Joyce went home. May ka-meeting sana siya pero biglang nakansela ito sa huling sandali. They were supposed to go a launch after their meeting so she was all dressed up. Pero may nangyari naman na kahit hindi siya sinipot ng kausap niya. Nang nasa apartment na siya ay hindi muna siya nagpalit ng damit. She checked her machine and took care of business first. Ang plano niyang bakasyon ay hindi rin natuloy mula ng makilala niya ang mama ni Hagyun at Seongyun. Iyon na ang naging plano niya sa ngayon at hindi sasayangin pa ang leave niya.
Nakatapat siya sa computer niya ng makarinig siya ng mga katok. Binuksan kaagad niya iyon. It was Hagyun. "My, my...you really look stunning in that dress." Dumako agad ang kamay nito sa bukas na bahagi ng kanyang suot. Nanayo kaagad ang mga balahibo niya sa katawan kaya lumayo siya rito. She would rather die than have him see her reaction.
"What the hell are you doing here?" Joyce asked Hagyun and being surprised by his present.
"Shoudn't I be the one asking you that? Why are you still here and dressed like you're meeting someone for a rendezvous? You got stood up, haven't you?" Ngingisi-ngisi ito. "Someone failed to make your night so had to ruin mine."
"I ruined your night? Just because of that?" hindi makapaniwalang sabi ni Joyce. Ano namang masama sa suot niya? Besides, nasa loob naman siya bg sarili niyang pamamahay.
"Any woman would get jealous after what you have did. You were practically begging, me to sleep with you so here I am." ani Hagyun. Nanaginip yata ito. Mukha bang nakaka-akit ang suot niya?
Ibang klase talagang bumira ng salita ang lalaking ito, naisip niya. Kahit marami na siyang nakasalamuhang tao ay wala siyang nakilalang tulad nito. She had faced a number of pigs and jerks in her world but Hagyun took the cake. "No dice, Hagyun. Like I said, once with you was enough."
"I was drunk. You know that? Besides, you were a virgin. It's not pleasurable for a virgin. Now I'm feeling great you've been around the block. Let's give it another try, why don't we?" ani Hagyun
"Shut up!" sigaw ni Joyce dito. Namumuro na ito sa kabastusan at kamanyakan.
"I can undress you slowly...You don't have any idea what I want to do right now? But let me tell you anyway. I want to kiss you all over, like you, taste you, eat you up..." malanding sabi nito.
Joyce understood why some people like role playing s****l acts, why dirty talking did the thing for some folks. Kahit hindi iyon ang eksaktong ginagawa ni Hagyun ay may kakaibang epekto iyon sa kanya. Marahil dahil alam niyang may halong pang-iinis ang sinasabi nito ay may bahid din iyong panunukso. He would not be surprised if she said say "yes." "Why don't you go home and take a cold shower?" bagkus iyon ang isinagot niya sa panlalandi sa kaniya ni Hagyun.
"Why should I settle for that when you're here?" ani Hagyun, tila naghahamon ito sakanya.
"You really don't want to piss me off, Hagyun. I have your brother's phone number on speed dial. He always love to hear from me." She knew that would do the trick. Nagdilim kaagad ang mukha ni Hagyun at nilisan ang condo niya pagkasabi niya dito ang pagbabanta niyang tatawagan niya si Seongyun kapag nagpumilit itong pumasok. Mabuti nalang at hindi na rin siya nito gimnambala pa at binalikan muli.
Nangalumbaba si Joyce sa kanyang mesa kapagkuwan ay tumingin siya sa suot na relo. Alas onse na ng gabi at nasa opisina pa siya. Halos gabi-gabi na siyang nag,-o-over time. Hindi niya napansing malalim na pala ang gabi. Ilang gabi na siyang napupuyat sa trabaho para maiwasan si Hagyun. Gusto niyang laging ukupado niyon ang isip niya para hindi niya maisip si Hagyun. "s**t!" Sambit niya, sabay pilig sa kanyang ulo para mabura ito sa isip niya.
Nag-pasiya siyang umuwi na. Dinampot niya ang kanyang bag at lumabas na siya ng opisina niya. Uuwi na lamang siya at susubukang matulog. Ilang gabi narin siyang nahihirapang matulog. Kahit puyat siya sa pag-tratrabaho ay hindi niya magawang matulog dahil sa mga ganoong pag-kakataon niya naalala si Hagyun. Wala ng tao sa opisina at patay na ang karamihan sa mga ilaw ng lumabas siya ng opisina niya.
Naglalakad na siya sa pasilyo at patungo na sa elevator ng makarinig siya ng yabag. Napahinto siya .Alas onse na ng gabi kaya tiyak niyang siya lang ang tao roon. Napansin niyang sa pag-hinto niya ay tumigil din ang yabag. Nag-pasya siyang ituloy ang pag-lalakad patungo sa elevator. Halos kasabay ng pag-hakbang niya ay narinig niya uli ang mga yabag. Kinilabutan siya. Mabilis na pinindot niya ang down button ng elevator pagdating niya roon.
Lalong lumakas ang yabag, tila palapit sa kanya. Bigla ay pinagsisihan niya ang labis na pag-papagabi sa trabaho. Totoong gusto niyang makalimutan si Hagyun pero hindi naman sa ganoong paraan. Takot siya sa multo. Palakas ng palakas ang mga yabag. Hindi niya mahintay ang elevator. Lakad-takbo na tinungo niya ang fire exit. Nagulat siya ng hanggang doon ay sinusundan siya ng mga yabag. Malaks na malakas na iyun kaya pakiramdam niya ay palapit na iyon sa kanya. Napaiyak na siya sa takot.
"Joyce, wait!" Sigaw ni Hagyun sa kaniya.
Natigilan si Joyce. Kilalang-kilala niya ang tinig na iyon. Mas matindi pa pala kaysa sa multo ang humahabol sa kanya. Marahas na nilingon niya sa Hagyun. "Ikaw lang pala! Buwisit ka!" Sigaw niya saka pinunasan ang mga luha niya. Buwisit na buwisit siya rito. Tinakot siya ng labis. Hindi lang iyon, pinaiyak pa siya nito.
Dagli itong lumapit sa kanya. "Bakit ka umiiyak?" tanong ni Hagyun sa kaniya.
"Sa palagay mo, bakit nga ba?" Sarkastikong tanong ni Joyce dito. "Tinakot mo kaya ako!"
"I know? That's why I'm here to apologized. I know your father and I are alike in many ways but that doesn't mean I am him? I would never ever hurt you intentionally." ani Hagyun.
Napakunot-noo si Joyce. Ilang sandaling tinitigan niya si Hagyun bago niya nauunawaan ng lubos ang sinasabi nito. Natawa siya.
Kumunot ang noo ni Hagyun. "Ano'ng nakakatawa?"
"Ikaw?" sagot ni Joyce. "Natatakot ako, oo, pero hindi dahil diyan. Natatakot ako dahil hinahabol mo ako na hindi man lang tinatawag ang pangalan ko! Ang akala ko ay hinahabol ako ng multo?" aniya.
Unti-unting napalis ang pag-aalala sa mukha ni Hagyun. Natawa rin ito.
"Natatakot kasi ako na tawagin ka. Baka kasi pag tinawag ko ang pangalan mo at marinig mo ang boses ko ay lalo mo akong takbuhan." Tumawa uli ito. "Pero sa ginawa ko ay lalo ka pang tumakbo dahil ang akala mo ay multo ako," ani Hagyun sa dalaga.
Nakakatawa kung isipin na ang taong dahilan ng kalungkutan niya sa loob ng dalawang linggo ay kaharap niya at nakikipagtawanan sa kanya. To think na pinilit niyang kalimutan ito. Kapwa sila natahimik ng mapagod na sila sa kakatawa.
"Anyway, kahit mali pala yung naisip ko kanina na rason ng takot mo, totoo parin 'yung sinabi ko. I'm sorry na tinakot kita dahil marami kaming pag-kakatulad ng papa mo. Pero ang pagkakaiba namin, hindi ko kailanman gugustuhin na saktan ka. Dahil pag nasasaktan ka ay double ang sakit na nararamdaman ko." Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata.Puno ng sensiredad ang tinig nito kaya gustong-gusto na niyang maniwala."I love you, Joyce," sabi pa ni Hagyun. Natulala siya.
Dumeretso si Joyce sa sofa at pasalampak na umupo roon pagkatapos mag-mumog. Inaantok pa siya pero ayaw na niyang humiga. Hindi maganda ang tulog niya ng nagdaang gabi. Kagaya ng mga nagdaang gabi ay hindi siya pinatulog ng mga alaala ni Hagyun. Tila paulit-ulit na umalingawngaw sa isip niya ang deklerasyon nito ng pag-ibig. Ilang beses pa nitong sinabi na mahal siya nito hanggang sa maihatid siya nito sa bahay niya. "Kahit kailan talaga ay peste ka, Hagyun!" Sabi niya sa kawalan.
Nagpasya siyang mag-tungo sa kusina. Katatayo lang niya ng tumunog ang doorbell. Kumabog ang dibdib niya ng agad na naisip na si Hagyun iyon. Sa totoo lang, wala siyang inaasahang bisita sa umagang iyon. Huminga siya ng malalim para payapain ang sarili. Ayaw niyang mag-mukhang excited. Huminga uli siya ng malalim para kalmahin ang sarili bago niya binuksan ang pinto. Nadismaya siya ng hindi si Hagyun ang napagbuksan niya ng pinto. Sa halip ay lalaki na nasa early twenties ang nakatayo sa harapan niya. Pagkakita rito ay nanariwa ang sakit ng betrayal. Ipinaala sa kanya ng mukha nito ang mukha ng taong nang-iwan sa kanilang mag-ina.
Kamukhang-kamukha ng kaharap niya ang kanyang ama---ang makakapal na kilay, magagandang mata, matangos na ilong, at manipis at natural na mamula-mulang labi.
"I'm sorry for disturbing you this early. But I'm really dying to talk to you, ate Joyce." anito.
Parang gusto niyang umiyak. Sinasabi na nga ba niya. Ito ang batang lalaking nasa litratong hawak ng kanyang ina ng mamatay ito. Dahil dito at sa ina nito ay naulila siya ng maaga. Pinaikli ng kanyang ama ang buhay ng kanyang ina ng iwanan sila nito. "Wala akong kapatid kaya 'wag mo akong tawaging ate," malamig na sabi ni Joyce. Akmang isasara na niya ang pinto ng pigilan nito iyon.
"Patawarin mo na siya, Ate Joyce. Tatlong taon na ang nakakaraan ng pumanaw siya," pagsusumamo nito.
Naramdaman niyang tutulo na ang kanyang mga luha kaya tumingala siya at pumikit ng mariin. Nang makalma niya ang sarili ay ibinalik niya ang tingin dito at ngumiti ng mapait. "Eighteen years ng patay ang mama ko kaya eighteen years narin akong walang ama. Ano'ng pagkakaiba no'n sa tatlong taon na pagkawala niya sa piling ninyo?" mapait niyang sumbat
"Ate Joyce..." anito.
Ibinaling ni Joyce ang paningin sa ibang direksiyon ng maramdaman niyang tumulo na ng tuluyan ang mga luha niya. Ayaw niyang makita nito iyon.
"He died calling your name, Ate Joyce. He search for you everywhere, kahit pa may sakit na siya. Gusto niyang humingi ng tawad saiyo dahil sa pang-iiwan niya sa inyong mag-ina. Pero hindi ka niya nakita. Namatay siya ng hindi nakakamit ang kapatawaran mo. Pero bago iyon ay paulit-ulit niyang hinabilin sa akin na hanapin kita at kapag nakita kita ay sabihin ko saiyo na humihingi siya ng tawad sa lahat ng kasalanan niya sa inyong mag-ina. Bukod doon, sabihin ko rin daw saiyo na mahal na mahal ka niya." mahabang paliwanag nito.
Marahas na pinahid niya ang mga luha niya. "Hinanap ba talaga niya ako? Bakit ganoon ba kalaki ang Metro Manila para hindi niya ako makita? At bakit hinanap lang niya ako kung kailan malaki na ako? Bakit hindi noong nawala si Mama? Bakit hindi noong
kailangang-kailangan ko siya? Noong nawala na sina lolo at lola ay natuklasan kong baon pala siya sa utang? Bakit hindi niya ako sinama sa pamilya niyo kahit pa nga ba magiging saling-pusa lang ako? Atleast sa ganoon, may ama parin ako! Kung mahal talaga niya ako, hindi niya ako pababayaan! Hindi niya ako iiwan!" mapait niyang sabi. Punong-puno ng hinanakit sa kaniyang ama.
Huminto na siya sa pagsasalita dahil gumagaralgal na ang tinig niya. Tuloy-tuloy na kasi ang pag agos ng kaniyang mga luha. Ayaw mag-paawat ng mga iyon. Nanariwa na ang lahat ng sakit ng nakaraan. Pinaalala pa ng lalaking kaharap niya. Hinanap siya nito para tuparin ang huling habilin ng ama nito. Ang pag-tupad sa habilin na iyon ang patunay lamang na maganda ang naging pag-papalaki rito ng kanyang ama, na maayos ang naging buhay nito. Samantalang siya na legal na anak ay lumaking nag-iisa. Halos sinarili niya ang buong pag-durusa. Halos siya ang siningil ng ama niya na hindi naman dapat. Tapos, bakit kailangan pa siyang guluhin ng kapatid niya sa ama. Get lost!