"Hello!" Excited na sabi ni Sandy sa nasa kabaling linya.
"May I Speak to---"
Hindi pa man ito natatapos sa sinasabi ay nagsalita na siya. "Yes, speaking," ani Sandy.
"Ha?" Gulat na sagot ng nasa kabilang linya.
"Ah, ako 'yung kausap mo kanina? Iyong may-ari ng cellphone!" ani Sandy dito.
"Oh." sagot nito.
"So kailan tayo magde-date?" Naramdaman niya ang pinong kirot ni Renz sa braso niya pero hindi niya ito pinansin.
"Ang landi mo! Date ka diyan!" Natatawang bulong ni Renz sa kanya. Binelatan lang ito ni Sandy.
"Date?" ulit naman ng kausap niya sa kabilang linya.
Napangiwi si Sandy sa biglang paglakas ng boses ng prince charming niya. Parang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya.
"Miss, tumawag lang ako para pag-usapan ang tungkol sa cellphone mo? How about tomorrow afternoon at Laurel? You know the place?" anito.
"Of course!" Masiglang sagot ni Sandy sa kausap.
"Good." anito.
Nakagat ni Sandy ang ibabang labi upang pigilan ang napipintong pagtili niya. Hay! Boses palang ulam na! naisaloob niya.
"See you then." anito
"Yeah! S-See you." Oh my gosh! Bakit ba siya nabubulol? First date and it would be at her favorate place! It was a good sign kinikilig na naisaloob niya.
"Sandy?" tawag ng pangalan niya sa kausap niya sa kabilang linya.
Kumabog ang dibdib ni Sandy sa simpleng pag-banggit nito ng pangalan niya. Kung hindi "pag-ibig"ang tawag doon ay ano ang kakaibang damdamin niyang iyon? "Y-Yes?" Napangiwi siya ng pumiyok siya. Nakakahiya! Mabuti nalang at balewala lang yata rito iyon dito.
"Ah, nothing? Your name is Sandy, right?" anito.
"Oo." Natahimik siya ng ilang segundo. Hindi siya makapagsalita dahil kinikilig parin siya. Baka mapatili siya sa sobrang kilig kapag ibinuka niya ang kanyang bibig. Mukhang kailangan niyang pag-praktisan ang pagkontrol sa emosyon niya kung gusto niyang mag pa-impress dito o maging matino sa paningin nito.
"Iyon lang," mayamaya ay sabi nito.
Nanghihinayang siya. "So, see you tomorrow?" ulit ni Sandy dito.
"Ah, yeah." He said in almost hesitant voice.
Napasandal si Sandy sa upuan pagkatapos nilang mag-usap. "Hay, yummy!" kinikilig niyang smambit.
"Hoy, anong yummy ang pinagsasabi mo riyan?" sita sa kanya ni Renz.
"Renz, I'm really in love with him. I love him na talaga! Magde-date kami bukas. Sa Laurel pa talaga, huh? Hindi ba't parang destiny talaga? Like serendipity?" ani Sandy sa kaibigan
"Sira! Baka nakalimutan mong anak siya ng may-ari no'n kaya siguradong doon niya piniling magkita kayo. Ikaw talaga?" ani Renz sa dalaga.
Hindi inintindi ni Sandy ang sinabi ni Renz. Bukas uli ay magkikita sila ng prince charming niya at iyon ang mahalaga sa kanya.
"Kilig na kilig ka riyan, eh, ni hindi mo pa nga alam ang pangalan niya?" ani Renz.
"Shucks! Oo nga pala, nakalimutan kung itanong kong ano ang pangalan niya," nakakalokang sambit niya.
Hagyun, para sa kanya hindi sinasayang ang oras. He wasn't that kind of person who would waste a single minute waiting especially if had nothing to do with business. Nayayamot siya sa mga babaeng mabagal kumilos. Gaya nang nag- daang araw, pinaghintay rin siya ng paboritong artist ng ina at kapatid niyang si Seonggyun. Pagkatapos ngayon ay pinaghihintay naman siya ni Sandy. Tinawag ni Hagyun ang isang waitress.
"Yes, Sir Hagyun?" magalang na sabi nito.
Inilapag niya ang cellphone sa lamesa. "Pakibigay nalang ito sa babaeng pupunta rito na nag ngangalang 'Sandy'. Kapag dumating siya at hinanap niya ako sabihin mong umalis na ako. Okey?"
"Sandy? Ah, you mean, si Ma'am Sandy po. Sige po, Sir," magalang na sabi ng waitress.
Kumunot ang noo ni Hagyun. "May kilala kang Sandy?" tanong niya dito.
"Isa lang po ang kilala namin na paboritong tumambay dito na 'Sandy' ang pangalan. Baka siya po ang iyong tinutukoy." aniya.
Hagyun nodded and didn't ask for further details. Tumayo na siya mula sa silya.
"Aalis no po kayo, Sir?" tanong ng waitress.
"Yeah." maiksing sagot ni Hagyun.
"May iiwan po ba kayong mensahe para kay Ma'am Sandy?" tanong nito.
Umiling si Hagyun. Pero agad ding nag-bago ang isipan niya. "Ah, wait!" Kinapa niya ang bulsa ng coat at kinuha niya roon ang kanyang ballpen. Humingi siya ng isang pirasong papel sa waitress at nagsulat siya ng mensahe roon. "Pakibigay na rin ito sa kanya!" Iniabot ni Hagyun sa waitress ang papel.
"Okey po, Sir," sabi nito.
Umalis siyang iiling-iling at nayayamot, hindi lang kay Sandy kundi lalo na sa kanyang sarili. He shouldn't wasted time waiting for her.
"What!?"
Nanlumo si Sandy ng sabihin sa kanya ng isa sa mga waitress ng Laurel na si Rea na ka-aalis lang ni Hagyun. Kahit hawak na niya ang kanyang cellphone ay hindi parin siya masaya. Naiinis siya dahil hindi man lang sila nagkita ni Hagyun. Nagpa-parlor pa kasi siya kaya medyo nahuli siya sa usapan nila. Tumingin siya sa wristwatch niya. Late lang naman ako ng three minutes, ah. Napabuntong hininga si Sandy. Mukhang tama si Renz, mainipin ang Prince Charming niya.
"Salamat nalang, Rea," ani Sandy.
"Ah, sandali lang, Ma'am Sandy. May iniwan nga po palang sulat si Sir para sa inyo," sabi nito.
"Ha?" Isang nakatiklop na papel ang iniabot ni Rea sa kanya. Inabot niya iyon at binasa. Next time, Miss Sandy ,huwag ka makikipag appointment kung hindi ka naman pala sisipot. Hagyun.
Hindi niya alam kung ngingiti ba siya o ngingiwi. Halata kasing nagalit sa kanya si Hagyun sa hindi niya pagsipot sa tamang oras. Ngunit sa huli ay pinilit niyang ngumiti. Next time, according to his note. Ibig sabihin ay magkikita uli sila. Yehey! Naghanap siya ng bakanteng upuan at um-order na siya ng pagkain. She dialled Hagyun number. Matagal bago sinagot nito ang tawag niya.
"Who's this?" Naiiriting sagot ng nasa kabilang linya.
"Amh...Hagyun, its me---Sandy." She pause when she heard him let out a big deep breath. "Im sorry if I came late. But thanks for giving back my phone."
"How did you get my number?" Tulirong tanong ng nasa kabilang linya.
"Ha? Ah, hindi ba't tumawag ka sa number ni Renz?" Nagtatakang sagot ni Sandy sa binata.
"Who's that?" anito
"My friend. Siya ba 'yong naabutan mo sa Rainbow Canvass?" paliwanag ni Sandy dito.
"Rainbow Canvass? Whoa! Wait a minute? You mean to say you're the woman I was supposed to meet?" anito.
Napangiti si Sandy. "Yeah."
Tumawa ito ng pagak." Great! Ikaw pala 'yon? Hindi mo naman ugaling magpaka-VIP, no, Miss Sandy?" anito.
"H-hindi naman sa ganoon. Ano kasi..." Paano ba niya sasabihin na nagpa BM siya kaya hindi niya ito naharap ng maayos? Nakakahiya namang sabihin niya na nagloko ang tiyan niya noong isang araw.
"You dont have to explain yourself. Sinabi nga pala sa akin ng assistant mo na nasa banyo ka dahil nasira daw ang tiyan mo." Napangiwi si Sandy. Masasakal niya talaga si Renz kapag nakita niya ito! Ipahiya ba naman siya nito sa Prinsipe niya. Hindi tuloy siya mapakali kung ano ang iniisip nito tungkol sa kaniya. What the s**t!
Kung hindi lang sana sa kanyang mga mama Jen ay marahil kanina pa binitbit ni Hagyun si Joyce palayo. And maybe he could kiss her again. Argh! Then the woman was driving him nuts. Hindi niya maunawan ang nadarama niya para dito. Ang tanging paliwanag lang niya ay nabubuwisit siya sa ginagawa nito pero gusto niyang makasama uli si Joyce. Even one night with her would be alright. He only wanted to show her their first time was not how he usually performed. Nagkataon lang na nakainom siya ng gabing iyon.
"What is that you really want?" ani Joyce. Kasama niya ang mama ni Hagyun habang tumitingin ng mga magagandang portrait na gawa ng isang magaling na artist. Nais rin kasi nitong kunin ang pinagawa ni Seonggyun na portrait ng araq na iyon. Dahil wala silang driver ang mama nito ay si Hagyun tuloy ang kaasama nila. Mukhang sinadya rin ito ng mama Jen nito para magkita sila at magka-usap.
"Nothing." Maikling sagot ni Hagyun.
"I'm gonna get to it, believe me."
Hindi umimik si Joyce at muling umupo. She suddenly wondered if this man realized that once in a lifetime she was really in love with him. Dumaan ba sa iyon sa isip nito o kahit kailan ay hindi nito kinilala ang posibilidad na iyon? Kung alam lang nito kung ilang gabi niyang iniyakan hindi lamang ang pag-alis nito kundi maging ang pag-iisip kung minahal nga ba siya nito, sapagkat ito ang kanyang pag-ibig.
There were nights when she would lie awake, even during those times when she knew he was not coming back, that she would think about him and wonder where he was, what he was doing and if crossed his mind. Ilang ulit niyang inilarawang-diwa na magkikita uli sila, na kapag nagkita uli sila ay saka nito mare-realized na mahal pala siya nito at nagsisis ito sa nagawa nito. Hanggang sa ang pag-asa at ang pag-asam niya ay nauwi sa galit. Parang dumi iyon na napabayaang tumigas nang tumigas, hanggang sa tuluyan ng kumapit at hindi na maalis pa kahit anong linis ang gawin niya.
Yes, he love for this man, her hopes and dreams that they would be together was like a dirt. Ang mga pag-i-imagine niya ng masasayang tagpong maaring maganap kapag nagkita sila ni Hagyun ay napalitan ng mga pangarap na magdurusa ito sa mga kamay niya. Beware of a woman scorned, they say. Inaani lang ni Hagyun ang mga kasalanang nagawa nito sakanya. Dapat lang sigurong maranasan nito iyon nang magtino na ito. If he kept on, a lot of women get hurt.
Walang sinasanto si Hagyun---kahit inosente at kahit ano pa ang estado ng isang babae. He had no right to date. Kung mayroon lang samahan na nagba-ban sa mga lalaking lumalabas na kasama ang iba, dapat ay matagal nang nasa most wanted list ang lalaking ito. Tila komportableng umupo ito sa tabi niya. Nagde-kuwatro ito. "You're not going to offer me a drink?"
"Just ask the waiter to serve you? I'm a guest here, remember?" Mataray na sagot ni Joyce kay Hagyun.
Hindi ito umimik. "I want you."
"I didn't think so." ani Joyce
Tumawa ng pagak si Hagyun. "I wonder why you still talk that way to me when I have done a great deal for you," ani Hagyun sa kanya.
Hindi siya makapaniwala sa sinasabi nito. Mukhang hindi pa ito nakontento sa mga nagawa nito sakanya at ibig pang kunin ang credit sa pagsisikap niya. Sadyang ibang klase ang taong ito. "Excuse me?" ani Joyce.
"Oh, come on, babe. If it weren't for me, you wouldn't have been here." Sumbat ni Hagyun.
"Really? I don't think so? It's my own sacrificed!" Man, the fool is insufferable!
"Whatever. But I guess what you got from was not enough so I am here to make you an offer. How much do you need to stay out of Seongyun life and my mother's? A million? Two? Name your price." Hagyun said to Joyce.
Ibang klase talaga ang mga may pera. Ngayon na naramdaman nito ang kayang gawin ay milyun-milyong ang inaalok nito, samantalang noon ay halos manikluhod siya kahit sa kaunting tulong. Pero kung iniisip nitong makukuha siya nitong patahimikin sa pera nito ay nagkakamali ito. Tapos na siya sa panahong kailangan niya iyon, lalo na at mas epektibo pala ang ginagawa niya ngayon. This man would never ever volunteer money unless he thought it was absolutely necessary. Sadyang kailanman ay hindi nito mauunawaan kung ano ang gusto niya. Ganoon ba ito kadesperado upang mapasakanya siya nito?