"Nakita mo lang ang Renz na iyon, nawala ka na sa sarili," sabi pa ni Hagyun.
Hindi nagkomento si Joyce.
"Hindi na ako magsasalita pa. Wala ka namang naiintindihan sa mga sinasabi ko, eh?" Nagtatampong sabi muli ni Hagyun sa kaniya.
Nais matawa ni Joyce. Para itong batang nag-mamaktol dahil hindi pinansin nang ina. Nakuha ang pansin niya sa paper bag na nakalapag sa dashboard. Hawak nito iyon kanina at basta nalang nilapag sa dashboard ng makasakay na sila sa kotse nito. Inabot niya iyon at tinignan kung ano ang laman ng box.
"Wow! Japanese cake!" Nangingislap ang mga matang sambit ni Joyce ng makita ang paborito niyang pagkain. Bumaling siya kay Hagyun. "Para sa akin ba 'to?" tanong ni Joyce sa binata.Mukhang nagmamaktol parin ito dahil parang napipilitan lang na tumango ito. Natawa siya sa inakto nito. Pero kasunod niyon ay napuno ng tuwa ang puso niya. Mukhang desidido talaga ito na paibigan siya. Sinimulan niyang lantakan ang Japanese cake.
"Buti pa ang Japanese cake napansin!" Mahinang reklamo ni Hagyun.
"Bakit? Pinansin naman kita, ah? Magkasama pa nga tayo ngayon," ani Joyce dito.
"Kanina pa nga ako roon sa lobby. Nauna pa nga akong dumating kaysa sa Renz na iyon?" Maktol pa ring sabi ni Hagyun.
Napatanga si Joyce. "Gaano ka na ba katagal na nag-hintay roon?" Hindi ito sumagot, sumimangot lang. Natawa siya. "Pasensiya naman. Bigla kasing tumawag si Renz , kararating lang niya galing Canada. Natural na unahin ko siya!" Paliwanag ni Joyce sa binata.
"Kahit na, unfair 'yon, dahil ako ang unang dumating! Saka may usapan na tayo!" Katwiran ni Hagyun.
Tinignan niya ito ng mabuti. Nagseselos ba ito? "Nagseselos ka ba kay Renz?" hindi nakatiis na tanong ni Joyce kay Hagyun.
"Bakit naman ako magseselos? 'Di hamak na mas gwapo naman ako roon!" ani Hagyun sa tanong niya.
Natawa siya sa sinabi nito. Pero hindi na siya nagkomento. Nagtaka siya ng ihinto nito ang kotse sa tabi ng kalsada. Kung hindi siya naka seatbelt malamang ay na nauntog na siya.
"Bakit ka huminto?" tanong ni Joyce bigla kay Hagyun ng hininto nito ang kaniyang sasakyan.
"M-may pusa biglang tumawid." ani Hagyun.
"Pusa? Sa Edsa?" Hindi makapaniwalang balik tanong ni Joyce dito. Hindi niya alam kung matutuwa o maasar siya dito. Is that kind of a joke? naisaloob niya
"Meron nga!" ani Hagyun at tila wala sa sariling pinaandar muli ang kotse.
Pinagmasdan ito ni Joyce. "Nakakita ka na ba ng whitelady?" tanong niya kay Hagyun. Wala kasi siyang ma-isip na ibang dahilan para bigla nitong ihinto ang kotse kundi may nakita itong multo. Ito naman ang natawa. Sa pagkagulat sa ginawa ay muntik na siyang masamid sa kinakaing japanese cake. Bakit parang pati tawa nito ay ang guwapo rin?
"Whitelady? Sa Edsa?" si Hagyun naman ang tumawa.
Inirapan ito ni Joyce
"Daan muna tayo sa Makati park," sabi ni Hagyun sa kanya.
"Makati park? Anong gagawin natin doon?" ani Joyce.
"Mamimingwit!" Sarkatikong sagot nito. "Ano ba ang puwedeng gawin sa park?" Hagyun asked at napalingon ito sa kanya. Napansin nito ang cake na nasa kandungan niya. "Bibili ako ng japanese cake. Inubos mo na lahat, eh!"
Napatingin si Joyce sa hawak na paper bag. Naubos nga niya ang japanese cake. Bigla siyang nahiya.
"Hindi naman halatang paborito mo 'yan, no?" tanong ni Hagyun sa kanya. Kapagkuwan ay tumawa na naman ito.
Natawa rin tuloy siya. Parang kanina lang ang init ng ulo ng mokong na ito. Ngayon tumatawa na. Naku, pasalamat ka at guwapo ka. Napangiti siya sa naisip.
"Hinay-hinay lang sa pagkain nang Japanese cake. Sige ka, baka tuluyan ka ng ma-inlove sa akin niyan?" pagbibiro ni Hagyun sa kanya.
Muntik ng mabulunan si Joyce dahil sa sinabi ni Hagyun .Kasalukuyan silang naka-upo sa isa sa mga bench sa Makati Park. Nag-kalat ang mga mag-kasintahan sa paligid. Bigla tuloy siyang nailang. Kung hindi lang siguro masayadong guwapo si Hagyun malamang naisipan narin niya na mag-kasintahan sila. Sa sobrang gwapo kasi nito ay mukhang yaya siya nito.
"Asa," wika ni Joyce.
"Dito lang nakipag-date ang yaya ko noon. Iniwan niya ako sa bahay pag-katapos kuwentuhan at makatulog dahil nag-mamadali siyang makipagkita sa boyfriend niya." Napalingon si Joyce kay Hagyun. Nagulat siya dahil nag-kukwento na ito. Nag-patuloy ito sa pag-kukuwento."Curious ako, kaya isang gabi sinundan ko siya kasama ang driver namin. Ayun, nabisto siya. Muntik na siyang masisante ni Mommy Jen noon, eh? Pinaki-usapan ko lang si Mommy na huwag siyang tanggalin sa trabaho." Pumalatak ito. "Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig, no?" anito.
"Talaga! Nakakasira ng buhay!" Mabilisang sagot ni Joyce
Nakakunot-noong tumingin si Hagyun sa kanya. "Bakit mo na sabi 'yan?" nagtatakang tanong ni Hagyun.
Hindi sinagot ni Joyce ang tanong nito. "Have you ever been in love?" Sa halip tanong niya rito.
"Sagutin mo muna ang tanong ko," ani Hagyun sa kaniya.
"Ayaw ko nga! Sagutin mo muna ang tanong ko? Na-inlove ka na ba? Maiintindihan mo lang kasi ako kung na inlove ka na?" ani Joyce. Pagkabit-balikat ang naging sagot ni Hagyun. Huminga siya ng malalim bago nag-salita. "Nasira ang buhay ng mama ko dahil sa pag-ibig." Pagsisimula ni Joyce.
"Mayaman ang pamilya nina Mama nang mahalin niya si papa. Itinakwil siya ng kanyang mga magulang. Hindi kasi mayaman ang pamilya ni Papa. Ordinarying tao lang sila. Pero dahil nag-mamahalan sila ni mama ay okay lang. Well, iyon ang akala ni mama. Anim na buwan ng buntis si Mama ng maramdaman niyang nanlalamig sa kanya si Papa. Minsan na lang ito umuwi sa bahay. May mga pag-kakataon pang lasing ito kapag umuuwi. Pero mahal ni Mama si Papa kaya ipinagtanggol niya ito sa mga magulang niya kahit totoo naman ang akusasyon ng mga ito kay Papa. Kabuwanan na raw ni Mama ng madiskubre niyang may ibang babae si Papa. Halos mag-pakamatay na raw siya noon. Pero dahil alam niyang mapapahamak ako, nag-pakatatag siya. Ako mismo ay naging saksi sa kalokohan ng Papa ko. Halos lingo-lingo siya kung mag-palit ng babae."
Hindi napigilang mapaluha ni Joyce.Sensitibo talaga ang emosyon niya kapag naalala niya ang masaklap na istorya ng buhay may asawa ng kanyang Mama. Ayaw niyang umiyak sa harap ni Hagyun. "Masisisi mo ba ako kung sinisi ko kay Papa ang pagkamatay ni Mama? She died of a heart attack, one of the pathetic ways to die!"
Hanggang sa mga sandaling iyon ay sariwa parin ang sakit na dulot ng pangyayaring iyon sa kanya. Namatay ang kanyang Mama na dilat ang mga mata, hawak ang litrato ng kanyang Papa na may kasamang babae at batang lalaki. Kamukhang-kamukha ng Papa niya ang bata sa litrato. Nang mamatay ang kanyang Mama ay parang bulang bigla ring nag-laho ang kanyang ama. Lalo siyang nasaktan. Basta nalang kasi siyang iniwan nito. Wala itong pakialam sa kanya. Mas mahalaga rito ang bagong pamilya nito. Napaluha na naman siya ng maisip iyon.
Inabutan siya ni Hagyun ng panyo. "Im sorry." Sabi pa nito.
Tumawa siya. "Bakit ka nagso-sorry, wala ka namang kasalanan?"
"Basta." Sagot ni Hagyun.
"Matagal ng nangyari 'yon. Hindi ko lang talaga mapigilang umiyak kapag naalala ko ang mga pasakit na dinanas ni Mama dahil nag-mahal siya sa maling lalaki." ani Joyce.
"Ahm, would you mind If I ask you something?" ani Hagyun
"Ano ba iyon?" ani Joyce
Tila nag-dalawang isip muna si Hagyun bago nagtanong. "Nasaan na ang Papa mo ngayon?"
"Ewan ko baka nambabae pa rin. Baka may iba na siyang pamilya. Gaya nga ng sinabi ko, noong mamatay si Mama ay bigla na lang siyang nag-laho. Inisip niya siguro na malaya na siya. Hayun, iniwan ako sa matapobre kung lolo't lola."
"How could he posibly leave his daughter just like that? How could he leave you when your life was in jeopardy?" tila hindi pa rin makapaniwalang umiling-iling pa na sabi ni Hagyun.
Natawa si Joyce ng pagak. "Ewan ko? Itanong mo sa kanya?"
Dumaan ang mahabang sandali ng katahimikan. Natahimik sila pareho. Tila nahulog sila sa malalim na pag- iisip. At hinayaan lang siya ni Hagyun na mag-isip.
"We're not in a rush to go home, are we?" tanong ni Hagyun ng mahimasmasan na siya. "I don't want to keep you if you have plans."
"Nothing that can't wait," sagot ni Joyce. "Bakit? Ano bang binabalak mo?"
"Gusto sana kitang yayain kumain sa labas? Nakakaramdam na kasi ako ng gutom, eh." Kumento nang binata sakanya.
Nang mapasulyap siya sa kanyang suot na relo ay mag-almost nine na pala ng gabi. Napamulagat siya. "Oh my God!" Bulalas niya. May bigla kasi siyang naalala.
"Bakit?" tanong ni Hagyun. "May lakad ka?"
"Actually, meron?" pag-amin ni Joyce. "I'm going out with Seonggyun. Pupunta kami sa mall." tulirong sabi niya. Nangako pa naman siya kay Seonggyun na magkikita sila ngayong gabi.
"What?" Parang tigreng bigla na lang nagalit si Hagyun.
"Si Seongyun dapat ang kasama ko'ng mag-dinner kagabi. Pero kinansel ko para sa'yo," ani Joyce dito. "At now, ako pa rin ang kasama mo at nakalimutan ko na ang usapan namin."
"Cancel ba 'yon? Kung cancelled, dapat wala na. So bakit lalabas pa kayo?" Galit nitong turan sakanya.
"Para naman hindi siya magtampo na kinansela ko 'yung dinner date namin." Paliwanag ni Joyce.
"Sinabi mo ba sakanya kung bakit kinansela mo ang dinner ninyo?" ani Hagyun
"Oo. I never lie to him." Honest niyang sagot kay Hagyun.
He didn't dissuade her from keeping her promise to Seongyun. Pero tila nag-iba ang mood nito. Hagyun drove fast but competently. Tahimik sila pareho ni Joyce sa daan, so different from the way they have been tonight. Tila hirap sila pareho sa pag-aapuhap ng sasabihin. Sometimes ,he would break the silence with infrequent comments on trival subjects gaya ng traffic o ng maulap nakalangitan. Ilang sandali pa, after a record breaking thirty-minute drive, they came to a screeching halt in front of her apartment.
"Well," Hagyun said. "Thanks for a wonderful evening."
"Thanks for driving me home." ani Joyce kay Hagyun.
Pinatay ni Hagyun ang makina ng sasakyan turning slowly to face her. Then he reached out and traced the outline of her face. "I want to kiss you goodnight," anito. "But, I don't think it's not a good idea."
"Bakit naman?" ani Joyce.
"Dahil ayaw kong matalo sa pustahan?" Seryosong sagot ni Hagyun. "I don't want to lose over you."
"Really?" ani Joyce. Being disappointed from that goodnight kiss. Goodnight kiss lang 'yon. But it meant a lot of her. Heaven help her, she wanted him to kiss her but he really insisted not doing it. Controlling himself being not losing sa kanilang pustahan at mukhang siya ang matatalo sa ginawa niyang kondisyon? Binalaan pala niya kasi ito na oras na halikan siya ni Hagyun ay matatalo ito sa kanilang pustahan. And now he was determine to win their game. Sino kaya sa kanila ang matatalo. Ang puso niyang bato o ang lalaking kayang magpa-ibig ng babae in two days lang? Let's wait...