Chapter One

1619 Words
"Seonggyun ,get me an accountant," ani Hagyun sa kapatid nang sagutin ang tawag niya. Pumalatak ito. "Why? What happened to hot babe Katrina? Didn't she satisfy your needs?" Tanong nito na ibang needs ang tinutukay. Si Katrina ang ipinadala nito sa Laurel---ang restaurant na pag-aari niya kamakailan lang. Sa malas,tila walang alam gawin ang babae kundi akitin siya. Ayos lang naman sanang makipag-flirt dito dahil sasakan din ito ng ganda pero tilA nakalimutan na nito na kaya ito pinadala sa restaurant niya ay para magtrabaho. Doon siya naiinis. Humingi siya ng CPA, hindi lover. "Shut up, Seonggyun. I'm serious! Kaylangan ko ng bagong accountant? Yung magaling mag-compute, hindi magpa-cute." Madiing sabi niya sa kausap. Humalakhak ito. "Dude, 'di ba, ang mga ganyang type naman ang gusto mo? Bukod sa sexy at maganda... at matalino at ma--- Magaling mang-akit." Pang-aasar pa nito. "Oh, yes, she's perfect as a seductress .But I don't need that in my restaurant! Hindi ko binabayaran ang kompanya mo para doon? Padalhan mo ako ng matinong accountant!" Isa si Katrina sa mga CPA na hawak ng kompanyang pag-aari ni Seongyun. Ang laki panaman ang tiwala niya sa kapatid. He should have known. "Oh, no, Hagyun. You didn't pay me for that? Bunos lang 'yon. Anyway, nag-enjoy ka naman 'di ba?" "Shut up! Seonggyun!" Sabi muli niya. "Umayos ka nga. "Find me a new accountant ASAP. At kung pwede, 'wag na babae dahil kung hindi man sila maakit sa akin, ako na ang maakit sa kanila." Kapwa sila natawa sa sinabi niya. "Seriously, ayaw kong magka-girlfriend na nag-tratrabaho sa kompanya ko. Ayokong pinaghahalo ang business at pleasure. You know that, man?" "Yeah. Diyan nga ako humahanga saiyo, eh. Paano mo nagagawa 'yon? Ako, ilan ng females CPA's ng EU ang naging fling ko?" Anito na ang tinutukoy ay ang pag-aaring kompanya, ang E.U. Accounting firm. Napailing nalang siya. "Basta bigyan mo ako ng bagong accountant? Yung focus sa trabaho at hindi sa kung ano-anong bagay. Hindi na mahalaga kung matanda na o lalaki siya. Basta yung sa tingin mo ay hindi maakit sa alindog ko!" aniyang kinatuwa ulit nito. "Sure, man! As a matter of fact? I have someone in mind." "That's good, I'd like to see that someone tommorow? Sige na, marami pa akong tatapusing trabaho. Again, siguruhin mo lang na hindi siya mai-inlove sa akin, ha?" Tumawa ito. "Ngayon palang ay sigurado na ako! Sige dude, nakita ko ng dumaan ang bago kung fling, eh. Ciao!" Napailing nalamang siya habang ibinalik ang telopono sa mesa. Bagaman pareho sila ni Seonggyun na mahilig sa babae,hindi naman siya kasing-agresibo nito pagdating sa mga iyon. Playboy siya pero hanggang mapipigilan niya ay hindi siya nakikipagrelasyon sa empleyado niya. Ayaw niyang maging istorbo ito sa trabaho niya. Hindi siya katulad ni Seonggyun na bawat magandang CPA ng kompanya nito nagiging girlfriend narin nito gayong siya ang chick magnet. Hindi sa pag-mamayabang, pero wala pa siyang nagustuhang babae na hindi niya nakuha. Ganoon siya katinik pag-dating sa mga kalahi ni Eba. Bumakas ang pinto ng kanyang private office. Hindi pa man niya nakikita ang taong nag-bukas niyon ay uminit na agad ang kanyang ulo. Iisang tao lang ang pumasok doon nang hindi kumakatok--- si Katrina. Ayaw na ayaw pa naman niya na may pumapasok sa opisina niya ng hindi muna kumakatok. Alam lahat iyon ng empleyado niya pero sadyang matigas ang ulo ni Katrina at hindi sinusunod ang patakaran niya. Pag-angat niya ng mukha ay nakita niya si Katrina. Ini-locked nito ang pinto bago lumapit sa kanya. "Hi, babe. I've missed you!" Sabi nito. Yumuko ito at hinalikan siya sa labi. Hindi siya tumutol. Iyon naman na ang huling beses na mahahalikan siya nito. Sinimulan nitong hubarin ang suot niyang blazer. Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "Katrina, I'm sorry but you fired". Gumuhit ang pagkagulat sa mukha nito. Napahinto ito sa ginagawa. "You're kidding, me right?" Tanong nito. "No." "Yes, you are? You can't just fire me! You love me!" Nagsimula na itong mag-hysteria. Napaisip siya. Wala siyang maalala na sinabihan nito ng mahal niya ito. Kailanman hindi pa niya sinabi ang salitang iyon sa kahit sinong nakarelasyon niya. Iyon ay dahil ayaw niyang umasa ang mga ito. Sa katunayan, bago pa man siya pumasok sa isang relasyon ay sinasabi na niya sa babae na walang commitment ang anumang magiging relasyon nila. Sa kabila niyon ay umaasa parin ang mga ito na mauuwi sa kasal ang pakikipagrelasyon niya sa mga ito. "You see, Katrina, ayokong magkaroon ng incompetent employee dahil nadi-distract siya sa akin. Sa restaurant ko lang naman kita pinapaalis. Sa E.U. ka parin mag-tratrabaho." Tila napaisip ito. Mayamaya ay may gumuhit na ngiti sa mga labi nito. "Sinesesante mo ba ako para maging opisyal na ang relasyon natin?" Tanong nito. Pinigilan niyang matawa sa ekspresiyon sa mukha nito. Mukha itong hopeful. "Hindi. Kung anuman ang meron tayo, tinatapos ko na iyon." "No! You love me! You said you love me.You..." "I never said I love you!" "But what about us?" Tanong pa nito. Napipikon na siya rito. Ang hirap nitong makaunawa. Sa totoo lang, ito lang naman ang nagpumilit na may mangyari sa kanila.Ito ang lumapit sa kanya. Hindi siya ang nag-pursue rito. "There's no us, Katrina! Pack your things and get out of this restaurant! You' re beautiful and smart! I'm sure there are lot of men who'd be willing to say those three words to you!" Tumayo siya, lumapit siya sa pinto at binuksan iyon. "And please,  ayusin mo ang damit mo?" Tumalima ito.  Ngunit bago lumabas ng silid ay hinarap siya uli nito. "You'll regret this day, Hagyun, and all this days you ruthlessly broke the hearts of your women! I swear you'll never be happy in love!" Pagkasabi niyon ay nakataas-noong nilisan nito ang restaurant niya. Iiling-iling namang naiwan si Hagyun sa kanyang opisina. Bumalik siya sa kanyang swivel chair at kinuha ang tasa na may kape. Malamig na iyon. Kasing lamig ng damdamin niya. He need another cup of coffee ngunit wala na siyang sekretarya para utusan at ipagtimpla siya. Lahat nalang kasi ng pinapadala nang kapatid niya ay nais landiin siya. He is Adonis to them. It was pure luck that Joyce spotted Seonggyun in the restaurant with his girlfriend. O girlfriend nga ba nito ang babaeng iyon? Kilala niya ang babae, si Dawn, isang modelong para na ring artista sa dami ng endersements nito. She heard the woman was a prima donna. Kailanman ay hindi pumasok sa isip niya na magustuhan ni Seonggyun ang ganoon kaarteng babae. Ang paniniwala niya kay Seonggyun ay ang sarili nito ang mahalaga rito kaya ang isang babae katulad ni Dawn ay parang hindi niya nakikita sa isip na makakasama nito. Maybe she was one of those women who were into Seonggyun for the things the man could bring here. Hindi na bago sa kanya ang ganoon. Sa tingin niya ay iyon ang dahilan kung bakit pinatulan ni Dawn ang politikong na-inlove dito. "Oh, I'm sorry!" Bulalas ni Joyce.She had just bumped into a tall, dark-haired man. At natapunan pa niya ng hawak niyang kape ang coat nito. A very good looking man, her mind amended. Tarantang pinagpag niya ang coat ng lalaki. "P-pasensiya na. H-hindi ko sinasadya." But when she raised her eyes to him and met his dark eyes, piercing eyes, tila nawalan siya ng boses. Imbes na magalit, the man smiled, showing flash of pearly-white teeth. Nagsalita ba ito? Kung may sinabi man ito, hindi niya narinig da labi na pagkataranta. He stepped aside and made his way to a far end that led to where the higher executives worked. Kaagad siyang pinagkalumpunan ng kanyang mga ka-opisina. "Lagot ka! Tinapunan mo ng kape si Mr.Hagyun," paninisi sa kanya ng katrabaho. "Sino ba 'yun?" tanong niya. Her officemate was incredulous. "Hala! You don't know him? Si Mr.Hagyun Eu, ang panganay na kapatid ni Sir Seonggyun at Yeagyun. Ang CEO ng kompanya. At siya ang nagma-manage sa lahat." "Hindi ko naman sinasadya, eh." "Ow? 'Di nga? Baka naman sinadya mo talaga?" Nang-iintrigang sabi nito. "At bakit ko naman gagawin 'yun, aber?" "Para mapansin ka niya. All single ladies here do. Pati nga si Mrs.Cruz, kumakarengkeng kapag nandito si Sir Hagyun." Nagtawanan sila. "Bakit wala pa bang asawa si Mr.Eu?" Usisa niya. "Uy, intresado ang ale?" Panunukso ng kausap niya. "He's the most eligible in town." She informed her. "Sayang nga, eh---all that hunk, but no wife to go home to." "Kaya may pag-asa pa tayong lahat," anang isa. "As if naman, papansin kayo no'n?" Nakatikwad ang mga ngusong sabi ni Joyce. He forgotten about Seonggyun girlfriend. "Well, libre ang mangarap!" Salungat ng katrabaho niya. "Kaya girls, magpa-fresh na tayo. At baka sakaling this is our lucky day. Malay natin, baka mapansin tayo ni Mr Hagyun Eu pagdaan niya uli rito mamaya." "Mabuti pa nga mag-sibalik na kayo sa puwesto n'yo!" Pantataboy niya sa mga ito. "Baka imbes na mapansin niya tayo ay sisantehin tayong lahat." Ewan niya sa mga ka-opisina niyang babae. But Joyce was struggling to concentrate on her work. Kahit saan niya ibaling ang kanyang paningin, si Hagyun Eu ang kanyang nakikita. What's happening to me? Bakit ginugulo ng isip niya ang lalaking kanina lang niya nakita? It's true that she volunteers to try out Susan Mallery book. Balak niyang bumingwit ng milyonaryo. At milyonaryong si Hagyun Eu. And a very eligible bachelor. Pero sapat na ba 'yon para maguluhan siya ng ganito? She doesn't even know the man. Isa pa, ang sabi kanina ng katrabaho niya ay hindi pinapansin ni Mr.Hagyun ang pagpapansin ng mga ito. So she wondered what she had that could possibly appeal to a man who was heir the largest food manufacturing company in the land. Wala, sagot ng kanyang isipan. Actually, meron, she readily corrected. She was twenty-four. And at her age, she's still unblemish. At 'yon ang isang bagay na puwede niyang ipagmalaki kay Hagyun kapag ikinasal sila. Ikinasal? How could she even think of that word? Ni hindi pa nga sila nagkakilala nito ng personal. So she stopped her thoughts right there and concentrated on the work on hand. Pero nang tumingin siya sa monitor ng computer, tila nanunukso ang mukha nito na kanyang nakikita.Joyce was wondering kung paano ba magmahal ang isang Hagyun Eu bilang husband materials. Ouch! Unang kita palang pero advance na ang kaniyang mindset. Huwag ganoon Joyce? Kalma ka lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD