Chapter Eight

1786 Words
Si Joyce ang bumasag ng katahimikan. "Kaya hindi mo ako masisi kung hindi ko magawang mag-tiwala sa mga kagaya mo?" Tumango-tango si Hagyun. "Actually, iyon nga ang iniisip ko ngayon? You hate men who don't know the value of woman. I feel like total dumbass!" "Hindi ko naman kinamumuhian ang buong lahi ninyo. May mga kaibigan din akong lalaki.  Hindi lang talaga ako kampante sa mga tulad mo na guwapo at babaero. Marami kasi kayong pag-kakapareho ng papa ko. Pakiramdam ko ay hindi ako ligtas. Natatakot ako." ani Joyce sakanya. "Kung natatakot ka, bakit sumama ka sa akin ngayon?" ani Hagyun. "Hindi ko rin alam." Totoo ang sinabi niyang iyon. Kahit kasi natatakot siya sa kagaya nito, magaan ang loob niya rito. Parang may nahipo itong parte ng kanyang puso na nag-papaamo sa kanya. Doon siya natatakot. Ayaw niyang tuluyang mahulog ang loob niya rito. Bumuntong-hininga ito, kapagkuwan ay tumayo ito. "Tutulungan kitang matalo ang takot sa dibdib mo. Pangako iyan!" Ani Hagyun kay Joyce. Pinagmasdan niya ito. Ramdam niya ang sinseridad sa tinig nito. Tumingin ito sa mga mata niya. "Be my date tomorrow, Joyce." Kumunot ang noo ni Joyce. "Date? Tomorrow?" Tumango ito. "Birthday ni Mommy Jen bukas. May party sa bahay namin. Andoon rin sina Rey at Jay and my brother Seongyun kaya hindi ka ma&a-out of place do'n." ani Hagyun sa kaniya. "Bakit ako ang isasama mo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Joyce sa binata. Sumimangot si Hagyun. "Anong klaseng tanong 'yan. Simple lang ang dahilan? Gusto kong ikaw ang isama ko. Kaya pumayag kana at siguraduhin kong mag-eenjoy ka. Pero kung ayaw mo talaga, okey lang?" "Gusto ko." ani Joyce kay Hagyun. "Huh?" anito. "Sabi ko gusto kung sumama!" Natawa siya sa hindi pag-kapaniwala ang gumuhit sa mukha nito. "Ano namang hitsura iyan? Masyado bang hindi kapani-paniwala na pumayag akong maging date mo?" "Hindi lang ako makapaniwalang..." Unti-unting sumilay ang mga ngiti sa labi ni Hagyun. "Nag-joke ka kaso corney." Tumawa ito. "Tse!" ani Joyce, pero natawa narin siya. Hay Hagyun! Napalunok si Hagyun ng sunduin niya si Joyce sa apartment nito para isama sa birthday celebration ng kanyang Mommy Jen. Mukha itong prinsesa sa suot na itim na off shoulder dress. Nakalugay ang along-along buhok nito. Sa halip na high heeled shoes ay ballet shoes ang suot niya. Ayon dito ay hindi siya sanay mag-suot nang 'di takong na sapatos. Sa hitsura nito ay mukhang prinsesa na handa ng sumayaw. She reminded her of a grown-up Alice in Wonderland. "Hey, ang tahimik mo yata ngayon?" Kumento ni Joyce. "Huh?" Kumunoot ang noo ni Hagyun sa katanungang iyon. "Ano'ng nangyari saiyo? Parang wala ka sa sarili. May bumabagabag ba saiyo? Tell me?" ani Joyce. Pinagmasdan ni Hagyun si Joyce. Puno ng pag-aalala ang anyo nito ng mga sandaling iyon .Gustong mag-bunyi ni Hagyun. May isang prinsesa na nag-aalala sa kanya. Sa malas, wala itong kamalay-malay na ito ang bumagabag sa kanya. Sa kung anong dahilan ay nasaktan din siya ng makita niya itong umiyak ng nag-daang gabi. Tahimik lang itong umiyak, ni hindi niya nalaman na umiiyak ito maliban ng makita niya ang mga luha sa mga mata nito. Pero dama niya ang sakit na nadarama nito. Alam niyang nasasaktan ito at hindi niya gusto iyon. Ayaw niyang nasasaktan ito dahil double ang sakit na nararamdaman niya. Tila naengkanto na siya sa tawa ni Joyce. Ang totoo, iyon ang dahilan kung bakit bigla niyang itinabi ang sasakyan noong nag-byahe sila sa Edsa. Nagulat siya sa epekto ng tawa ni Joyce na sanhi ng kaniyang saglit na pagkawala ng atensiyon sa pagmamaneho. Alam niyang hindi nito binili ang rason na may dumaang pusa. Pero hindi rin naman niya masasabi dito na ang tawa ni Joyce ang dahilan kung bakit inihinto niya ang kotse. Hagyun sighed. In the last few months, had done things he had never done before because of her. Joyce drove him crazy. She gave him sleepless at nights. Hindi lang iyon, natagpuan rin niya ang sarili na matagal na nakatitig sa repleksiyon niya sa salamin. Ah, Joyce, you really are driving me crazy, naisaloob ni Hagyun. Hindi mapalagay si Joyce.Kanina pa tahimik si Hagyun at tila malalim ang iniisip nito. Parang may pag-lalaban sa isip nito na hindi nito masabi sa kanya. Nababahala tuloy siya. Lumabas na lang muna siya at nag-pahangin sa teresa. Mabait ang mga magulang nito, lalo na ang Mommy ni Hagyun. Agad na nakuha nito ang kanyang loob dahil magiliw ang naging pag-tanggap nito sa kanya sa kabila ng napakalayong agwat ng estado nila sa buhay. Nagbiro pa nga ito na na gustosiya nitong maging daughter-in-law sa anak niyang si Hagyun. Litaw na litaw ang pagiging mestiza nito at sa kabila ng edad ay napanatili nito ang kagandahan. Naalala niya rito ang kanyang ina. Napakaganda rin kasi ng kanyang Mama. Bigla siyang nalungkot ng maisip ito. Namalayan na lang niya na tumutulo na naman ang kaniyang mga luha. "Joyce! Bakit nag-iisa ka rito? Nasa loob ang party." Mabilis na tinuyo niya ang kanyang mga luha pag-karinig niya sa tinig ni Hagyun. Nag-paskil siya ng ngiti sa mga labi bago niya nilingon ito. "Nagpapahangin lang ako." aniya Nilapitan siya ni Hagyun. Kumunot ang noo nito pagkatapos siyang titigan. "Umiyak ka ba?" tanong nito. "H-hindi ah!" Pagsisinungaling niya. "Bakit?" Base sa tanong ni Hagyun ay hindi ito naniniwala sa sagot niya. Muntik pa siyang mapapitlag ng masuyong haplusin nito ang pisngi niya. Pinunasan nito ang natitirang luha mula roon. "Bakit ka umiiyak?" may pag-aalala sa tinig nito. Napakasuyo ng pag-tatanong nito. Parang gusto niya tuloy isipin na hindi ito nagtatanong, bagkus ay nang-aakit. Bakit naakit ka? sabad ng malditang parte ng isipan niya. "Wala nga? Naalala ko lang ang mama ko ng makita ko ang mommy mo. May pag-kakapareho kasi sila."  Eksaheradong suminghap si Joyce. "Baka mag-kapareho tayo ng nanay? Baka mag-kapatid tayo?" Pabirong binatukan ni Joyce si Hagyun. "Sira! Kilala ko ang mama ko, no? Hindi tayo mag-kapatid!" "Alam ko? Besides..." Tinignan siya nito ng mataman. "Ayaw ko ring maging kapatid ka," ani Hagyun kay Joyce. Sumimangot si Joyce. "Bakit, feeling mo, gusto ko ring maging kapatid ka? I'd rather have a dog as a brother." Biro niya kay Hagyun Tawa-tawang umiling ito. "Hindi mo naman ako naiintindihan, eh?" ani Hagyun. "Ano'ng hindi? Yabang nito!" irap niyang sabi dito. "Hindi mo ako naiintindihan! Ayokong maging kapatid ka kasi incest 'yon?" ani Hagyun. "Huh?" Nakangusong sabi ni Joyce. "Hindi kita pwedeng ligawan? Hindi pwedeng maging tayo? Hindi kita pwedeng halikan?" ani Hagyun. Natameme si Joyce. Bigla na naman siyang nilukob ng pamilyar niyang sensasyon kapag nagpapahanging ito sa damdamin nito para sa kanya. Nailang siya ng gumawi ang paningin nito sa mga labi niya. Wala sa loob na nakagat niya ang mga iyon. Nakita niya ang paglunok nito. "Ano nga uli 'yung tungkol sa pustahan natin?" tanong ni Hagyun habang nakatitig sa mga labi niya. "Huh? Ang alin doon?" Wala sa loob na balik-tanong ni Joyce. Para siyang tangang nakatitig din sa mga labi nito. "Yung sa sinabi mong kapag hinalikan kita talo na ako sa pustahan natin?" ani Hagyun. "Huh?" Tuluyan na siyang nawala sa sarili ng dahan-dahang ilapit nito ang mukha nito sa kanyang mukha. Alam niya ang balak nitong gawin pero hindi siya makakilos. Tila na estatwa siya. "I lose." Pag-kasabi niyon ni Hagyun ay sinakop nito ang mga labi ni Joyce. Napapikit na lamang siya. Hindi na rin siya nakatatanggi dahil noong nakaraan pang gabi niya gustuhing halikan siya ni Hagyun pero pareho silang nag-pigil ng gabing iyon. Naging maalab ang mga halik nito. His kiss consumed her senses, blinding her, deafening her, until she drowned in personal oblivion. Hindi ito tumigil. Hindi niya ito pinigilan. She wasn't in danger. After all, on the lighted porch, how far could this go?When Hagyun finally ended their kisses, Joyce couldn't hold back an incoherent murmur protest. "Sa susunod, our kiss will be no more than a prelude to something much more important?" ani Hagyun. Sa susunod? May susunod pa ba? Joyce tossed and  turned in bed, trying to put Hagyun's image out of her mind. Hinatid na siya nito sa kaniyang apartment pagkatapos ng party ng mommy Jen nito. Maya't maya ay hinahaplos niya ang mga labi niya na nadampian ng mga labi nito making her body on fire. Minabuti niyang bumangon at pumasok sa banyo. It took half an hour in a hot bath para kumalma ang kanyang pakiramdam. Muli siyang nahiga and closed her eyes. Pinilit niyang makatulog. But again, muli niyang iniisip ito. Tuloy ay puyat siya sa buong mahmg-damag at parang lutang siyang pumasok sa trabaho kinaumagahan. "Good morning!" Masayang bati ni Joyce sa kanyang mga kaopisina ng umagang iyon. Abot langit ang kanyang ngiting pumasok sa trabaho ngunit lutang ang katawan niya. "Aba, himala!" Makahulugang sabi ni Novz sa kanya. "Mukhang maganda ang atmosphere sa umagang ito, ah? Ano bang meron ma'am?" Nakangising tanong nito. "Secret!" ani Joyce na kinikilig pa. "Is someone make your day sunshine? Or someone win your heart na?" pangungulit ni Novz sakanya. "Kitang-kita kasi madam Joyce sa iyong mga mata?Kumikislap-kislap at kumukuti-kutitap." "Both!" She answered proudly. Isang lingo na ang nakalipas mula noong kaarawan ng mommy ni Hagyun. Isang lingo naring nakakatanggap si Joyce ng libreng lunch mula kay Hagyun. Sineryoso nito ang kaparusahan sa pagkatalo sa pustahan nila. Pero kahit ang lunch na galing sa restaurant nito ay hindi makapag-pagaan sa nararamdaman niya. Naiinis siya sa kanyang sarili dahil sa pinili niyang desisyon. Naalala na naman niya ang naganap sa terresa sa bahay nila Hagyun noong kaarawan ng Mommy Jen nito. Isang linggo ng nakalipas ang halik na namagitan sa kanila ngunit hindi pa iyon nauulit gaya ng sinabi ni Hagyun sa kaniya Nagpaganda ng husto si Joyce ng papasok na siya sa opisina. Pilit niyang iginigiit sa sarili na walang kinalaman si Hagyun, why she dress with care. Pero ng sumapit ang uwian at hindi nagpakita si Hagyun sa opisina, bakit sumama ang loob niya?Pagka-uwi niya ay parang pagod na pagod siya. Hindi sa trabaho kundi sa paghihintay kay Hagyun .Hindi ito nagpapakita sakanya. Her cellphone rang that night. Kaya napapitlag siya. Only to be disappointed nang nakita niya sa screen na hindi si Hagyun ang tumatawag. Si Seongyun ang tumatawag at nangangamusta na tila hindi sila nagkita kahapon lang. O, why couldn't she have fallen in love with Seongyun? 'Di sana, hindi siya nagkakaganito ngayon. Hindi sana siya umaasa sa taong hindi sigurado kung kailan susulpot? Dumating ang isa pang-lingo pero ni anino ni Hagyun ay hindi na niya nakikita. Ni hindi man lang tumawag ito sakanya. Hindi maikakailang nasaktan siya.Noon pa lang umaasa si Joyce nang ganoon sa isang tao. Halos kulang na lang ay siya na ang mag-habol kay Hagyun at mag-hanap dito para lang magkita sila at magkasama kahit saglit lang. Why she felt this way. In love na ba siya kay Hagyun? When and why?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD