Chapter Nine

1866 Words
Para makalimutan niya si Hagyun, pilit isinubsob ni Joyce ang sarili sa trabaho. Pero saglit lang niya nakalimutan ito. Suddenly, there was a flurry of activity outside her cubicle. Nang napatingin siya sa front desk, nakita niyang tila excited ang kanyang mga kaopisina. Lalo tuloy nawala ang concentration niya dahil umingay ang buong paligid. Napapailing na ibinaling niya ang kanyang atensiyon sa balance sheet na nakalatag sa kanyang mesa na hindi niya mabala-balanse. But she felt accelerated tempo of the office's pulse, sense of quickening interest. Puzzled by the unknown cause of all this commotion, tumayo siya at pinuntahan ang kalapit niyang cubicle. "Ano'ng meron?" tanong niya kay Novz. "The place in a quit uproar-if there is such thing." "Hindi mo ba alam? Si sir Hagyun biglang dadalaw," she informed her, obviously thrilled. "Tumawag daw siya at nagpasabi na darating siya." Parang nalaglag ang puso ni Joyce sa narinig. Pero hindi siya nagpahalata. What did she have to be nervous about? "So, what's the fuss?" Pinilit niyang huwag gumaralgal ang kanyang boses. "Kailangan ba nating mag-sabit ng 'welcome' banner?"  "Hindi ka excited?" nakataas ang kilay na tanong ni Novz. "Malay mo, imbitahan ka niya muling mag-dinner. Wala ka ng idadahilan ngayon dahil hindi naman Baclaran day." "At bakit naman ako ma-e-excite?" Pagkukunwari ni Joyce. "Saka hindi naman ako umaasang pansinin niya uli. Nabuhusan ko lang siya ng kape noon kaya niya ako pinansin." "Puwes, kung hindi ka umaasa, kami umaasa," tila kinikilig na sabi ni Novz sa kanya. "Anong oras daw siya darating?" "Uy, interesado siya bigla?" panunukso ni Novz sakanya. "Hindi niya sinabi. Kaya basta nalang susulpot 'yon. Kaya mag-busy-bisihin ka lang kunwari riyan, maam Joyce habang wala pa si Sir Hagyun." Lalo tuloy siyang hindi makapag-concentrate sa kanyang ginagawa nang bumalik siya sa kanyang cubicle. Inilabas niya ang kanyang compact make-up kit. She paused in front of the small mirror on a side wall to freshen her lipstick. Pagkatapos ay plano niyang mag-pulbos ng kaunti. But she strocked on a hint of blusher, then re-touched her long lashes with mascara. Nang matapos siya, she had completely redone her make-up. Studying her reflection, she decided she was not attractive but definitely a raving beauty. Her long black wavy hair and black eyes were pleasing, but not startling. Her figure was slender with all the proper curves, but not eye-popping. All the while, pilit niyang iginigiit sa kanyang sarili that this assessment had nothing to do with Hagyun. Pero hindi maikakailang ayaw niyang pumunta sa restroom to freshen her make-up at baka magkataon na wala siya sa puwesto niya pagdaan nito.  Dumating ang tanghalian pero wala pa ito. Dumating ang afternoon break pero wala paring Hagyun ang dumarating. Kaya parang nawalan na siya ng pag-asang susulpot pa ito. Then suddenly, there was subdued commotion. Pasimpleng tumingin siya sa front door. Hagyun Eu just arrived. "Nandito na siya." Novz squeaked in a hushed tones. As if hindi pa niya alam. Kunwari ay nakatutok siya sa monitor ng kanyang computer as she waited for Hagyun to pass by. Daraan ba ito sa cubicle niya? Ilang segundo lang na sagot ang katanungan niyang 'yon dahil dumiretso si Hagyun sa opisina ng kanilang manager. Ni hindi ito sumulyap sa kinaroroonan niya. Nasaktan siya. She tried to blink back her tears. Bago tuluyang nalaglag ang kanyang mga luha, tumayo siya at pumunta sa restroom. Mabuti nalang at walang ibang tao roon. Kaya malaya niyang pinunasan ang kanyang mga luha. Joyce had been in the restroom for almost five minutes trying to compose herself when there was a knock on the door. Sino naman kaya ang kumakatok? Hindi naman niya ini-lock ang pinto. Binuksan niya ang pinto. Kamuntik na siyang mapasigaw ng si Hagyun ang nabungaran niya. "For one fleeting moment, natakot ako na baka na flushed kana sa tiolet." Nakangiting biro ni Hagyun sa kanya. "What are you doing here?" kunwaring sita ni Joyce dito. "Hindi ka ba natutuwa na dumating na ako?" His voice was warm and searching. "Natutuwa." Joyce murmured. It was to revealing to admit how excited she had been. "Any hug from you?" ani Hagyun. Napasimangot si Joyce. May pagtatampo siyang dinaramdam. "Where have you been for almost two weeks. Hindi ka man lang nag-paalam sa akin. Tapos, you are asking for a welcome hug," himig pagtatampo niya. "I'm sorry. May inasikaso kasi akong importante sa business," ani Hagyun. "But now I'm here." Hagyun spread his arms for a hug. Dahil namiss niya ito ng sobra ay hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at niyakap ang bagong dating na binata. Pakiramdam ni Joyce ay tinangay siya ng ibang dimensiyon dahil sa halik ni Hagyun. Nakaliliyo ang tamis ng mga labi nito. Pakiramdam niya nalulunod siya pero ayaw naman niyang kumawala. Gusto niyang patuloy na mag-patangay. Pagkalipas ng tila napakahabang sandali ay daha-dahang inilayo ni Hagyun ang mukha nito sa kanya. Masuyong hinaplos nito ang kanyang pisngi at nginitian siya ng ubod-tamis. Sasabihin na sana niya ang mga katagang isinisigaw ng kanyang puso ng biglang mapalitan ng mukha ng kanyang ama ang mukha ni Hagyun. Akala ko ba, ayaw mo sa tulad ko? Bakit siya ang pinili mo," sumbat nang isang anyo ng kanyang ama sa isang bahagi ng isipan niya. Nasundan iyon ng imahe ng umiiyak na mukha ng kanyang ina. Narinig niya ang mahinang pag-hikbi nito sa sulok ng kuwarto nito at ang kanyang ama. Mayamaya pa ay napalitan ang imahe ng itsura nito ng datnan niya itong wala ng buhay. Bumitaw si Hagyun. Naglagay siya ng distansiya sa pagitan nila. Gumuhit ang pagtataka sa mukha nito. "Joyce, what's wrong?" tanong ni Hagyun. "Forget everthing that happened today, or everything that has happened this entire month!" aniya. Biglang nagbago ang mood niya dahil sa imaheng naglaro sa kaniyang diwa. Hindi pa rin siya handang tanggapin si Hagyun sa buhay niya. Kaakibat pa rin niya ang takot na nanalatay sa alalala ng kaniyang ina. Kumunot ang noo ni Hagyun. "Ano'ng nangyayari? May nagawa ba akong mali?" Tinangkang hawakan siya ni Hagyun ngunit umiwas siya. "This is wrong, Hagyun! Mali 'to!" "Joyce, everthing we felt during that kiss was perfect. I see nothing wrong in having you in my arms and kissing  you with so much passion. Wala ng mas tatama pa sa nangyari kanina. Alam kung ramdam mo iyon!" paliwanag ni Hagyun sa dalaga. "You don't understand." ani Joyce kay Hagyun. "Then make me understand? Everthing is perfect while ago. Perfect until you told me it was wrong! Joyce, tell me what happened? Makikinig ako saiyo." nalilitong tanong ni Hagyin sa kaniya "No. Just forget this thing and let's  move on our life! Forget the bet, forget me, forget everthing! Ayaw ko na ring maging accountant mo? I quit! Huwag kang mag-alala ako na mismo ang mag-sasabi kay Seongyun." ani Joyce dito. "Pero..." Hindi na niya hinintay ang iba pang sasabihin ni Hagyun at mabilis na nilisan ni Joyce ang lugar na iyon. Pero hindi niya nadala ang puso niya dahil pinili niyang mag-paiwan kay Hagyun. Napaiyak na naman siya. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang umiyak dahil sa sariling katangahan. Ang tanga-tanga niya dahil pinairal na naman niya ang takot at pinili ang ligtas na desisyon. Iniwan niya si Hagyun para hindi siya masaktan pero hayun at nasasaktan pa rin siya. Mahirap ba talagang magmahal ng may kaakibat na pangit na nakaraan? "Hagyun! Anong masamang hangin ang nagdala saiyo rito at  napadalaw ka?" Hindi pinansin ni Hagyun ang tanong ni Rey. Pasalampak siyang umupo sa visitor's sofa sa opisina nito at nanghihinang isinandal ang ulo sa headrest niyon. "Darn, man! You look like hell! Uminon ka ba?" muling tanong ni Rey kay Hagyun. Dahil sa tanong nito ay naalala na naman niya ang dahilan ng pag-inom niya. Kasunod niyon ay nag-init ang sulok ng kanyang mga mata. Naalala  niya kung bakit biglang nagbago ang isip ni Joyce. Andoon na eh, masaya na sila pero bakit bigla itong umayaw? Anong kasalanan niya? Wala siyang makitang rason para iwanan siya ni Joyce. "Seriously dude, mukha ng patapon ang buhay mo sa hitsura mo," sabi pa nito muli ni Rey. "Alam ko?" Mag-dadalawang linggo na ang nakalipas mula ng huli niyang makita ang rason ng kamiserablehan niya. "Bakit ba ang hirap intindihin ang mga babae?" Ang buong akala niya ay nag-kakaunawaan na sila ni Joyce .Iyon pala... "Argggh! This is bullshit!" ani Hagyun, ibinagsak ang kamao sa hita. Hindi na niya namalayan ang pag-tulo ng mga luha sa kanyang mga mata. He was like a mad man. He was whining, cursing, and crying at the same time. "No, man! That's love!" ani Rey. Kaya nga tuwang-tuwa siya ng tugunin ni Joyce ang halik niya. Ang buong alam niya ay may damdamin din ito sa kanya. But obviously, he was wrong. Kung may nararamdaman din ito para sa kanya, hindi nito gagawin ang ginawa nito. Hindi nito ituturing na ordinaryong bagay lang ang halik na namagitan sa kanila. "Dammit! I can't believe I'm going through this terrible state because of woman! And to think of it that woman isn't my type? Physically, my exe's were a lot better than her. But why?" s**t talaga! Huwag ka ng tumulo pesteng luha! sawaya ni Hagyun sa sarili. Pero hindi iyon nag-paawat. Marahas na pinalis ni Hagyun ang luhang nag-landas sa kanyang mga pisngi. Tumayo siya. Bahagya siyang naliyo kaya gumiwang-giwang siya. Nilapitan niya si Rey. Itinukod niya ang mga braso niya sa mesa nito. "Why did she do this to me? Why do I have to go through this? This is the punishment for all the hearts I've broken? Bakit parang ang sakit-sakit naman?" biglang na alala ni Hagyun ang sinabi ni Katrina bago nito nilisan ang  kaniyang restaurant.Natawa si Hagyun ng pagak kapagkuwan. "Umepekto yata ang sinabi ni Katrina. If I had to aproach her and bed her to take the curse, I would do it just to see Joyce smile at me again." Napaluhod si Hagyun at parang batang humagulhol. "Ikinuwento ba ni Joyce saiyo ang tungkol sa Papa niya?" tanong ni Rey. Nag-angat si Hagyun ng mukha. "Ano'ng ibig mong sabihin?" "Hindi ko alam kung ano talaga ang nangyari sainyo ni Joyce. Takot kasi iyon, ayaw niyang masaktan." ani Rey dito. "Im not his father! Hindi ko siya sasaktan!" Sagot ni Hagyun kay Rey. "Siguro nga hindi ikaw ang ama niya pero malaki ang pag-kakatulad niyo. Hindi mo siya masisi kung takot siya mag-tiwala saiyo. She had been through pain because of her father," ani Rey. Natahimik si Hagyun. Naalala niya ang hitsura ni Joyce habang ikinukwento nito sa kanya ang tungkol sa ama nito. Mababakas ang pait at sakit sa mga mata nito at mahihimigan iyon sa tinig nito. Umiiyak ito habang nag-kukwento. Naalala niya ang sinabi nito. Kaya hindi mo ako masisisi kung bakit hindi ako kampante sa mga tulad mo. Tinapik siya ni Rey sa balikat. "Sabihin mo ang nararamdaman mo para sa kanya. Paulit-ulit mong sabihin na mahal mo siya hanggang sa mapaniwala mo siya. Maniwala ka effective iyon. Ito ang patunay." Itinaas ni Rey ang kamay na may suot na wedding ring. Napatitig si Hagyun roon. Kung dati ay naiirita siya tuwing nakakakita siya niyon, ngayon ay kakatwang napanatag ang loob niya. Hindi na siya kontra sa ideya ng pag-papakasal. Gagawin niya ang lahat mapasakanya lang si Joyce. For sure, tatangapin din nito ang pag-ibig niya. Sa ngayon ay pag-aaralan muna niya kung paano niya suyuin si Joyce.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD