umalis.
"Tabi diyan." sigaw na sabi ni lucy nang mabuksan ang pinto at nakita ang lalaki na naka harang sa pintuan at mabilis na tumabi ang lalaki at pumasok sa silid.
"Sir." Tawag ng lalaki kay steven ngunit hindi niya ito pinansin at pumunta na sa kanyang malaking kama at umupo ito at sumandal ito sa headboard ng kama na malalim na nag iisip.