"Do you mind if second choice ka lang, Joyce?" ani Hagyun sa kabilang linya.
Joyce? So hindi lang number niya ang ni-research nito pati pangalan niya? Siya naman ang lihim na napangiti at lihim na natuwa. "So, ano'ng gusto mong gawin ko, sir? I-cancel ang date ko so we can have dinner instead?" Joyce said to Hagyun.
"Make it quick. I'll pick you up-let's see, twenty minutes. All right?" ani Hagyun sa kanya animo nagmamdali ito.
Pick her up? Pati address niya ay inalam din nito? Naisip niyang Mr. Hagyun Eu was used to giving orders and having those orders obeyed. "But,sir..." Tanggi ni Joyce
"It's Hagyun!" He snapped.
"I'll try to make it by then. Pero alam mo naman siguro kaming mga bababe? It does take us a little longer to get ready?" ani Joyce. Hindi makapag-decide kung kanino makikipag-date. Naguguluhan siya kung kanino siya sasama sa gabing iyon. Kay Hagyun or Seonggyun. Pero una palang ay alam na niya ang kasagutan at iyon ang sumamang makipag-date kay Hagyun.
"I thought you're all dressed up! 'Di ba may date ka ngayon?" ani Hagyun sa kanya.
"Actually, mamaya pa 'yon?" Joyce admitted. "I was just getting ready."
"Then I'll pick you after
an hour." Hagyun said before hungging up at bago pa siya makatanggi ay nawala na ito sa linya.
Joyce was shocked. For ageless seconds, she stood staring at her cellphone in her hand. She still can't believe it? She will having a dinner date Mr. Hagyun Eu. She couldn't help wondering how her officemates would react if they found out. Kailangan niyang kumilos? She'd got only an hour to get bathed, changed and be beautiful para kay Hagyun .And why? But first, kailangan muna niyang tawagan si Seongyun.
Normally, Joyce would never have broken a date with one man to go out with another. Pero kailangan niyang kanselahin ang dinner date nila ni Seongyun .Tutal, si Seongyun nandiyan lang palagi, she rationalized. But if she turned down Hagyun again, she feared he might never again ask her out. Feared? Joyce couldn't believe she actually thought 'feared.' Bakit naman siya matatakot na hindi na siya muling yayain ni Hagyun na kumain sa labas?Nasisiraan na ba siya ng ulo?
"Are you going to get mad if I will cancel our dinner date?" Joyce asked Seonggyun over the phone.
He could read between the lines. "Joyce!" Seongyun wailed. "Are you going to another date?"
'Ouch! Huwag mo naman akong konsensiyahin?" ani Joyce dito.
"Dapat lang!" Himig pagtatampo ang tono ni Seonggyun sa kanya.
"Seongyun, kaibigan lang kita. Hindi kita boyfriend," pagtatama ni Joyce kay Seonggyun. No hurt feelings.
"So ibig mong sabihin, hindi masasaktan ang isang kaibigan kung ipagpapalit mo siya sa iba?"
"Seongyun naman, eh." Nakalabing sambit ni Joyce.
Seongyun giggled. "Of course, I'm just kidding. Go ahead. Enjoy the night. But you take care." anito.
Nakahinga si Joyce ng maluwag. "Sorry, ha! Marami pa namang mga araw. Basta pag-bigyan mo lang ako ngayon. Promise, babawi nalang ako sa'yo." aniya.
"Sure! Malakas ka sa akin, eh?" ani Seongyun sa dalaga.
"So, what are you planning to do now?" tanong ni Joyce dito.
"Well, 'di ba pareho tayo ng hilig? I've got a good murder story to read-though I wouldn't mind planning to murder your date!" Pagbibiro ni Seongyun sa kaniya.
"Seongun! Ikaw talaga?" nanlaki ang mga matang suway niya sa binata. Kung alam lang nitong kay Hagyun siya makikipag-date masasabi pa kaya nitong papatayin nito ang ka-date niya ngayong gabi. Baka mag-sisi ito.
"Gusto mo mag-malling tayo bukas ng hapon? May sale ang mga beauty products sa mall?" yaya ni Seongyun sa kanya.
"Ah! Diyan ako 'di tatanngi? Alam mo namang basta sale, nanginginig pa." ani Joyce kay Seonggyun para maibsan ang tampo nito.
"It's a date then. At wala nang bawian, ha?" ani Seongyun.
"Promise!" At doon nag-tatapos ang kanilang usapan. Nag-get ready na si Joyce para katagpuin si Hagyun.
Sinalubong ni Joyce ang mga mata ni Hagyun. "Scared of losing?" tanong niya kay Hagyun. "'Di ba napapasagot mo ang isang babae kahit dalawang beses palang kayong nagkikita? Kung gano'n, hindi ba parang ang haba ng isang buwan na palugit na ibinigay ko?" ani Joyce dito.
"Scared? Heck no! Hindi ako umuurong sa anumang pustahan." Matapang na sagot ni Hagyun sa kaniya.
Lihim na napangiti si Joyce sa sinabi nito. "Kapag natalo ka, araw-araw akong my free lunch mula sa restaurant mo sa loob ng tatlong taon."
"Paano kapag ako ang nanalo?" ani Hagyun sa kanya.
"Kapag ikaw ang mananalo..." Napaisip si Joyce. "I don't know? Hindi kasi ako naniniwalang mananalo ka!"
Nagtagis ang mga bagang ni Hagyun. "If I win, I get a free accounting services for three years? And your nuts? Gusto mo nang umatras?"
"Of course not! You're an asshole! I will never fall inlove with you!"
Matapang na sagot ni Joyce sa binata.
Lalo lang lumuwang ang pagkakangisi ni Hagyun. "Let's see."
Paalis na si Hagyun ng may maalala si Joyce. Tinawag niya si Hagyun. Lumingon naman ito. "Hindi mo ako puwedeng halikan? If you kiss me, you lose!"
Tinaasan lang siya ni Hagyun ng kilay at lumabas ng opisina nang hindi nag-sasalita. Tatlumpung minuto bago ang uwian nina Joyce ay nasa lobby na ng E.U. si Hagyun upang sunduin siya nito. May dala siyang Japanese cake na kanina lamang niya nalaman na paborito ni Joyce. Nagsabi na siya na susunduin niya ito at hindi naman ito tumanggi. Kunsabagay, mag-dadalawang linggo naman na niya itong sinusundo. Kadalasan ay gumagawa pa nga siya ng paraan para hindi magamit ang kotse nito at mapilitan itong sumabay sa kanya.
Sa hindi niya malamang dahilan ay desidido si Hagyun na mapa-ibig si Joyce. Marahil ay hindi lang talaga siguro matanggap ng pride niya ang mga sinabi nito sa kanya noon. Kung mag-papakatotoo siya, marahil ay aaminin niyang nasaktan siya kaya hinamon uli niya ito ng pustahan. Ang akala pa man din niya ay bumait na talaga sa kanya ito noong nasa coffee shop sila. Iyon pala ay alam na nito ang pustahan at pinasakay lang siya ni Joyce. Pero siya ang tipo ng taong hindi sumusuko. Isa pa, gusto niya ang ginagawa niya. Hindi niya alam kung bakit lagi siyang excited na sunduin si Joyce. Siguro ay excited siya na aminin nito na nag-tagumpay siyang palambutin ang tila bato sa tigas na puso ng dalaga.
Wala pang alas otso ay nakikita na niyang bumaba ito ng elevator. Napangiti si Hagyun ng palinga-linga ito. Tatawagin na sana niya ito ng bigla itong ngumiti sa direksiyon niya. Nagulat si Hagyun. Hindi siya makapaniwala na nginitian siya ni Joyce. Sa ginawa ng dalaga ay nagliwanag ang mukha ni Hagyun at lumitaw ang biloy sa magkabilang pisngi nito. Hindi niya alam na may biloy pala ang dalaga. Habang lumalapit si Joyce ay pabilis ng pabilis ang t***k ng kanyang puso. Para siyang naeengkanto. Nakangiti parin si Joyce sa kanya samantalang siya nakatanga rito.
"Renz!" Masayang bati ni Joyce.
Renz? naisaloob ni Hagyun ng marinig niya ang dalaga sa pag-bangit ng pangalan ng nakikilalang lalaki.
"Joyce!" Balik sigaw ni Renz kay Joyce.
Nalipat ang tingin niya sa lalaking kanina ay nakaupo sa harap niya ng tumayo ito at naglakad palapit kay Joyce. "Long time no see, Joyce. Na miss kita."
Sobra, sabi ng lalaki na tinawag ni Joyce sa pangalang "Renz".
Napasimangot si Hagyun. Na miss kita. Sobra! Hah! I believe that feeling is not mutual, amigo! ani Hagyun.
"Ako rin, namiss din kita!" Sagot naman ng magaling na si Joyce. Lalo tuloy siyang napasimangot. Nanlaki ang mga mata ni Hagyun ng mag-yakap ang mga ito. Bakit nag-papayakap si Joyce sa ibang lalaki? Sino ang Irwin na ito sa buhay ni Joyce? Akmang susugurin ni Hagyun ang mga ito ng kumalas ang mga ito sa pagkayakap sa isa't-isa at mag-kaakbay na nag-lakad. Umupo ang mga ito sa pandalawahang sofa sa lobby. Nais niya sanang sundan ang mga ito ngunit bigla siyang naduwag. Natatakot siya sa maaring sabihin ni Joyce. Natatakot siyang baka tarayan siya nito at i-itsa puwera na naman. Tatanawin niya muna niya ang mga ito sa malayo kung saan malaya niyang nakikita itong nakangiti.
"Ano?" untag ni Renz.
Hinarap ito ni Joyce. "Ano sa tingin mo? Mukha akong suicidal?" ani Joyce sa kaibigan.
"Bakit gano'n?" ani Renz bakas sa mukha ang pagkadismaya. Natawa si Joyce sa itsura ng kaibigan. Nakabadha doon ang matinding disappointment.
"Anong 'bakit ganoon? Mala-math equation na ba ang damdamin ko at nahihirapan kang intindihin?" ani Joyce dito.
"Hindi 'yan ang ibig kung sabihin? I mean, limang taon ka niyang minahal, bakit parang wala lang siya saiyo ngayon na ikakasal na si Yeagyun? Anong nangyari?" ani Renz kay Joyce.
Ano ba ang nangyari? Pinag-pustahan lang naman siya ng dalawang abnormal at mayabang na lalaki!Muntik na rin siyang mauto ng mayabang na si Hagyun! At pumayag pa siyang makipag-pustahan ulit sa lalaking iyon! naisaloob niya.
"Are you in love? with somebody" tanong ni Renz sa kanya.
Marahas napalingon si Joyce kay Renz. Heck no! Ngunit sa halip na isatinig ang pag-tanggi ay hindi siya nakapagsalita. Ngumiti tuloy siya ng makahulugan.
"Umamin ka? Inlove ka, ano? Sino siya?" pangungulit ni Renz sakanya.
"H-hindi, 'no! Tigilan mo na nga ako? Wala na akong ibang kinabaliwan kundi si Yeagyun lang!" Pagsisinungaling ni Joyce. Yeagyun was the youngest brother of Hagyun and Seongyun. Naging ex-boyfriend niya ito. Not normally in a relationship pero mahaba ang pinagsamahan nilang dalawa. Naudlot lang ang kanilang romance nang umuwi ito ng Korea at hindi na ito bumalik pa sa Pilipinas.
"Talaga lang, ha?" ani Renz na tila ayaw maniwala sa kanya.
"Ikaw talaga! Kalalaki mong tao, ang tsismoso mo!" ani Joyce sa kaibigan.
"Hindi kaya? Curious lang kasi ako, kanina ko pa napapansing nakatingin saiyo ang guy na iyon! Teka...is he Yeagyun older brother? What is he doing here?" gulat na reaksiyon ni Renz.
Napakunot noo si Joyce. Napadta siya. "Hagyun..."
"Kilala mo pala siya? Siya ang dahilan, 'no?" Binunggo-bungo pa ni Renz ang balikat niya. Bigla siyang nailang ng maglakad si Hagyun palapit sa kanila ni Renz. "Ano, Joyce? Siya ang dahilan kung bakit mo mabilis na nakalimutan si Yeagyun, 'no?" pangungulit ni Renz sa kaniya.
"Tumahimik ka nga! Ang landi mo talaga bakla ka!" Pag-baling ni Joyce sa deriksiyon ni Hagyun ay nakita niyang malapit na ito sa kanila ni Renz. Sa 'di malamang dahilan ay kinakabahan siya.
"Akala ko, pumayag ka na sunduin kita?" ani Hagyun sakanya.
Napapikit si Joyce ng mariin. Nakalimutan niyang pumayag nga pala siyang sunduin nito kanina. Biglaan kasi ang pag-sasabi ni Renz na daraan siya nito ng uwian ng araw na iyon. "Ah, Hagyun---"
"Joyce, una na ako, ha? Alam mo na, may hahanapin pa akong diyamante, eh?" pabirong paalam ni Renz sa kanya.
Awtomatikong napalingon siya kay Renz. "Ano'ng?"
"Sige na! Nagmamadali ako!" Pag-kasabi niyon ni Renz ay walang lingon-likod na nag-lakad na ito palayo.
"I can't believe he left you just like that? What a jerk!" Kumento ni Hagyun.
"You're a jerk too!" Natutop ni Joyce ang bibig niya pagkakuwan. Hindi niya sinasadyang sabihin iyon. Pasimpleng tinignan niya ang reaksiyon nito. Madilim na madilim ang anyo ni Hagyun.
"Tama ka! Pero pumayag ka paring sunduin kita? Let's go!" Pagkasabi niyon ni Hagyun ay hinagip nito ang kamay niya at hinila siya patungo sa parking lot. Sa higpit nito na pagkakahawak sa kamay niya, hindi siya nagtangkang takasan ito. Wala ring saysay iyon dahil mas malakas si Hagyun kaysa sa kanya.
Bakit ka ba nagagalit? Totoo naman ang sinabi ko, ah, ngalingaling sabihin ni Joyce rito. Napahagikgik siya sa naisip. Dagling lumingon ito sa kanya. Kunot na kunot ang noo nito.
"Ano'ng nakakatawa?" tanong ni Hagyun sa kanya.
Hindi agad siya nakasagot.Nakuha kasi ang pansin niya ng pamilyar na amoy ng pabango nito.
Ang bango,bwisit!