Tahimik na nagbabasa si Joyce ng records sa computer niya ng bigla nalang sumulpot si Seonggyun sa harap niya. Muntik na niyang mabato ito ng paperweight dahil sa labis na pagkagulat. When she, look around, tila busy ang kanyang mga ka-opisina sa trabaho. Pero sigurado siyang nag-aabang ang mga ito sa pagdaan ni Hagyun.
"Whoa! Easy, Joyce! delakado palang gulatin ka, nakakamatay!"
Tumatawang sabi nito.
"I'm sorry, Sir. Hindi ka kasi kumatok. Do you need anything, Sir?" Pormal na tanong niya rito.
Isa siya sa mga senior accountant ng E.U. Accountant Firm at pawang malalaking kliyente ang hinahawakan niya. Nalipat kay Seonggyun ang pamamahala niyon pagkatapos mag migrate ang ama at ina nito sa Korea. Kaklase niya ito at ka org-mate sa UP Diliman kaya nahikayat siya nitong magtrabaho sa kompanya nito bagaman may mas malalaking kompanya ang nagtatangkang kumuha ng serbisyo niya. Bakit pa siya maghahanap ng iba gayong malaki ang sinasahod niya sa E.U. Company. Marami siyang nakukuhang benifits sa kompanya at mabait pa ang boss niya?
"Eto' nanaman tayo sa kaka-sir mo, eh! Parang wala naman tayong pinagsamahan niyan!" Reklamo nang binata.
"Wala talaga," sabi niya. Bagaman magkaibigan sila, iba kapag nasa trabaho. Gusto niya na maging pormal sa opisina kaya patuloy siya sa pagtawag ng "Sir" dito kahit na labis ang pagtutol nito roon.
"Nakakatampo kana, wala ka talagang puso!" biro ni Seonggyun sakanya.
"Alam ko!" Natawa niyang sabi. "Bakit kaba napadpad dito? Nasa pantry si Kyla. Mamaya pa 'yun pupunta rito," aniya na ang tinutukoy ay ang bagong fling nito. Bagamat ang babaeng nakita niya kanina ay nauugnay rin sa binata. Malapit kasi ito sa mga babae. Minsan ay ang mga babae pa ang gumawagawa ng unang hakbang mapansin lang sila ni Seonggyun.
Malaks ang appeal nito. Malakas ang karisam niya pagdating sa mga babae.
Madalas mag-punta sa cubicle niya ang magandang junior accountant dahil paborito siya nitong hingan ng tulong. "Ikaw talaga ang ipinunta ko rito," ani Seonggyun.
"May ipapakiusap kananaman sa akin? Naku, kung tungkol sa babae na naman 'yan, tigilan mo na ako!" Ikinumpas pa niya ni Joyce ang kanang kamay bilang pag-tataboy dito.
Sumimangot ang guwapong binata. "Grabe naman 'to! Lahat ba ng puwede kung ipunta rito, ay dahil sa babae?"
"Oo!" Walang kagatol-gatol niyang sagot.
"Hindi kaya!?" ani Seonggyun.
Hindi na niya kinontra ang sinabi nito.Sa halip tinanong niya ito kung ano ang ipinunta nito roon.
"Ipapakiusap ko sana sa'yo na ikaw ang humawak sa Laurel?" sabi nito na ng tinutukoy ay ang restaurant na pag-aari ni Hagyun, ang kapatid nitong habulin rin sa chicks. Ang lalaking kanina lang ay laman ng isipan niya. But why? naisaloob niya. Bakit kailangan siyang i-transfer doon? May problema kaya?
Kumunot ang noo ni Joyce. "'Di ba, si Katrina ang may hawak no'n? senior din naman siya, ah?"
"Eh, kasi..." Nagkamot ito sa ulo. He talk so soft. "Alam mo naman ang record ni Hagyun pagdating sa babae, 'di ba? Inaakit yata siya ni Katrina."
"O, 'di dapat matuwa pa siya?" komento ni Joyce sa binata. May konting selos siyang naramadaman. Nagseselos na siya agad sa babae eh, wala pa naman silang label ni Hagyun.
"Iyon na nga? In-accomodate naman niya? Ang problema, nakalimutan na raw ni Katrina ang mag-trabaho? Isang malaking distraction ang alindog ni Hagyun." Mahabang paliwanag nito.
"So, you're saying na ayaw ng big-brother mo ang incompetent na empleyado kahit pa nga super sexy ito gaya ni Katrina?" ani Joyce.
"Right? Kahit naman mahilig sa babae si Hagyun, focused 'yun pagdating sa trabaho." ani Seonggyun.
Kaya pala sambakol ang mukha ni Katrina kaninang pumasok
Nakasalubong niya ito sa pasilyo habang papasok siya. Another heart broken by my infamous big-brother. "Pareho lang kayong babaero!" Pang-aasar ni Joyce kay Seonggyun.
"Hindi kaya?" Nakangisi naman nitong sagot sakanya.
Napailing si Joyce dito. "Paano 'yan? Sagad na ang number ng clients na hawak ko? Hindi ko na masisingit si Mr.Hagyun?"
"Ibigay mo nalang kay Kat, si Mrs.Tui!"
"Ayoko nga?" mabilis na tanggi niya. Paborito niyang kliyente ang matanda. Mahilig kasi itong magbigay ng siopao, lalo na tuwing pasko. Napangiti siya sa kababawan niya.
"Sige na, o!" Pagsusumamo ni Seonggyun sa kaniya. "Hindi muna kasi natin pwedeng bigyan ng lalaking kliyente si Kat dahil alam mo na..." nagkabit-balikat ito.
"Baka may namumuong grudge na 'yon sa mga lalaki?" komento niya.
"Eh...Please?" Pagsusumamo ni Seonggyun.
Napabuntong-hininga siya. "Sige na, nga! Pasalamat ka, kaibigan kita!" aniya.
"Yes!" Sabay kamot sa batok. Nakahinga na ito ng maluwag. Pasalamt siya dahil pamayag si Joyce.
Napasuntok pa ito sa hangin. "Lagot ka ngayon, Hagyun ka! Makikita mo na ang katapat mo?" Nakangising turan ni Seonggyun sa dalaga.
Napailing na lamang uli si Joyce. "Nagbago na ba ang sistema mo at personal mo nang ihahatid ang CPA mo sa magiging kliyente nila?" tanong ni Joyce kay Seonggyun na naka-upo sa harap ng manibela.
Papunta sila sa main branch ng restaurant ng mga ito sa Ortigas.
Ngumiti ito. "Well, gusto kitang personal na i-introduce sa kapatid ko. Kaibigan kita at gusto ko rin makasundo mo ang big-brother ko."
"Duda ako kung 'yan talaga ang plano mo?" base sa kwento nito ay malabong makasundo niya ang Hagyun na 'yon. Malaki ang galit niya sa mga tulad nitong playboy. Kagaya rin ng kanyang ama na basta nalang silang iniwan ng kanyang ina. Kung tutuusin naging milagrong naging kaibigan niya si Seonggyun dahil kagaya ng kanyang ama ay playboy din ito.
"Malay mo naman," sabi ni Seonggyun.
Hindi na siya nagkomento. Nang makarating sila sa opisina ni Hagyun ay may ibang tao roon.
Sa kabila ng mga taong lumipas ay nakilala niya agad ang mga ito, sina Rey at Jay na naging kaklase niya rin sa kolehiyo.
"Kayo na ba?" tanong ni Rey ng malspitan nila ang mga ito.
Binatukan ito ni Jay. "Ano'ng pinagsasabi mo riyan? Alam mo'ng maging imposible ang maging item ang dalawang yan?"
"Eh, bakit magkasama sila?" tanong muli ni Rey.
"Wait, do you know her?"
Napatingin siya sa nagsalita at muntik na siyang mapasinghap.Tama nga ang mga nabalitaan niya---napakaguwapo nga ni Hagyun.Sa sobrang amo ng mukha nito ay ma-iinggit ang mga babae kspag ito ang kasama mo.
"I want to introduce the best accountant of E.U. Accounting Firm, Miss Joyce Ignacio." Pakilala ni Seonggyun sa kanya sa kapatid nito, sabay tingin kina Rey at Jay. "At kayong dalawa wala kaming relasyon? Alam ninyong imposibleng mangyari 'yan!" Tumawang paliwanag niya.
"Sa E.U. ka na-gtratrabaho, Joyce? Akala ko kinuha ka ng IBM right after graduation?" curioud na tanong ni Rey sa kaniya
"Sandali nga lang! Bakit ba siya nandito, Seonggyun? Is she the new accountant you're sending me? And how the hell do you guys know each other?" nagtatakang tanong ni Hagyun sa kanila. Kanina pa ito nakamasid sa kanila.
Natawa si Seonggyun. "Una sa lahat, totoong nag IBM si Joyce, pero hindi siya pumayag dahil mas gusto niyang mag-trabaho sa E.U. 'Di ba Joyce?" nilingon pa siya nito. "At huwag niyo na siyang konsensiyahin na sa akin niya piniling mag-trabaho? Hindi naman nalalayo ang salary niya sa akin na ibibigay sa kanya ng IBM. And Kuya Hagyun, yes she is the accountant I told you about? Mag-kaklase kami noon sa college at mag-kaibigan na kami noon pa! Kami," na ang tinutukoy ay sina Rey at Jay.
Tinignan ni Joyce ang reaksiyon ni Hagyun.Nakakunot noo ito na tila naiirita.
"I told you not to bring me a female accountant!" Turan ni Hagyun sa kapatid. "Baka kagaya rin siya ng iba, ha?"
Anong ibig sabihin nito? naisaloob ni Joyce ng mga sandaling iyon.
"Oh, no, she's an exception! Sigurado akong hindi siya katulad ng mga naunang accountant na na-inlove saiyo," ani Seonggyun sa kapatid at kinindatan pa nito si Joyce.
Nainis siya ng malaman kung ano ang tinutukoy ni Hagyun. Ang yabang naman nito para isipin magkakagusto ako sa kanya. Gwapo man ito, hindi iyon ang basehan para ma-in-love siya rito. Ang kapal ng mukha! sa loob-loob pa ni Joyce.Pero she's a lier. Mukhang na-trigger ang puso niya ng makita si Hagyun. Lumundag-lundag ito sa saya .
"How can you be so sure? She's still a women with female hormones." ani Hagyun.
Tuluyan ng nag-init ang ulo ni Joyce sa sinabi nito. "Excuse me, Mr.Hagyun. You're not that handsome for me to fall inlove with! Besides you are complete asshole! I hate assholes!" Narinig niya ang pagsinghap nina Seonggyun, Rey at Jay. Tumaas naman ang isang kilay ni Hagyun sa sinabi niya.
"Asshole, huh?" ani Hagyun.
"Joyce, Hagyun is still a client." Saway ni Seonggyun sa kanya.
"I don't freaking care! Mukhang hindi ko rin kayang tiisin ang isang kliyente na bagyo sa yabang!" Pagkasabi no'n ay tinalikuran niya ang mga ito at tinungo ni Joyce ang pinto. Ngunit bago pa niya mahawakan ang seradura ay nagsalita na naman si Hagyun.
"I like her, Seonggyun," sabi nito sa kapatid. "She passed the test."
Test? I-test mong mukha mo! Napahiya ka lang, eh? Sa sulok ng kanyang mga mata, nakita niyang nakipag-kamayan si Hagyun sa mga kaibigan ni Seonggyun. Pagkatapos ay naglakad ito at tila patungo sa kinatatayuan niya. Patungo sa kinaroronan niya. Bakit naman siya pupuntahan nito? Is he going to ask for an apology for ruining his expensive coat yesterday? Bakit naman niya gagawin 'yun? Quits na silang dalawa. He was going closer. She knew he was close. Kaya dumaggundong ang kaba sa kanyang dibdib.
Nagkunwari si Joyce na tila hindi napansin ang paglapit ni Hagyun sa kaniya. Pero halos gusto niyang lumipad paalis mula sa kinakatayuan.
Nakaramdam siya nang panginginig sa tuhod. Ibinalanse niya ang pagtayo upang hindi siya mahalatang matutumba na---she looked up. She found herself staring at the most mesmerizing eyes she has ever seen. An embarrassing rush color warmed her face. There was no longer any need for the blushes on her cheeks. Mother nature was doing an excellent job for her. Pinamulaan talaga ang kanyang pisngi. For Mr.Hagyun was boldly and openly studying her.
Tila tumigil ang pag-inog ng mundo. You could surely hear a pin drop. Everybody turned their way and watched. "I'm...I'm sorry, Sir." She stammered. "Hindi ko talaga sinasadya ang nangyaring pag-kabuhos ng kape sa iyong damit."
"What's your name?" Hagyun asked solemnly.
Bakit tinatanong nito ang pangalan niya? As If, he knew her name already. Pinakilala na nga siya ni Seonggyun 'di ba? Agad-agad nakalimutan nito ang pangalan niya. That was nonsense! As if, nanadya talaga ang mayabang na 'to. Guwapo nga hambog naman. Nakita niyang pinagmasdan siya ni Hagyun. Waiting for her answer. Nginisian lang niya ito. Then his eyes were steady gazing at her.
"So, Miss Joyce, wala bang magagalit kung yayain kitang mag-dinner mamayang gabi?" Hagyun asked again.Naalala na ng binata ang pangalan niya. Nagkukunwari lang pala ito.
"W-wala naman, sir. But I can't go out with you?" ani Joyce.
"And why not? Kasasabi mo lang walang magagalit saiyo." ani Hagyun.
"Because it's Wednesday. It's Baclaran day. Kaya magsisimba ako." Palusot niya kay Hagyun. Kulang nalang ay sampalin niya ang sarili sa ginawang pag-dadahilan.
Hagyun giggled. "Then next time, I'll make sure na hindi kita yayain ng Miyerkules. Anyway, nice meeting you." He extended his right hands. Nakipagkamay siya dito. And he went on his way. Naiwan ang halimuyak ng mamahaling pabango nito.