Dahil sa pagmamadali ay hindi namalayan ni Hagyun ang pasugod na si Seonggyun. Kasabay ng malakas na pag-indayog ng kamao nito sa kanyang kanang pisngi ay napa sindak siya sa gulat. Paglabas kasi nila sa restaurant ni Joyce habang akay niya ito ay palabas rin si Seongyun sa bar at halos magkatapat lang ang puwesto ng mga ito. Small world ika-nga?
"What the hell did you do to Joyce?" Sarkastikong tanong ni Seonggyun sa kanyang kuya Hagyun. Palabas na sila mula sa club at palabas rin ang mga ito mula sa isang French restuarant.
"Walanghiya ka! How could do this to her?" Seonggyun knows that Joyce cannot hold her drinks. Magmula noong college sila ay alam nilang hindi ito umiinom ng mga wine, beer, and any kind of liquors. Madali kasi itong malasing.
"I didn't do anything. She was just a little bit tipsy." sagot ni Hagyun sa kompronta ni Seonggyun sa kaniya.
"Tipsy?" makahulugang tanong ni Seonggyun "She's not even tipsy. She was drunk! Look at her, she can't even walk straight?" ani Seongyun. Napakaliit lang talaga nang mundo para sa kanilang tatlo dahil akalain mong pagtatagpuin sila sa iisang lugar at makita niya si Joyce sa ganoong kalagayan. "You porpusely make her drunk, right? You planned it!" akusasyon niya sa kaniyang kuya.
"I'm sorry. I will send her home now," ani Hagyun sa kapatid. Ayaw niyang makipag-komprontahan dito.
"No!" Malakas na sigaw ni Seonggyun. "I will send her home. I can't trust you to take care of her. How could you make her drunk? I know you very well, Kuya. Sorry but I don't trust you at all," wika ni Seongyun sa kanyang big bro. Kahit magkapatid pa sila ay hindi niya hahayaang mapunta lang sa kapatid niya si Joyce. Joyce is a treasure. A very rare gem to them. She's special.
"I love, Joyce. I won't hurt her." ani Hagyun.
"Sabihin mo sa amin 'yan kapag hindi mo na ulit lalasingin si Joyce? Para sabihin ko saiyo, mas gusto ko pang karibalin ka dahil hindi ka nararapat sa katulad ni Joyce! If you really love her prove it to her! 'Wag mong daanin sa maling paraan!" Sumbat ni Seongyun sa kapatid. "Hindi ako papayag sa iyong binabalak! Not for Joyce kuya, she's not one of your women."
"How could you so sure, ha?" Ini-upo ni Hagyun si Joyce sa may gilid ng kalsada.
Nayayabangan na siya sa kakadakdak ng kanyang kapatid. Kaya pagbibigyan niya ito. Dahil lasing ang dalaga ay basta nalang nitong inihaga ang kanyang katawan sa gilid ng daan at hindi niya alam kung ano ang nagyayari sa kanyang paligid.
"Dahil playboy ka! I will not let you hurt, Joyce! Joyce is not like what you think! Iba siya sa mga babaeng dumaan sa buhay mo!" ani Seonggyun dito.
Nagkasalubong ang kanilang mga mata, walang sinuman ang gustong kumurap. Naikuyom ni Hagyun ang kanyang kamao. Mata sa mata. Puso sa puso. Nanigas ang kanilang mukha. Parehong nanghuhusga ang kanilang titigan.
"Ano? Lalaban ka?" Matapang na sigaw ni Seonggyun.
"Hindi kita uurungan!" Malakas ring sigaw ni Hagyun sa kapatid.
Nagsuntukan ang dalawa dala ng mainit ng init ng kanilang ulo dahil sa bangayan at dahil narin sa ispirito ng alak. Maraming tao ang dumaraan ngunit walang nagtangkang umawat sa kanila. Nagpalitan sila ng suntok hanggang sa parehong basag ang kanilang mga guwapong mukha. Sinira lang nila ang kanilang kaguwapuhan dahil sa iisang babae. Very worth na pagsuntukan. Matira ang matibay.
"Stooooopppp!" Malakas na sigaw ni Joyce ngunit nakahiga pa rin ito sa semento at nakapikit pa rin ang mga mata. Do'n lang parehong natigil ang dalawa sa pag-bubugbugan. Sabay nilang dinaluhan si Joyce. At sabay rin nilang ibinangon. Muli nagtagpo ang dalawang mata ng magkapatid animo bata na walang sinuman ang gustong bumitaw sa iisang laruan.
"I'll send her home," ani Hagyun.
"No. I'll send her home," matigas na komento ni Seonggyun.
Pagkatapos ng twenty-minutes na pagkakahandusay sa semento ay natauhan na si Joyce mula sa pagkawala sa kanyang sarili. "Let me sit! Get of your hands on me!" Utos niya sa dalawa. Sinunod naman siya ng mga ito. "You and you too!" Turo niya sa mga ito. "Grab a taxi and I'll go home myself. Two of you get lost! Ang gagaling ninyo, no? Nagturuan pa kayong dalawa kung sino ang gustong maghatid sa akin? Kaya kung umuwing mag-isa!" ani Joyce na sapo ang ulo. Ang bigat kasi ng ulo niya dala ng wine na ininim niya. Tila naparami siya kaninang nainom. Animo naging sampung kilong karne ang bigat ng utak niya. Ang sabi ni Hagyun sa kanya kanina wine is good with the steaks pero nadali yata siya dahil imbis na mabusog siya, nalasing siya. "Ano na!?" sigaw muli ni Joyce. "I want to go home! Saan na 'yung taxi?"
Nagkatinginan ang dalawa. "I get my car," paalam ni Hagyun kay Seonggyun. Tumango naman si Seonggyun bilang pag-sang ayon.
"I'll stay with her." ani Seonggyun.
"Don't take her away!" Banta ni Hagyun sa kapatid.
"I'm not like you, bro. Cunning!" Nanlalansik ang mga matang sagot ni Seongyun sa kuya niya.
Imbis na sa apartment ni Joyce ang pag-uuwian nila sa kanya ng gabing iyon ay dinala siya nina Hagyun at Seonggyun sa mismong bahay ng mga ito. Their mom took good care of her. Binanyusan siya at pinalitan ng damit. Pagkatapos siya nitong inasikaso ay hinarap naman ng ginang ang dalawa nitong mga anak. Ngayon lang niya nagpag-alaman na takot pala ang mga ito sa kanilang mommy Jennylyn.
"You two!" Turo nito sa kanilang dalawa. "Look at yourself! Mukha kayong sanggano sa hitsura ninyo! Malalaki na kayo at hindi na kayo mga bata, but why you still need to fight at mag-kasakitan!" Panenermon ng kanilang ina sa kanila. Sa buong buhay nila ay ngayon lang sila nag-kasuntukang magkapatid dahil sa babae. Nag-aaway man ang ito at at nagkakatampuhan pero never silang nag-kasakitan tulad ng nangyaring ngayon. It's because of Joyce kaya sila nag-kasakitan. They both want Joyce and they both want to protect her.
"Ma," ani Hagyun. "I'm sorry. Heto kasi bigla nalang akong sinugod at sinuntok nang makitang kasama ko si Joyce and when he found out that Joyce was drunk because of me," paliwanag nito sa ina.
"Hindi naman siya malalasing sa lagay na ganoon kung hindi mo siya hinayaan? Dapat inawat mo siya!" ani Seongyun sa kuya niya. Alam niya kasing hindi talaga umiinom si Joyce at ewan niya kung bakit napapayag niya itong uminom.
"She found it nice? Why you blame me for that?" paliwanag ni Hagyun.
"Dahil alam ko ang takbo ng isipan mo!" matigas paring katwiran ni Seongyun dito.
Pumalakpak ang kanilang ina dahil sa katapangan nila. Napatingin sila sa kinauupuan nito. "I don't want this to be happenned again. And you Hagyun, leave Joyce alone. At ikaw naman Seonggyun, don't be so harsh sa Kuya mo. Kahit pa magkaribal kayo sa iisang babae mag-respetuhan kayo, get it? Or else two of you will go back to Korea!" Nagbabantang sabi ng kanilang ina.
Iyon ang ayaw nilang mangyari dahil kapag nasa Korea sila they don't have enough freedom hindi kagaya kapag nasa Pilipinas sila. And they love the environment and the people here in the Philippines too. Kaya hindi sila papayag na ganoon ang mangyari sa kanila. Parang bakasyonan lang nila ang Korea. Mas gusto kasi nilang manirahan sa Pilipinas because they can do whatever they want. Lalo na at masaya silang naninirahan dito. Kapag nasa Korea ay puro trabaho lang sila doon.
"We promise to behave," sagot ng mga ito sa kanilang ina. Parang mga batang nag-agawan lang ng laruan at tuloy napagalitan.
"That's great!" Dumating ang ice pack. Sila naman ang inilagan at inasikaso ng mommy Jen nila. Napaka-suwerte nila dahil may mabait silang ina. Napakapit ang dalawang magkapatid sa bisig ng kanila ina. They both show love and respect to their mom kahit na minsan ay masungit ito.Filipino mom always knows what is best fot their kids kaya naman napaka- suwerte talaga nila.
"Ma, we sorry. Promise hindi na mauulit. Sorry, kung pinag-aalala ka namin."
Ginulo ng kanilang ina ang kanilang buhok. "You two are forever my baby. Sympre, ayaw ko lang makitang nagkakasakitan kayo. It doesn't solve the problem kahit na magpatayan pa kayo. Make sense, Am I right?" ani kanilang mama. "Actually, ay boto naman ako kay Joyce na maging manugang ko siya. Depende nalang kung sino sainyong dalawa ang pipiliin niya. And make sure don't play her heart and don't make her cry? Kung hindi ako na ang nagsasabi sainyo kung ano ang magiging parusa ninyo kung sakasakali." Banta ng kanilang ina sa kanila.
Tumango sila bilang pagsang-ayon. "And how about me?" tanong naman ni Weilah ng makita kung gaano ka-sweet ang kanyang mga kuya sa kanilang mommy Jen.
Ngumiti ang mga kuya niya. "Ampon ka lang namin! Napalot ka namin sa labas noong baby ka pa," pang-aasar ng mga ito.
"Ang sabi ni Mommy may nagtapon saiyo sa labas ng gate kaya pinulot ka niya," dugtong naman ni Seonggyun sa pang-aasar at napa ngingiwi pa ito dahil masakit pa rin ang panga niya mula sa natamong suntok mula sa ksnyang kuya Hagyun.
Nilapitan ni Weilah ang mommy Jen nila at nagpakandong saka tinanggal ang mga kamay ng kanyang mga kuya na nakalawit sa magkabilaang braso nito. "Mommy, oh! Niloloko ako nila kuya!" Nakanguso niyang sumbong.
"Sympre hindi totoo 'yon. Ikaw ang princessa ng mga kuya mo. Huwag kang maniwala sa pinagsasabi nila." pagtatangol naman ng kanilang ina sa kanilang bunso.
"See, hindi naman ako ampon ,eh!" aniya at saka binelatan ang mga ito.
Napuno ng biruan at tawanan ang sala ng bahay nila. Rinig na rinig ni Joyce ang masayang tawanan ng pamilya Eu. Kung lumaki rin lang sana siyang buo ang pamilya ay ang sarap rin sana sa kanyang pakiramdam. Mula sa pagbabalik tanaw niya ay muling naiyak si Joyce. Hindi niya napigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha. Namuhay siyang mag-isa at walang kinikilalang ama't ina.
Nilapitan siya ng mommy nina Seonggyun at Hagyun.
"Cried loud out, Hija." aniya. "I heard your family story to my two son's and I feel sorry for you."
Lalong napahagulgol si Joyce. "Sorry po Tita Jen." Hiyang amin niya. "Sa totoo lang hindi niyo naman po ako puwedeng kaawan. I get used to it naman na, actually I felt jealous. I envy your family so much. Hindi ko kasi naranasan ang ganyan."
"You are welcome to our house, Joyce. You can also call me Mommy Jen, if you want," nakangiti nitong sabi sa kanya.
"It's my pleasure, M-Mommy Jen," saka niyakap ito ni Joyce. Yakap ng isang anak sa kanyang ina. Muli ay naramdaman ni Joyce ang yakap ng isang ina mula sa mama nila Seonggyun at Hagyun. Napakasuwerte ng mga ito. At iyon ang wala sa kanya. Naiyak na naman siya. Natulo na naman ang luha niya. Bukas ay kokomprontahin niya bukas ang dalawa sa ginawa nilang pagkakasakitan at pagsusuntukan.
Next...